MLFTC-6

16.8K 546 24
                                    

MLFTC-6

Show no respect on me and I will show no love too. Muntik na ako tubuan ng sungay at burahin ang TKITD kaya hinay-hinay lang sa pagbuka ng bibig.

Salamat sa fairies ko.

*****

Panay ang aking pag-iyak habang kaharap ang kaibigan kong si Jeorgie. Nasa parke kami ngayon at panay ang pagpapalakas ng loob ni Jeorgie sa akin.

"Paano ka na Yana?" Ani Jeorgie.

"Hindi ko alam, Jeorgie." Sagot ko pa habang napapailing.

Malalim naman itong napahugot ng hininga.

"Paano ka niyan ngayon? Alam mo naman na sa linggo na ang biyahe ko papuntang Singapore." Malungkot na wika nito.

Mas lalo akong naiyak. Matagal na kasi niyang pangarap ang makapunta sa ibang bansa. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpaapekto sa mga nangyayari sa akin. Kailangan ko maging matapang dahil wala na akong makakapitang iba, kundi ang sarili ko lamang.

"Hahanapin ko ang tiyang Nely. Siya nalang ang makakatulong sa akin." Bahagya namang umaliwalas ang mukha niya.

"Mabuti naman at may kamag-anak ka pa. Saan ba siya nakatira?" Bahagya akong napaisip.

Pilit inaalala sa balintataw ko ang nakasulat na lugar sa lumang larawan ng tiyahin ko.

"Pag-asa iyon eh." Sagot ko pa.

"Hala? Huwag mo sabihing sa Isla Pag-asa 'yan. Ang layo kaya noon." Napaawang ang bibig ko sa naging reaksyon niya.

"Malayo? Hindi ko nga alam kung isla iyon o baranggay ba." Sagot ko rin naman.

"Isla iyon Yana. Sa palawan kaya iyon. Ang layo no'n ah? Nasa Maecuayan, Bulacan pa naman tayo." Napangiwi ako.

"Akalain mo Jeorgie, gumagana pa pala utak mo?" Kunwari ay biro ko pa. Nakatikim naman ako nang batok sa kanya.

"Babaeng 'to, nakuha pa talaga magbiro." Napanguso ako. Pilit ko lang kasing pinagagaan ang pait ng buhay na sinapit ko ngayon.

"Tara Jeorgie, umuwi na tayo." Yaya ko pa at tumayo na.

Napabuga at napahugot ako ng aking hininga. Sana nga'y tama ang disesyon ng itay na mag-asawa ulit. Sana nga'y maayos ang kalagayan niya sa piling ng mga ito.

"Yana! Ingat!" Narinig ko pang sigaw ni Jeorgie ngunit huli na ako dahil hindi na ako nakailag sa pagkakabangga ko sa aking nasalubong.

"Aray..." Daing ko.

Pakiramdam ko'y parang tumama ako sa isang pader. Nag-angat ako ng aking ulo dahil napuna kong may nakaalalay sa akin.

"Patawad..." Agad kong paumanhin at lumayo ng kaunti sa lalaking nabangga ko.

Hindi ko makita kung ano ang itsura ng mukha nito dahil natatakpan ito ng panyo at nakasuot din ito ng salamin; pananggalan sa sikat ng araw.

"Ginoong Zai---" Napatigil ang babaeng kadarating lang nang masenyasan ito ng lalaki.

Kinuha nito ang supot na hawak ng babae at agad na umalis. Para bang hangin lang kami sa harapan nito.

"Ang taray! Sungit niya ah!" Narinig ko pang talak ni Jeorgie.

Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

"May masakit ba sa 'yo?" Tanong naman nito.

"Wala naman Jeorgie." Tipid na sagot ko lang.

Ngunit ang totoo'y kumikirot ng kaunti itong aking hinaharap. Para talaga akong tumama sa malapad na pader kanina. Ang akala ko nga'y baka nagkamali ako nang dinaanan.

"Tara na Jeorgie." Yaya ko sa kanya.

"Tara na nga talaga dahil nagugutom na ako." Aniya at nagpatiuna na.

Muli ko pang sinulyapan ang lalaking nabangga ko. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang biglang pagkawala nito. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa aking nasaksihan.

"Yana!" Muntik na akong mapatakbo dahil sa tindi ng gulat; mabuti na lamang at hawak ni Jeorgie ang kanang kamay ko.

"Oy? Ayos ka lang?" Aniya.

"Ha?" Iwinawagayway pa ni Jeorgie sa harapan ko ang kanyang mga kamay.

"Oy! Yana!" Sigaw nito kasabay nang pagbatok sa akin.

"Ano ba!" Inis kong wika.

Natauhan ako sa ginawa niyang pagbatok sa akin.

"Namumutla ka kaya. Ayos ka lang ba?" Usisa pa nito habang hinahawakan ang mukha ko.

"Ang lamig mo! Umuwi na nga tayo." Hinatak na niya ako pauwi at wala akong nagawa kundi ang manahimik.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nasaksihan ng mga mata ko kanina. Maniniwala kaya si Jeorgie sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang nakita ko? Pero wala namang mawawala kong sasabihin ko sa kanya ang nakita ko.

"Jeorgie..." Pigil ko sa kanya.

"Oh?" Tila nagtataka pa ito sa ginawa kong pagpigil sa kanya.

"Iyong lalaki kanina...kasi biglang nawala." Pikit-mata ko pang sambit.

"Sinong lalaki? Iyon ba? Iyong suplado?" Napadilat ako sa isinagot sa akin ni Jeorgie.

Sinundan ko pa nang tingin ang itinuro niya, laking gulat at pagtataka ko na naroon pa rin ang lalaki sa puwesto nito kanina no'ng ito'y mawala. Napaawang ang aking bibig. Pakiramdam ko'y parang pinaglalaruan yata ako ng aking imahinasyon.

"Pero..." Akmang protesta ko ngunit agad akong kinayag ni Jeorgie.

"Gutom lang iyan, Ayesha Yana." Aniya.

Pilit ko pang nilingon muli ang lalaki. Naroon pa rin ito sa puwesto nito kanina. Laking takot ko nang salubungin din nito ako ng tingin. Sa lagkit nang titig nito sa akin ay para akong hinahatak sa aking kinatatayuan. Sa sobrang takot at kaba ko'y hinila ko si Jeorgie at agad na tumakbo.

"Ah! Yana! Diyos ko! Awat na! Ho! Grabe!" Reklamo ni Jeorgie habang napapahawak sa magkabilang tuhod niya hanggang sa tuluyan na itong maupo sa gilid ng kalsada.

Maging ako ay hapong-hapo rin sa pagtakbo at pilit na humihinga ng maayos.

"Bakit ba kasi tayo tumatakbo. Tingnan mo, nakaabot tayo sa bahay ko ng 'di natin namalayan. Daig mo pa ang may karera!" Angal pa nito at bakas sa mukha ang pagkainis sa akin. Napasapo ako sa aking dibdib, maging sa aking noo.

"Kasi...gutom nga ako, 'di ba? Tapos...mag-iimpaki ka pa, 'di ba? 'Yon!" Pagdadahilan ko.

Mataman ko pang sinipat ang kanyang mukha dahil alam kong magdududa na naman ito.

"O? Ewan ko sa iyo. Tara na nga." Aniya.

Inabot ko ang kanyang kamay upang alalayang makatayo ito. Hawak-kamay kaming tumawid sa kalsada. Bumitaw lang ito nang matapat na kami sa bahay niya. Umuna na rin itong pumasok sa loob at naiwan akong nakatanga pa.

Hindi ko talaga maiwasang isipin ang nasaksihan ko kanina. Sa pakiwari ko'y parang normal lang iyon ngunit ayaw talaga pumasok sa kukute ko na normal iyon. Hindi isang normal na bagay lang iyon. Nabuga ako ng hangin. Ano na ba itong nangyayari sa akin.

Nakapagtataka na talaga.





MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon