28

1 0 0
                                    

AZALEA

Nagpaalam na din si Daniella dahil...
Ewan. May tumawag sa kaniya tapos nagpaalam na. Pero hindi naman ako nag-alala dahil ngiting ngiti sya nung umalis. Hay, meron talaga yung hindi sinasabi sakin.

Naglalaro kami ni Wayne sa cellphone niya ng may tumawag sa kaniya. Sinagot niya ito habang ako nakatingin lang sa kanya. Yung mama niya ata ang kausap o yung papa. Binaba na niya yung tawag at humarap sakin.

"Zale, pinapauwi na ako nina papa. Kakausapin ata ako. I'm sorry, gusto ko man dito lang kaso importante daw e. Babawi ako, promise!"

"Okay, sige." Nginitian ko siya para iassure siya na okay lang at naiintindihan ko.

"Bye. I love you, Zale."
Kiniss niya yung noo ko ♥

"Bye, I love you too Wayne."

"I love you more. Tatawag ako mamaya."
Sabi niya habang naglalakad palayo.

Nasa gate lang ako at tinitingnan yung likod niya habang naglalakad papalayo. Bago siya pumasok sa sasakyan, lumingon ulit siya. I love you, Azalea DayneHe mouthed.

Bumalik na ako sa loob ng bahay nung nawala na sa paningin ko yung kotse ni Wayne.

"So? Nasan na ang boyfriend mo?"
Nakita kong kakalabas lang ni mommy sa kwarto nila.

"Kakaalis lang po. Perfect timing kayo, my."

"What?" Dismayadong sabi ni mommy

"Yup. Saktong-sakto."

"Nagustuhan ba niya yung cupcake? Pinadalhan mo ba yung parents niya?"

Oo nga pala. Nakalimutan ko siyang pagdalahin ng cupcakes. Edi dadalhin ko nalang sa kanila. Ang talino mo talaga, Azalea Dayne! Bravo! At dahil dun, makikita ko ulit si Wayne at magkakasama na naman kami. Bwaahahahaha. Okay, OA na dahil kakaalis lang niya at para namang hindi na kami magkikita. Ops! Wag naman sana magkatotoo yung pangalawa. Hindi ko ata kaya.

Niready ni mommy yung cupcakes na dadalhin ko sa mama at papa ni Wayne. Ako naman, umakyat sa kwarto ko at nagshower. Mahirap na no! Ayokong humarap sa magulang ni Wayne nang hindi fresh. Tapos tiningnan ko yung cabinet ko kung nasaan yung mga damit ko. Nubayan! Wala akong mapili. Yung isa parang masyadong formal. Yung isa, masyadong simple. Ano na lang? Help me please!

Grabe, kinakabahan ako dahil makakaharap ko ang magulang niya. Baka mamaya ayaw nila sakin kasi... Ewan! Baka lang.

At ang napili kong isuot ay pants at sinuot ko yung sweatshirt na binili sakin ni kuya. Isinuot ko din yung Keds na binili namin ni Daniella nung minsan na nagmall kami.

Kinuha ko yung cellphone ko  at yung susi ng kotse. Bumaba ako at kinuha yung niready ni mommy na cupcakes. Nagpaalam ako kay mommy at umalis.

6:00 pm
Nasa tapat na ako ng bahay nina Wayne pero hindi parin ako bumababa sa kotse.

Kinakabahan talaga ako. Paano kung masungit yung mama niya? Tapos suplado naman yung papa niya? Gaaaaaad!

At dahil pinapawisan na ako sa nerbyos. Kumuha ako ng pony at ini-bun yung aking buhok. Wooh! Ang pawis ko na. Grabe, naranasan niyo na ba to? Pramis! Nakakanerbyos.

Kinuha ko yung cupcakes na ibinox pa ni mommy at lumabas sa kotse.

Nakatayo lang ako doon sa tabi ng kotse at hindi makahakbang.

Lumabas naman sa gate ang pamilyar na mukha ng isang babae. Tinitigan ko iyon at kumpirmado. Kilala ko siya. Zharina.  Ano namang ginagawa niya dito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now