MLFTC-45

12.8K 394 7
                                    

MLFTC-45

*****

Itinuon ko ang atensyon ko sa dinaraanan namin. Halos liparin ni Zsakae ang matayog na pader.

"S-saan tayo pupunta?" Taka kong tanong sa pagitan pa rin nang aking pag-iyak.

Ewan ko ba! Ngunit tila yata parang gripo itong mga mata ko at talagang ayaw paawat.

"Kay tiyang Nely, mas ligtas ka doon. Bakit ba hinayaan ka nilang manatili sa bayan gayong alam naman nilang ikaw ang nakasaad sa propesiya." Wika ni Zsakae.

"Sinong may alam?" Pumaling ito sa akin at muling humarap sa dinadaanan namin.

"Si ate Catherine at kuya Steffano, alam nila kung gaano ka kahalaga pero itinago ka nila imbes na ibalik dito mansyon ng mga Zoldic. Hindi mo man lang ba nahalata 'yon Yana?" Nailing ako.

Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Isa rin palang bampira ang kuya Steffano at ang pinsan ko.

Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga nalaman ko. Diyos ko! Bigyan niyo po sana ako ng lakas upang makayanan ko itong mga nangyayari sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit may kaonting butil pa rin ng aking luha ang pilit na kumakawala sa aking mga mata.

Sa isang kurap ko lamang ay walang kaabog-abog na narating namin ni Zsakae ang isang napakalaking bahay. May apat na palapag ito at may malawak na hardin sa gilid nito. Ang likod ng bahay ay napapaligiran ng mga naglalakihang baging. Ibinaba ako ni Zsakae at muntik pa akong matumba ngunit maagap ito sa pag-alalay sa akin.

"Kaninong bahay 'to?" Halos parang pabulong na ang bawat bigkas ko ng mga salita.

Namamaos na kasi ang boses ko, dala nang matinding pag-iyak ko.

"Ito ang mansyon ni tita Maria Carissa Zoldic, ang ina ni kuya Steffano." Sagot ni Zsakae sa akin.

Bumigat pa lalo ang aking paghinga. Kung tama ang hinala ko'y marahil siya 'yong kausap ng pinsan ko no'ng minsa'y nagising ako na nasa kanila, 'yong nahuli ako ng kuya Steffano na nakikinig sa usapan. Bumukas naman ang pinto at may isang dalagitang tumakbo palapit sa kinatatayuan naming dalawa ni Zsakae. Nagulat pa ako dahil sa sobrang ganda niyang bata ay para itong isang dyosa o kaya'y isang anghel dahil sa mukha nitong napakaamo.

"Kuya Zsakae!" Tawag nito at biglang tinalon si Zsakae.

Natulala ako sa sunod na nangyari. Halos mabaon si Zsakae sa kinahihigaan nitong semento ngunit tila baliwala lang sa dalawa. Masaya pa nitong niyakap si Zsakae habang nakakapit sa leeg.

"Diyos ko namang bata ka! Cereina Erine! Nako naman, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mo nang gagawin sa kuya Zsakae mo iyan! Nako bata ka, malalagot ako sa ama mo nito." Litanya ng may edad na babae sa dalagitang sumampa kay Zsakae, na tinawag niya sa pangalang Cereina Erine.

Kalalabas lang nito sa bahay at mukhang 'di pa nito ako napansin. Napasinghot ako, saka ito bumaling sa akin.

"Yana..." Sambit nito nang makita ako.

Nagulat pa ako nang bigla ako nitong yakapin at nagsimula nang umiyak.

"Anak ko!" Usal nito habang patuloy pa rin sa pagyakap sa akin.

Parang ayaw na nito akong bitawan. At mas lalo akong 'di nakaimik nang tawagin niya akong anak. Ayaw pumasok agad sa kukute ko ang pagtawag niya sa akin ng salitang anak.

"Tiyang Nely, hindi na po makahinga si Yana." Wika ni Zsakae.

Agad din naman itong kumalas ngunit kumapit pa rin ito sa aking mga braso. Inayos pa nito ang magulo kong buhok at pinahiran ang aking pisngi na kanina pa nababasa ng luha. Napakurap ako. Ang inaakala kong tiyahin ko ay ang tunay kong ina!? Ngunit paano?

"Nay----" Naisambit ko ngunit 'di ko na kinaya at bigla na lamang umikot ang paningin ko.

*****

Bigla na lamang akong napasinghap at napabangon nang magdilat ako. Nahagod ko ang batok ko at niyakap ang aking mga tuhod. Napakasama nang panaginip ko. Nawala raw si Egoy. Natigilan ako at napahagulhol. Hindi panaginip 'yon! Dahil talagang wala na si Egoy. Nasapo ko ang aking dibdib at nakumyos ang aking damit.

"Egoy..." Sambit ko.

Sana pala panaginip na lang 'yon. Para ko na siyang kapatid at wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Bumukas naman ang pinto kaya napalingon ako.

"Anak, Yana?" Kumunot ang aking noo.

"Sino po kayo? Nasaan po ako?" Tanong ko rin naman.

Inayos ko pa ang aking sarili at pinahiran ang aking pisngi. Lumapit naman ito ng husto sa akin at naupo sa kama.

"Hanggang ngayon pa rin ba ay 'di mo pa rin ako maalala, anak?" Mapait nitong wika. Mas lalong kumunot ang aking noo.

"Ang inay Mathilda po ang aking ina." Sagot ko dahil siya naman talaga. Bigla naman itong na paluha at muling bumaling sa akin.

"Kung ganoon nga'y si Mathilda pa rin ang itinuturing mong ina imbes na ako..." Puno nang pagtatampo ang kanyang boses.

"Kung bakit ba naman kasi nailayo ka pa sa akin, 'di nasanay natanggap mo na ako ang iyong ina kahit wala kang maalala." Dugtong nito.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha at ganoon na lang ang pagkagulat ko.

*****
After this book,
Volume 4-
SEEKING MY KNIGHT
(Zairan Jacob Zoldic)
Volume 5-
I'M HIS KNIGHT
(Cereina Erine Zoldic)

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Where stories live. Discover now