14th

5 1 0
                                    

AZALEA

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Umuwi din si Daniella sa bahay nila kasi vacation na.

Ngayon ay nasa kwarto ako at katext ko si Wayne kahit kagigising ko lang. Trip namin, pakielam niyo. Haha

Fr: Wayne

Zale, may pupuntahan ako ngayon. Hindi muna ako makakadalaw diyan sa inyo. Ok lang?

Hindi na ako nagreply. Tss. Badtrip ka Wayne! Sabi mo pupuntahan mo ko dito! Bahala ka sa buhay mo! Psh!

Bumaba na ako para kumain, nakakabwiset kasi yang Wayne na yan! Bahala siya!

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para maligo. Lalabas ako ng bahay, akala kasi niyang Wayne na yan siya lang ang busy! Huh! Sorry siya, busy rin ako no! Makakahanap ako ng makakasama, akala niya!

Nang ready na ako, bumaba ako at ready na akong umalis. Binuksan ko yung pinto ng bahay para lumabas, kaso...

"Hey" bati ng nakangiting si Wayne.

"Hey, hey ka jan! Akala ko may pupuntahan ka?! Bakit ka nandito?!"

"Surprise?" hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha niya. Kainis! Bakit ang gwapo niya.

Napansin ko naman na may mga decoration na naman na akala mo ay valentines sa garden namin. Napatulala ako. Another surprise galing sa kaniya.

May inilabas naman siyang isang rose.

Nayakap ko naman siya bigla dahil sa isang successful na surprise na naman niya. As in wala akong idea na may surprise siya.

"Nakakainis ka. Akala ko busy ka tapos may surprise ka na naman pala."

Pinat niya yung ulo ko. Pinapapasok ko siya sa loob ng bahay kaso sabi niya may pupuntahan daw kami.

Sumakay kami sa kotse niya at nagstart na siyang magdrive.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan kaya hindi ko na alam kung saan kami pupunta.

Bumaba siya sa kotse at pumunta sa akin para pagbuksan ng pinto.

Bumaba ako at nakitang nasa may dagat kami.

Sakto dahil magsusunset na. Mahilig kasi akong manood ng sunset, sunrise at nightsky, diba?

Pumunta ako sa may gilid at hinayaang mabasa ang mga paa ko.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong binuhat at ihinagis sa dagat.

"WAAAYNE!!!"

hinabol ko siya at dahil hindi ko naman siya kayang buhatin tulad ng ginawa niya. Binasa ko na lang siya gamit yung mga kamay ko.

"AHAHAHAHHAHA!" tawa kami ng tawa habang naglalaro sadagat na parang mga bata.

Nang mapagod na kami ay umupo muna kami sa buhangin sa may tabi ng dagat.
Malapit na ang gabi kaya lumalakas ang simoy ng hangin.

"Saglit lang." paalam ni Wayne at umalis.

Ang swerte ko lang sa kaniya. Lahat na lang ng hinahanap ng mga babae, nasa kaniya na. Natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang mawala kasi wala na akong mahihiling pa sa kanya. Diba nga lahat ng kasiyahan may kadugtong na kalungkutan.

"Oh, Zale isuot mo muna 'to baka lagnatin ka na naman."

Nakita ko ang isang t-shirt na iniaabot niya sakin. Kinuha ko ito.

"San ako magpapalit? Paano ka?"

"Wag mo na nga akong isispin. Basta, magpalit ka na dun na lang sa kotse. Tinted yun, wag ka mag-alala. Hindi ako papasok, promise."

"Okaay. Thank you." at pumasok ako sa loob ng kotse at isinuot ang t-shirt na hanggang taas ng tuhod ko na.

Lumabas ako at pumunta sa kaniya.

"Sa'yo to?"

"Oo, ang cute mo." at ipinatong niya ag kamay niya sa ulo ko. "Tara na."

Sumakay kami ulit sa sasakyan ng basa parin siya. Inihatid naman niya ako sa bahay at umuwi na rin agad.

...................

Nasa kwarto ako at nag-iintay ng text niya. Bakit kaya hindi yun nagtetext? Tss!

Natulog na ako dahil hindi naman siya nagtetext. Tss! Ano bang nangyari dun? Nakauwi na kaya yun? Paano kung... Haay! Azalea wag mong isipin yan. Tss!

***********

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now