MLFTC-10

15.5K 542 33
                                    

MLFTC-10

*****

Napabuga ako ng hangin. Wala sa sarili pa akong napasabunot sa magulo kong buhok. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Hindi naman kasi porke't kamag-anak ko si tiyang Nely ay agad na akong makakapunta roon. Wala na nga yata akong pag-asa.

Napalinga ako sa aking paligid at napuna kong panay ang sakay ng mga biyahero sa mga bangka, maliban na lamang sa isang bangka. Hindi naman ito gaanong malayo sa puwesto ko ngunit kitang-kita ko kung paano baliwalain ng mga biyahero ang bangkang 'yon.

Sa tindi naman ng aking kuryusidad ay tinungo ko ang bangka habang bit-bit ko ang mga gamit ko. Nang makalapit ako'y bahagya pa itong tumitig sa akin. Napatikhim pa ako.

"Ah...Manong...sa inyo po ba ang biyahe papuntang Isla Bakunawa?" Panimula ko pa.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil may kakaiba ang mga mata niya.

"Ano ang pakay mo sa lugar na iyon?" Anito. Napakamot pa ako sa aking batok.

"Pupuntahan ko lang po ang tiyang Nely." Matapat ko rin namang sagot.

"Ang rosas..." Aniya.

Nagulat ako sa kanyang sinambit. Bakit niya alam?

"Ay rosas..." Nasabi ko na lang kunwari at ipinakita sa kanya ang itim na rosas na hawak ko.

Hindi na ito kumibo, bagkus ay kinuha nito ang mga gamit ko at isinakay sa bangka nito. Bahagya pa nito akong sinulyapan.

"Sabi ko nga, sasakay na." Naibulong ko sa sarili.

Nang makasakay na ako'y agaran din naman niya itong pinaandar. Habang binabaybay namin ang dagat ay hindi ko man lang matanaw ang sinasabing isla. Hanggang sa naabutan na kami ng dilim sa laot. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Kanina pa kami rito sa laot at hindi ko malaman kung saan ba talaga ang islang ito. Ibig ko sanang mang-usisa ngunit natatakot naman ako. Napailing na lamang ako at itinulog na lang.

*****

"Yana..." Napadilat ako sa narinig ko at sa kasamaang palad ay nahulog lang naman ako sa bangka. Agad akong umahon at napasinghap. May kamay namang lumahad sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Anito.

Nang mag-angat ako ng aking ulo ay ganoon nalang ang pagkamangha ko dahil sa sobrang ganda niya. Inabot ko ang kamay nito at inalalayan akong makaalis sa...ilog? Napalunok ako.

"Tama ba pinuntahan ko?" Nangangatog ko pang naisambit.
"Mahal ko, akin na nga ang balabal." Wika no'ng babae sa lalaking kasama nito.

Diyos ko! Kung hindi lang mahigpit itong suot ko'y baka kanina pa ito nalaglag. Kung maganda ang babaeng 'to ay mas lalo namang nakakalula ang kaguwapuhan ng lalaking kasama nito. Bigla namang ipinatong no'ng babae sa akin ang hawak niyang balabal.

"Nasa isla Bakunawa ka, hindi ka ba taga-rito?" Nailing ako. Mabuti nalang at tama ang napuntahan ko.

"Si kuya bangkero kasi...nasaan na iyon?" Takang-taka pa ako dahil bigla na lamang nawala ang bangkang sinasakyan ko kanina.

"Kung maayos ka na'y mauna na kami." Wika muli nito.

"Ha? Teka po, isang tanong lang po." Pigil ko pa rito.

Ngumiti naman ito at para bang hinihintay nito ang susunod kong sasabihin.

"May kakilala po ba kayong Nelyncia Natividad? Lumipat daw kasi dito kasama iyong pamangkin niya." Pareho naman silang dalawa na nagkatinginan.

"Kaanu-ano mo ang tiyahin ko?" Wika nito na ikinalaki naman ng aking mga mata.

"Po? Kayo ang pamangkin ni tiyang Nely?" Gulat na gulat talaga ako at hindi makapaniwala. Napatango itong muli.

"Pamangkin din po niya ako, kapatid niya po ang inay Leticia ko." Dagdag ko pa.

Bumaling naman ito sa kasama niyang lalaki, na kanina pa tahimik.

"Isama mo na siya." Ani ng lalaki at lumakad na.

"Dalian mo..." Ani no'ng babae sa akin at agad na hinabol ang lalaking kasama nito.

Ako naman itong wala pa sa huwisyo ay nagkukumahog na kinuha ang mga gamit ko at sumunod sa kanilang dalawa. Kung ganoon nga'y pinsan ko siya. Ibang klase nga talaga ang tadhana, laging nagkukusa. Habang nakasunod ako sa kanila'y hindi ko maiwasan ang mapangiti. Nakakatuwa silang panoorin. Magkahawak-kamay ang mga ito at panay halik sa noo ng pinsan ko ang lalaki. Nakakainggit, sana'y may ganyan din akong iniirog.

Habang naglalakad ay panay din ang paglinga ko sa paligid. Isang maliit na nayon ang meron sa islang ito. Ngunit ang mas lalong pumukaw sa aking atensyon ay ang napakalaking pader. Napakataas nito at tila parang ayaw talagang magpapasok. Lumiko kami sa gilid ng simbahan at bumungad sa akin ang napakalaking bahay.

"Umakto kang normal mahal ko." Narinig ko pang wika ng aking pinsan sa lalaking kasama niya. Hindi ito umimik at pumasok na sa loob. Normal? May sakit ba ang kasama ng pinsan ko? Ganyan ka gandang lalaki, may diperensya?

"Pasensya ka na sa inasal niya kanina. Siya nga pala, ako si Catherine at iyong kasama ko kanina ay asawa ko." Aniya. Napatango-tango ako. 'Ang suwerte niya nga naman.' Sa isipan ko.

"Ikaw? Taga-saan ka ba pinsan? Bakit ka napadpad dito? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod na tanong nito.

Sasagot na sana ako ngunit nabitawan ko ang mga gamit ko. Kanina pa kasi ako nabibigatan sa mga ito.

"Nako, pasensiya ka na." Paumanhin nito at tinulungan ako sa mga gamit ko.

"Pasok ka..." Gayak nito sa akin.

Sa pagpasok ko'y ibig ko yatang mangliit at laitin ang sarili ko. Ang ganda ng loob ng bahay. Mamahalin ang mga muwebles at palamuti. Ang iba pa'y nababalutan ng kulay ginto at pilak. Hindi yata nababagay ang aking mga kasuotan sa bahay na ito.

*****
This is fun! XD

Paano ba naging pinsan ni Catherine si Ayesha Yana?
Kung may hula kayo, feel free to comment. At kung nabasa niyo ang series one TKITD, may clue na kayo.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon