1. Chasing Xander

23.8K 390 25
                                    

"My loves!!!!",ubod lakas na sigaw ni Jessica habang hinahabol ang papalayong sasakyan ni Xander.

"Shit!", napamura nalang ang binata matapos makita ang humahabol na dalaga mula sa side mirror ng kanyang sasakyan.

Hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang siya sa pagmamaneho. She will give up anyway. 

Pero iyon ang akala niya dahil tinanggal nito ang ubod taas na sandals nito at pilit pa ding humabol.

"Fuck!", napamura nalang si Xander at inis na tinapakan ang preno ng sasakyan.

Srrreeeeaaacchhhhhh

Nakakainis!

Nakasimangot niyang hinintay ito hanggang makapasok na sa kanyang sasakyan.

"Aha......ha..ha....ha", hiningingal pa ito habang hawak ang dibdib.

Kunot-noo niya itong sinulyapan.  Ang kapal kapal ng make up nito! Definitely not his type! He wants his girl very simple. 

"O-ohmy l-loves! B-buti n-nahabol k-kita!",habol pa rin nito ang paghinga habang hawak ang dibdib nito.

Napailing nalang si Xander matapos mapasadahan ang ayos ng dalaga.

Napakaiksi ng kanyang palda at kunti nalang ay masisilipan na ito.

He hates her clothing! He hates her make-up! 

Ang gusto niya ay ang kabaliktaran nito iyong simple lang kagaya ni Bea .

Napailing nalang siya saka pina-andar ulit ang sasakyan. Paminsan minsan pa siyang sumusulyap sa katabi dahil nakapagtatakang hindi siya nito kinukulit at nakapikit lang.

"Are you okay?", hindi mapigilang tanong niya dito.

"Hmmmm", nakapikit man ay ngumiti si Jessica saka nagthumps up pa para sabihing okay lang siya.

Pagdating nila sa Steve University ay hindi parin ito gumagalaw.

Mabilis siyang lumabas pero napatigil siya sa paghakbang ng mapansing hindi bumaba ang dalaga.

Inis siyang bumalik sa sasakyan saka ito kinatok.

Napakislot pa ito pero agad ding ngumiti.

"Yes my loves?"nakangising tanong nito.

"What the hell! We are already here stupid! Bumaba ka na!", inis na bulyaw niya rito.

"Ha?", nagtatakang tanong nito.

"Tss!", Kaysa makipagtalo ay tumalikod nalang si Xander at at iniwan ito.

Dali dali namang binuksan ni Jessica ang pinto at mabilis na sinuot ang sandals saka humabol.

"My Loves, wait!"

Nang mahabol siya nito ay agad siyang kumapit sa kanyang braso.

"Ano ba!", pilit niyang iniiwas ang braso pero mas lalo lang hinigpitan  iyon ng dalaga. 

"Ihatid mo ako sa room ko!", pangungulit sa kanya ng dalaga.

"Tsss fine! Just let me go will you!",asik ni Xander.

"No! I will never let you go My Loves! Akin ka lang at iyong iyo naman ako. Ako ang itinadhana para sayo",nakangising wika ni Jessica

"Shut up"

Naiiling nalang na nagpatuloy sa paglalakad si Xander at hinayaan na nakakapit ang dalaga sa kanya.

Mukhang enjoy na enjoy naman ito sa pagkakadikit at parang timang kung makangiti.

"Andito na tayo baka gusto mo nang bumitaw", sarkastikong wika ni Xander.

"Hmp! Anubayan! Ang bilis mo kasing maglakad eh iyan tuloy ang bilis nating makarating!", nakangusong sagot ni Jessica.

"Unbelievable"

"Ah alam ko na. Ihahatid nalang din kita sa building niyo MyLoves", nagtwitwinkle ang mga matang wika ni Jessica.

"You're crazy"

"Hi besty"

Natigil sila sa bangayan ng lumapit sa kanila si Bea.

Ang kaibigang matalik ni Jessica.

Biglang naman napatigil si Xander at napatitig kay Bea. 

Kumunot naman ang noo ni Jessica ng makita kung paano kabilis nag-iba ang aura ni Xander pagkakita kay Bea.

Pero hindi naman siya pinansin ni Bea.

"Hello besty", nakangiting tugon ni Jessica rito.

"Tapos mo na ba ang homework mo? Halika gawin na natin", nakangiting sabi ni Bea.

"Gawan mo nalang ako besty please?"

"Oh sige besty. Mauna na ako para magawan na kita ng Homework mo"

"Ge besty sunod na ako"

"Tsk. Kahit kailan ka talaga ang tamad mo mag-aral buti nalang matalino ang kaibigan mo", pangaral sa kanya ni Xander.

"Ganyan ang totoong kaibigan MyLoves hindi mo ba alam? Kopyahan ng homework. Duh!"

"Kita mo yang utak mo! Bahala ka na nga riyan! Ang sakit mo sa ulo!"

"Bye MyLoves! Mwuah! I love you!"

Natatawa nalang si Jessica habang tinatanaw ang papalayong si Xander.

"Hay naku gurl malala ka na!", kantyaw sa kanya ni Talia. Isa sa kabarkada niya.

"Pinasakit mo na naman ang ulo ni Xander", ang komento ni Carmen.

Apat silang magbabarkada pero si Bea ang pinakabestfriend niya.

Mahirap lang ang buhay ni Bea kaya ng nakapag-aral ito sa Esteban High ay ginawa nila itong katatawanan pero pinagtanggol niya ito kaya simula noon ay naging magkaibigan na sila.

Nasanay na siyang ginagawa ni Bea lahat lahat para sa kanya.

~

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?", tanong ni Jaime kay Xander matapos padabog itong naupo sa kanyang upuan.

Barkada ito ni Xander at kasintahan ni Talia.

"Lemme guess si Jessica na naman iyan ano?", natatawang turan ni Danny, kasintahan naman ito ni Carmen.

"Yeah! She's crazy!", inis na sagot ni Xander.

"Siguro kung anu ano na naman ang sinabi mo sa kanya ano? Alam mo pare hindi ko alam kung bulag ka ba o sadyang tanga. Ang ganda ganda nung tao bakit hindi mo nalang kaya patulan?", naiiling na saad ni Martin.

"Tapatin mo nga ako Martin, type mo si Jessica ano?", kantyaw ni Danny.

Namula naman si Martin sa paratang nila kaya mas lalo pa nila itong tinukso.

"Shut up you guyz! Nagmamalasakit lang ako, okay? Solid XanJe ata ako.."

"XanJe what?", nagtatakang tanong ni Xander.

"Eh di Xander-Jessica Forever Loveteam!", sabay sabay na sagot ng tatlo.

"What the heck!"

"Aysus baka kainin mo ang mga sinasabi mong iyan balang araw. Who knows di ba? Mabaliktad ang mundo ngayon hinahabol habol ka si Jess pero sa future eh ikaw na ang hahabol habol sa kanya!", natatawang wika ni Martin

"Shut up! No fucking way! I know who is my future"

"Naku! Mahirap iyan tol! Sa bestfriend ka pa nagkagusto!"

"I don't care basta gagawa ako ng paraan para mapansin ako ni Bea na hindi hadlang si Jessica sa aming dalawa", desididong turan ni Xander.

~

Xander:Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon