MLFTC-36

12.7K 442 7
                                    

MLFTC-36

*****

Maingay yata ang paligid ko. Dinig na dinig ko ang mga konting pag-apak ng mga paa sa sahig. Maging ang mga kalansing ng mga kubyertos ay halos mabingi ako. Ang tunog ng pag-galaw ng orasan at ang bawat pag-ikot ng mga kamay nito'y dinig na dinig ko. Ang bawat paghinga, ang bawat kibot ng labing bumubulong ay dinig na dinig ko rin.

"Yana..." Napasinghap ako nang magdilat ang aking mga mata at diretsong napabangon.

Pakiramdam ko'y nagbago yata ang kulay ng mga mata ko dahil biglang mas lumiwanag ang mga nakikita ko.

"Yana!" Kasabay nang pagsambit nito ay ang malakas na sampal na natanggap ko.

"A-ate Catherine?" Gulat ko pang sambit nang makilala ko ito. Umiyak ito at bigla akong niyakap.

"Patawarin mo ako Yana..." Wika nito nang puno ng sensiredad. Alanganin naman akong napahagod sa likuran nito.

"Bakit kayo humihingi ng tawad ate? Bakit kayo umiiyak?" Nagtatakang tanong ko pa. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.

"N-nasampal k-kasi kita..." Aniya at pinunasan ang mga luha nito sa mata. Tumawa pa ito ng konti.

"Nako! Ang drama ko na yata. Pasensya ka na ha, teka lang at ikukuha kita ng tubig." Nagmamadali pa itong lumabas ng silid.

Sinundan ko lamang siya nang tanaw. Ngayon ko lamang din napuna na nasa bahay niya pala ako. Bumaba ako sa kama. Ano ba ang nangyari? Nahimatay na naman ba ako? Lumapit ako sa pinto at tinungo ang kusina. Ngunit 'di pa man ako nakakaabot ay narinig kong may kausap ang pinsan ko.

"Mama, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!" Ani ng pinsan ko. May problema ba sila ng kuya Steffano?

"Anak naman, ano ang gagawin mo? Itatago mo siya? Alam mong wala tayong magagawa sa kapalarang meron siya. Alam mo'ng pag-aari siya ng anak ko. Alam mo iyon Catherine." Ani ng mama ni ate Catherine. Sino ba ang tinutukoy nila?

"Ma, malalagay sa piligro ang bayan sa oras na manatili pa siya rito. Kailangan niyang lumipat sa looban." Ani ate Catherine. Sino ba ang lilipat? 'Di kaya'y ako ang pinag-uusapan nila?

"Yana..." Napatuwid ako nang tayo nang marinig ko ang kuya Steffano sa aking likuran.

"K-kuya pa...pasensya na po---"

Hinawakan naman nito bigla ang aking buhok.

"Bumagay sa 'yo ang kulay. Bumalik ka na sa iyong silid." Nakangiting wika nito.

Napalunok ako at talagang napatakbo ako pabalik sa aking silid. Daig ko pa yata ang natakot sa multo dahil sa sobrang kaba ko. Guwapong multo yata! Paniguradong nahuli ako ni kuya Steffano na nakikinig sa usapan nila ate Catherine. Sana naman ay huwag ako nitong isumbong.

Napaupo ako sa dulo ng kama at napabuntong hinga. Napayuko ako at bahagyang inangat ang suot kong pang-itaas. Sinapo ko ang aking puson. Bigla na lamang akong nahimatay kanina dahil sa pananakit ng puson ko. May sakit na ba ako sa matres ngayon at talaga namang daig ko pa ang may kanser sa sobrang pamimilipit ko kanina. Inayos ko na ang damit ko at sakto rin namang may kumatok sa pinto.

"Tuloy po..." Paanyaya ko.

Iniluwa ng pinto si ate Catherine na may hawak na tubig at isang buslong maliit na napupuno ng mga prutas.

"Hindi na ba talaga masama ang pakiramdam mo?" Aniya. Nailing ako at napatitig sa kanya.

Tila pareho yata kami ng kulay ng buhok ng aking pinsang ngunit no'ng unang magkakilala kami ay ganyan na ang kulay ng kanyang buhok.

"Yana..." Sambit nito.

"Po?" Nailing naman ito.

"Kumain ka ng marami ha, para naman hindi ka magkasakit. Lagi ka raw nagkakasakit nitong mga nakaraang araw ayon kay Egoy." Anito habang ipinagtatalop ako ng mansanas.

Nang matapos ito'y lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang platito na naglalaman nang mansanas. Kumuha ako ng isang piraso nito at isinubo.

"Ate, may gamot ka ba para sa sakit ng puson?" Kumunot naman ang noo nito.

"Bakit Yana? Masakit ba ang iyong puson? May dalaw ka na ba?" Nailing ako at napatango.

"Wala pa akong dalaw ngunit masakit itong puson ko ate." Akmang sasagot pa sana ang pinsan ko nang bumukas ang pinto ng silid. Bumungad sa amin ang kuya Steffano.

"Mahal ko, bakit?" Anang ate Catherine sa asawa nito.

Seryoso lang ang mukha nito at bahagya pang nilapat ang kanang kamay sa tiyan nito. Bigla namang napasinghap ang pinsan ko at agad na pumaling sa akin.

"Magbihis ka na at nang maihatid na kita sa tinutuluyan mo." Aniya at agad na kumuha ng damit sa tukador.

Parang namumutla yata ang pinsan ko at hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Ang kuya Steffano naman ay tahimik lang at tila parang walang pakialam sa mundo.

"Kalma mahal ko..." Wikang bigla ni kuya Steffano.

Ang sarap lang sa tainga ng boses nito. Diyos ko! Ayaw ko nang magkasala muli kay Mattheaus! Tukso layuan mo ako! Nag-iwas ako agad ng aking tingin sa asawa ng pinsan ko.

"Iwan ka muna naman, Yana. Hihintayin ka namin sa labas." Wika ni ate Catherine.

Simpleng tango lang ang itinugon ko at tuluyan nang lumabas ng silid ang mag-asawa. Hindi na ako nagdalawang-isip na magpalit ng damit ngunit bago ko pa suotin ang bestidang bigay ng aking pinsan ay napuna kong nakaumbok yata ng konti itong aking tiyan. Hinimas ko pa ito at pinisil-pisil. Baka naman ay bilbil lang ito. Kumikit-balikat na lamang ako at nagbihis na. Nang matapos ako'y diretso ko agad na tinungo ang sala. Nakaabang na sa pinto ang pinsan ko at may kausap pa ito. Nang humakbang pa ako palapit ay nakita kong si Egoy lang pala ang kausap ng aking pinsan.

"Ate Yana!" Ani Egoy nang makita ako at agad akong niyakap.

"Nandito ka?" Usisa ko pa.

"Sinusundo ko po kayo ate Yana." Anito nang makalas ang pagkakayakap sa akin.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Where stories live. Discover now