MLFTC Huling Kabanata

18.3K 610 76
                                    

MLFTC
Huling Kabanata

*****

"Mattheaus!" Sambit ko kasabay nang akin pagsinghap.

Nasapo ko ang aking noo at ang aking dibdib. Tila yata ang sama ng tulog ko. Bumaba ako sa kama at laking gulat ko nang mapuna kong nakahubad pala ako. Napahawak ako sa aking tiyan. May malaking pilat ako sa tiyan. 'Di ko naman matandaang nagkasugat ako sa tiyan. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan ko. Napamasid ako sa buong paligid ko. Nasa isang malaking silid ako.

Nahinto ako sa harapan ng salamin. Agad akong napalapit at pinagmasdan ang sarili kong replika. Bukod sa dati nang nagbago ng tuluyan ang buhok ko ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang mga mata ko. Kulay pula na ito, maging ang mga kuko ko ay humaba rin ng konti.

"Mattheaus!" Dali-dali akong lumabas ng silid.

Naniningkit pa ang mga mata ko nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Isang malakas na hangin din ang sumalubong sa akin at ang... Dagat!?

"Matt---" 'Di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang lumitaw si Mattheaus sa harapan ko.

Ang kanyang mga labi agad ang pumigil sa akin. Hinapit niya ang aking bewang at pinalalim pa ang pagkakahalik sa akin. Dalang-dala ako sa halik niya kaya napakapit na rin ako sa batok niya. Napuna ko pang muntik nang malaglag ang kumot na nakatapi sa katawan ko ngunit maagap ito at itinaas muli.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay takang-taka ako na 'di man lang ako kinapos ng hininga.

"Bakit ganito ang kulay ng mga mata ko?" Tanong ko agad. Kinulong naman niya ako sa mga bisig niya.

"Isa lang ang sagot sa tanong mo, Yana. Pag-ibig na walang kamatayan." Aniya.

"Gusto mo na ba siyang makita?" Tanong niya.

"Sino?" Wika ko ngunit agad din naman akong natigilan.

"Ang anak natin!? Nasaan siya?" Kinakabahan ko pang tanong.

Bigla namang nawala si Mattheaus sa harapan ko at nang magbalik ito'y may dala na itong kulay pulang bestida. Hinila niya ako papasok ng konti sa silid at inalis ang kumot na nakatakip sa akin. Siya na mismo ang nagdamit sa akin at ibig ko yatang mahiya dahil pati ang pang-ibabang panloob ko'y siya na rin mismo ang nagpasuot sa akin.

"Sobrang ganda mo, Yana." Aniya.

Isang matamis na ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya. Hindi naman nagtagal na ay inakay na niya ako palabas. Pinaakyat niya ako sa hagdan at ngayon ko lang napuna na nasa isang malaking barko kami. Magtatanong pa sana ako ngunit may biglang gumapang sa isang sulok. Hindi ko ito makita nang malapitan dahil natatabunan ito ng kuna. Humakba ako palapit at laking tuwa ko nang makita ang anak ko. Dali-dali ko siya kinuha at hinagkan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa sobrang galak.

"Arthyseuos Ynue Zoldic." Napabaling ako kay Mattheaus.

"Ano?"

"Ang pangalan ng anak natin." Sagot naman nito. Napangiwi ako.

"Nakakasamid sa dila pero bagay sa kanya." Natutuwa ko pang wika.

Ang guwapo niyang bata, halatang nagmana sa ama niya. Ngunit isa lang ang 'di ko maipagkakaila, isa rin siyang bampira. Mukhang dadami yata ang papakainin ng Mattheaus ko. Panay ang yakap at halik ko kay Arthyseuos. Talagang nakakagiliw ito.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Where stories live. Discover now