MLFTC-31

13.7K 435 32
                                    

MLFTC-31

*****


Hindi nagtagal ay natapos din naman ako at agad na akong nagsimulang mag-ayos ng aking sarili. Mas mabuti na itong maaga kaysa naman ang paghintayin ko pa si Zsakae. Nakakahiya naman kung ganoon pa ang mangyayari.

Nang makatapos ako sa pagligo ay labis pa rin akong nag-aalala sa suot ko. Dahil mukhang makikita pa yata ni Zsakae ang ilan sa mga pasa ko sa katawan. Dali-dali kong hinalungkat ang mga gamit ko at hinanap ang mga gamit kong pangkolorete sa mukha. Isang krema na kakulay ng balat ko ang ginamit ko upang matakpan ang mga pasa ko sa katawan. Mabuti na lang talaga at napadalhan ako ni Jeorgie ng mga ganitong kolorete sa mukha.

Nang masiguro kong nalagyan ko na lahat ay kaagad din naman akong nagbihis at maging ang pares ng sapatos ko'y sinuot ko na rin. Naglagay lang din ako ng kaonting polbo sa mukha ko at pinahiran ang aking labi ng kulay pulang lipstik. Pinagmasdan ko pa nang ilang saglit ang aking sarili sa harapan ng salamin. Sayang at wala akong kamera, 'di sana'y nakuhanan ko ng litrato itong magandang ayos ko.

Nang makuntento ako sa aking ayos ay lumubay na ako sa harapan ng salamin. Napahugot ako ng malalim na hininga at naupo sa aking kama. Maayos kaya siya? Hindi na talaga ako makapaghintay pa na makita siya. Kinuha ko ang ilang pabango at iwinisik sa aking sarili. Talagang mula ulo hanggang paa ko itong ginamit at talaga namang napakabango nito.

Nang makuntento na ako'y kinuha ko na ang itim tsaketa na hanggang binti ko ang haba nito at ang maliit na pitaka na naglalaman ng limang bote ng mamahaling pabango.

Lumabas na ako ng aking silid at agad nang tinungo ang labasan ng silid-aklatan. Nang makalabas ako'y ikinandado ko na ito.

"Yana..." Narinig ko pang wika ni Zsakae sa aking likuran kaya't nilingon ko siya.

"Zsakae..." Bati ko rin naman.

Napatulala naman itong nakatitig lang sa akin.

"Oy Zsakae!" Untag ko pa rito kaya natauhan naman ito mula sa pagkakatulala niya.

"Para kang isang diwata na inihulog mula sa langit, ngunit napakasayang lang dahil hindi ako ang unang nakasalo sa iyo Yana." Mapait nitong wika.

Nakagat ko naman ang aking dila. Tila yata ay nagseselos ito kay Mattheaus.

"Zsakae naman..." Tanging nautas ko. Nailing naman ito.

"Ayos lang pasasaan ba't makakalimutan ko rin ito." Aniya at inilahad na ang kanang kamay nito sa akin, na siya ring inabot ko naman.

"Isuot mo na ang iyong tsaketa, Yana." Utos pa ni Zsakae sa akin. Napatango naman ako at isinuot na ito.

"Anong oras na ba?" Tanong ko pa.

"Ala-singko y medya na nang hapon, Yana. Tamang-tama lang dahil mamayang ala-syete ay naroon na tayo sa unibersidad." Sagot nito.

"Sige." Tahimik naming nilakad ang daan papunta sa kabilang bakod.

Nang matapat kami sa harapan mismo ng pinto ay biglang nangatog itong mga tuhod ko sa sobrang kaba.

"Kapit ka lang sa akin." Ani Zsakae.

"Kapatid ni kuya Steffano. Tatlo silang magkapatid, pangalawa ang kuya Keanno at anak sa labas naman ay ang kuya Zairan." Aniya. Kung ganoon ay may kapatid pala ang kuya Steffano.

"Bakit natakot yata 'yon bigla?" Usisa ko pa. Inayos naman niya ang sumbrero ng tsaketa ko.

"Lahat sila ay takot kay kuya Keanno at ilan lang sa kanila ang kaya siya, maging ako ay malaki ang respeto ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko'y nakauwi na siya galing sa bakasyon, iyon nga lang ay wala pang nakakaalam kung nasaan siya dito sa isla. Pero ang talagang nakakatakot sa kanilang tatlo ay ang kuya Steffano. Masama lang talaga galitin si kuya Keanno kapag may ganitong okasyon para sa kanya." Aniya. Napatango lang din naman ako.

"Tara na, delikado ang magpagabi ngayon." Ani Zsakae.

Delikado talaga ang magpagabi rito dahil dito ako pangalawang beses na sinalakay ng isang Seltzer na taong-lobo. Kumapit lang ako ng husto kay Zsakae habang naglalakad kami. Kahit hindi pa man kami nakakalapit ng husto sa unibersidad ay kitang-kita ko na ito mula sa aming puwesto. Kay bilog din ng buwan, ngunit hindi lang naman ngayong araw na ganyan ang buwan. Madalas kong napupuna na palaging bilog ang buwan tuwing gabi.

"Yesha..." Natigilan ako nang marinig kong may tumawag sa isa ko pang palayaw.

"Yana, bakit?" Wika ni Zsakae. Maging ito ay nagtaka sa biglaan kong paghinto.

"H-ha? W-ala." Sagot ko agad at ako na mismo ang humila kay Zsakae.

Si Mattheaus kaya iyon? Ngunit nakapagtataka namang Yesha ang itinawag nito sa akin. Inalog ko ang aking ulo. Dala lang siguro ito nang matinding nerbyos.

Hindi nagtagal ay narating na namin ni Zsakae ang unibersidad. Ang daming tao ang dumalo at para yatang mas lalo akong kinabahan. Dinukot ko ang isang bote ng pabango at iwinisik sa sarili ko. Napangiti lang naman din si Zsakae sa akin. Ginagap niya ang aking mga kamay at iginiya na ako papasok. Ang gaganda yata ng mga dumalo at ibig ko yata ang manliit sa aking sarili.

"Huwag kang kabahan..." Bulong ni Zsakae sa akin. Napatango lang ako.

"Gusto mo ng alak?" Napatango ako sa alok ni Zsakae.

Kahit na hindi ako umiinom ay mukhang kailangan ko yata ng alak upang maibsan ito nerbyos ko.

"Dito ka lang at huwag kang makikipag-usap sa iba." Bilin pa nito ng marating namin ang malaking bulwagan kung saan idinaraos ang piging.

Napatango akong muli at pinaglaruan ang aking mga daliri. Hindi talaga ako mapalagay. Pakiramdam ko kasi'y naiiba ako sa kanilang lahat, bukod pa doon ay baka may mga taong-loob din na umaaligid. Mariin akong napakagat-labi at napatingkayad. Hinahanap ng aking mga mata si Zsakae. Sa dami ba naman ng tao ay talagang mahihirapan akong hanapin siya.

Nang gumawi ang paningin ko sa kanan ay namilog ang aking mga mata. Ang pinsan kong si ate Catherine at ang kuya Steffano ay narito! Agad akong nagtago sa likod ng mga nakaayos na bulaklak. Diyos ko! Sa oras na malaman nilang narito ako sa kasiyahang ito'y tiyak na hindi nila magugustohan ang pagpuslit ko rito.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon