MLFTC-32

12.8K 510 29
                                    

MLFTC-32

*****

"Yana, nariyan ka lang pala..." Bungad sa akin ni Zsake, na may dalang dalawang baso na naglalaman ng alak.

Ngunit ang ipinagtataka ko'y kulay malapot na pula yata
ang laman ng baso ni Zsakae. Samantalang sa akin naman ay isang bino lang.

"Ano 'yan?" Usisa ko.

"Minatamis na ubas at berry..." Sagot nito sabay inom.

"Teka, pahingi!" Awat ko pa sabay kuha sa baso nito.

Nagdududa talaga ako sa laman ng baso. Kopita ang sa kanya, gaya no'ng kay kuya Steffano. At halos lahat ng tao dito ay kagaya ng baso niya maliban sa aming dalawa ni ate Catherine, na makikita ang laman.

"Yana..." Awat pa niya sa akin ngunit talagang nagmatigas ako at idinutdot ang hintuturo ko sa loob ng kopita.

Akmang isusubo ko ito ngunit bigla namang kinuha ni Zsakae ang kamay ko at isinubo ang hintuturo ko. Namilog ang aking mga mata kasabay niyon ang pagkabasag ng mga salamin sa bubong at bintana. Maagap naman akong tinakpan ni Zsakae upang hindi ako tamaan ng mga bubog.

"Pakiusap, maging kalmado ang lahat!" Wika no'ng matandang babae, na sa tingin ko'y taga-pangasiwa ng piging na ito.

"Zsakae ano'ng nangyari?" Natatakot ko pang tanong dito.

"Tara na at i-uuwi na kita..." Anito.

"Ngunit kadarating lang natin." Sabi ko pa.

Pero napaisip akong saglit.

"Magpaiwan ka na lang, kaya ko umuwi mag-isa." Sabi ko pa.

"Hindi puwede 'yon, Yana." Angal niya.

"Puwes kapag 'di ka pumayag, hindi na kita ka-kaibiganin." Mataray ko pang wika.

Natigilan naman ito at walang nagawa kung 'di ang mapatango. Niyakap ko siya at dali-daling lumabas ng bulwagan. Kinakabahan ako ng husto. Alam kong siya ang may gawa no'n. Nang makalabas ako ng unibersidad ay patakbo akong dumaan sa lugar kung saan ako dinala ni Mattheaus no'ng nakaraan. Hindi-hindi ko makakalimutan ang daanang iyon.

Halos madapa na ako sa pagtakbo dahil natatakot din ako na baka may taong-lobo dito. Hinubad ko na ang aking sapatos at tumakbo na.

Nang makarating ako'y halos hindi ako makahinga sa sobrang pagod. Hugot-buga ang paghinga ko dahil talagang hapong-hapo ako sa pagtakbo. Hinawi ko ang mga baging na nakatakip sa maliit na kuweba. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang marating ang dulo. Dumaan ako sa gilid ng talon, agad na sumalubong sa akin ang isang kanta.

'Girl, you're my every woman in the world to me...'

Nasapo ko ang aking dibdib. Nagkalat ang mga bulaklak ng itim na rosas sa damuhan. At halos masira ang mga paninim dahil tila ba'y nagwala ito.

'You're my fantasy, you're my reality...'

"Mattheaus!" Tawag ko rito.

Nakabukas ang pader. Nakarinig ako ng mga yapak papunta dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na nangilid ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Nang makita ko ang bulto ng katawan niyang nakatayo na mismo sa aking harapan. Wala itong suot na pang-itaas at tanging kupas na maong na kulay asul lang ang tanging suot nito. Nakalugay din ang mahabang buhok nito at ang kulay ng mga mata nito'y kulay pula na. Naiyak ako ng husto dahil sa sobrang galak. Binitawan ko ang hawak kong sapatos at agad na napatakbo sa kanya.

Agad ko siyang siniil nang halik at ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang batok. Tumugon ito sa halik ko at niyapos ang aking bewang. Nakagat nito ang labi ko dahilan para ito dumugo ngunit wala akong pakialam. 'Mahal ko na siya!'

Humiwalay ito sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi ko gusto ang ginawa niya..." Napaawang ang aking labi at napayuko. Mukhang ang tinutukoy yata nito ay ang ginawa ni Zsakae. Sabi ko na nga ba!

"Hindi ko alam na gagawin niya 'yon..." Nagtaksil ba ako? Sa palagay ko naman ay hindi. Mukhang nagseselos lang ito. Pero grabe naman ito magselos, nakakatakot!

"Patawad..." Nakagat ko muli ang aking labi.

Hindi ito umimik at kinuha ang kanang kamay ko. Pinupog niya ito nang halik at isinayaw ako sa saliw ng musika.

"Gumanda ka pa lalo..." Aniya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Akala ko pangit..." Sabi ko pa at nahilig sa dibdib nito.

"May gusto siya sa iyo at hindi ko gusto ang ginagawa niya." Aniya.

Inalis ko ang mga kamay ko sa batok niya at niyakap ito sa bewang.

"Alam niya namang may nobyo ako..." Sagot ko pa nang nakataas noo.

"May gusto pa rin siya..." Matabang nitong sagot.

Bigla namang nagsiangat ang mga naglalakihang bato sa paligid naming dalawa. Diyos ko! Hindi lang siya nagseselos, bagkus ay galit na ito! Sa sobrang pangamba ko'y wala sa sarili ko itong hinagkan upang kumalma ito kahit pa-paano.

Bigla namang nagsibagsakan ang mga batong nakalutang kanina lang at muntik pang magulungan ang paa. Mabuti na lang at maagap ito dahil kaagad niya naman din akong inangat.

"Huwag ka na magalit..." Lambing ko pa rito. Napaismid ito at tila ba ayaw talaga nito ang mapalapit ako kay Zsakae.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Where stories live. Discover now