MLFTC-48

12.5K 424 8
                                    

MLFTC-48


*****

"Kamusta siya, tiyang?" Narinig kong tanong ni Zsakae.

"Maayos siya..." Sagot ng aking ina. Napadilat ako. Nasa silid na ako ulit ng ate Catherine.

"Yana..." Wika ng inay Nely at agad akong inalalayang makaupo.

"Nay, si Mattheaus po?" Agad na hanap ko. Nailing naman ito at malungkot na napatungo.

"Kailangan ko siyang puntahan!" Bumaba ako ng kama ko at akmang tatakbo palabas ngunit hinarang ako ni Zsakae.

"Kumalma ka Yana." Ani Zsakae.

Agad na nag-unahang tumulo ang mga luha ko, maging ang kirot dito sa aking dibdib ay mas lalong lumalawak.

"Kalma? Paano ako kakalma ha! Hindi na niya ako kilala! Kasalanan ko 'to e!" Napaluhod ako at napatakip ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

Bumalik sa akin ang eksenang naganap kaninang umaga. Hindi ako maalala ng minamahal kong si Mattheaus. Tinawag niya pang ako raw si Alyana.

"Zsakae, nakikiusap ako sa 'yo. Gusto ko siyang makita." Ani ko sa pagitan nang aking hikbi.

Nagsimula na ring mamaos ang aking boses, marahil sa walang humpay ko itong pag-iyak, simula kahapon pa. Napaluhod naman si Zsakae at niyakap ako.

"Yana, tahan na. Masama sa iyong kalagayan ito. Paano kung magkita nga kayo at si Alyana pa rin ang nakikita niya imbes na ikaw. Mapapahamak ka Yana, lalo pa ngayong nagdadalantao ka pala." Nailing ako at itinulak si Zsakae.

"Hindi! Ang punto mo ba'y hayaan ko na lamang siya? Puwes 'di ako makakapayag! Masaktan man ako nang paulit-ulit ay pipilitin ko paring ipaalala sa kanya na ako si Yana at hindi ang kapatid kong si Alyana!" Galit na bulyaw ko.

Nanghihina man ngunit pinilit kong makatayo. Ikamatay ko man ito ay wala na akong pakialam pa. Hindi ako papayag na makalimutan lang ako basta ni Mattheaus. Mahal niya ako at alam ko 'yon. Sigurado akong may mali talaga sa kanya.

"Anak naman, tama si Zsakae..." Segunda ng inay Nely. Nagtagis ang mga bagang ko.

"Hindi nay. Kailangan maalala niya ako alang-alang sa magiging anak namin." Lumabas ako ng silid.

Tinungo ko agad ang labasan. Nai-kuwento ni Egoy sa akin no'ng nakaraan kung nasaan ang mansyon ni Mattheaus at nasa likod iyon ng unibersidad.

"Yana!" Napatigil ako sa paglakad at nilingon si Zsakae. Agad itong lumapit sa akin at inalalayan ako.

"Sasamahan kita." Anito.

Mapait na ngiti lamang ang itinugon ko kay Zsakae. Alam kong nasasaktan siya sa kalagayan ko ngayon ngunit mas mabigat itong dinadala kong sakit sa aking dibdib. Nagkamali ako kay Mattheaus. Pinagdudahan ko ang pagmamahal niya para sa akin ngunit kung tutuusin ay siya ang mas lalong nagdurusa.

Ilang taon akong nawalay sa kanya at ngayong narito na ako ay 'di ko hahayaang malayo pa siya sa piling ko, lalo na sa magiging anak namin.

Pinasan naman ako ni Zsakae kaya mas napabilis ang pagpunta namin sa mansyon ni Mattheaus. Tama nga ang sabi ni Egoy, nasa likuran nga ng unibersidad ang may kalakihang bahay na pag-aari ni Mattheaus. 'Di na ako magtataka pa, isa siyang Zoldic, isa sa nagmamay-ari ng islang 'to.

Ibinaba ako ni Zsakae sa harapan mismo ng bahay ni Mattheaus. Panghihimasok man ang ginawa namin nang walang paalam ngunit ito lang ang paraan.

"Kuya Mattheaus!" Tawag ni Zsakae. Ngunit napakatahimik ng paligid at tila yata wala siya rito.

"Baka nasa hardin..." Ani Zsakae at muli akong inakay.

Nang matapat kami sa hardin ay pareho kaming natigilan ni Zsakae. Hindi nga kami nagkamali na narito si Mattheaus sa hardin ngunit 'di siya nag-iisa. May ibang babae itong kasama. Humalik pa ito sa kanyang pisngi. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha. Sino siya at bakit kasama niya ang Mattheaus ko!

"Si...si Alyana..." Sa wakas ay usal ni Zsakae.

Maging ako ay nagulat sa sinabi. Buhay ang kapatid ko!? Naigting ang panga ko at agad na sumugod palapit sa puwesto nila.

"Alyana!" Malakas tawag ko dahilan para pareho silang mapalingon sa akin.

Gulat pa ang itsura ng kakambal ko nang makita niya ako. Sa sobrang pagpupuyos ko ng galit ay kaliwa't kanang sampal agad ang ibinigay ko sa kanya. Tinabig naman ako nang pagkalakas ni Mattheaus at saktong tumama ako sa koral na bakal ngunit gaya nang kanina'y nasalo pa rin ako ni Zsakae. Ngunit masyado siyang nahuli kaya tumama pa rin ako sa koral. Pigil hininga ang ginawa ko at napahawak sa aking nakaumbok na tiyan. Diyos ko! Huwag sanang bumitaw ang anak ko sa akin.

"Ako na ang bahala dito, mahal ko..." Narinig ko pang wika ni Alyana kay Mattheaus, na agad din namang tumalima.

"Yana, ayos ka lang ba!?" Tarantang usisa ni Zsakae sa akin.

Tumango ako kahit taliwas 'yon sa nararamdaman kong hapdi sa aking ulo. Inalalayan akong tumayo ni Zsakae at 'di ako binitawan.

"Masakit ba Yana? Kung oo, aba'y nararapat lang sa iyon." Napahalakhak pa ang kapatid ko at napamewang.

"Ano ang ginawa mo sa kanya!" Galit kong singhal.

Ang tinutukoy ko ay si Mattheaus. 'Di pa rin kasi ako makapaniwalang nakaya niya akong saktan sa kabila ng kalagayan ko.

"Ano ka ba naman, Yana. 'Di mo ba nakikita? Ako ang mahal niya at 'di ikaw!" Muli siyang napahalakhak.

"Sinungaling!" Bulyaw ko.

Sa isang kurap ay biglang nawala sa tabi ko si Zsakae at nakita kong nasa harapan na siya ng kapatid ko.

"Zsakae..." Sambit ni Alyana.

Punong-puno ito ng katanungan sa kanyang mga mata. Sa isang galaw lang ng kamay ni Zsakae ay agad na tumilapon ang kapatid ko.

"Dati na kitang pinatay! Makakaya ko ulit iyon Alyana, kahit paulit-paulit pa!" Galit na galit ang tono ni Zsakae.

Nagulat ako sa ginawa niya. Siya ang dahilan kung bakit matagal nawala ang kapatid ko. Bigla namang bumangon sa pagkakalugmok sa lupa ang kapatid kong si Alyana. Napahalakhak pa ito at laking gulat ko nang mapagaling niya ang kanyang mga sugat.

"Ikaw naman Zsakae, 'di ka na mabiro."

"Hangal! Itigil mo na ito, Alyana! Alam mong hindi naging sa 'yo ang kapatid ko! Sumusobra ka na sa pagiging sakim at ganid mo! Nagawa mo pa talagang paslangin ang sarili mong kapatid para lang sa kahangalan mo!" Ani Zsakae.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi totoong pamangkin siya ni Mattheaus, bagkus ay kapatid siya nito sa labas.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon