11th

2 1 0
                                    

AZALEA

Pictures.

Naiwan ako sa kotse ni Wayne dahil bumibili pa siya nung pinabibili ni Austin. Sa totoo lang nahihiya ako na ewan sa kaniya dahil sa nangyari kagabi.

May nagriring na cellphone. Hinanap ko ito at nakitang tumatawag si Nick kay Wayne.

Sinagot ko na ang tawag.

"Hello?"

"Azalea? san si Wayne?"
si Nick

"May binibili lang. Bakit? sasabihin ko na lang."

"Ah... wala, wala.S-sige, bye."

"Okay, bye din."

"Wait! t-tingnan mo pala yung photos niya. Yung sa bluetooth. S-sige bye!"

At binaba na niya ang telepono. Ano bang meron dun? Baka mamaya magalit si Wayne o baka naman may makita pa ko dun na kung ano-ano.

Tinext ko si Nick para itanong kung bakit. Sabi naman niya

Fr: Nick

Basta! tingnan mo na lang. Nandun yung pupuntahan natin. Haha bye!

Pagkaalis ko sa messages, nakita ko ang home screen wallpaper niya...

0.0

P-picture namin?! Kelan to?!

Nandun sa picture ay kaming dalawa na tulog sa loob ng van. Nakapatong yung ulo ko sa balikat niya at yung ulo niya sa ulo ko.

Sinong kumuha nito?

Aha! Ito kaya yung pinapatingnan sakin ni Nick?

Kaya tiningnan ko yung photos niya at tiningnan yung pinapatingnan ni Nick.Ang dami naming pictures nung tulog sa van.

Teka! Ito kaya yung pinagkakaabalahan nila nung isang umaga? Yung paggising ko lahat sila abala sa cellphone at nung nakita nila ako ay itinago nila yung mga cellphone nila. Aha! Kaya pala ang weird noon.

Wah! nakakahiya!

Tinext ko ulit si Nick gamit ang cellphone ko.

To: Nick

Sino kumuha nung mga pictures? Ikaw?!

Fr: Nick

Hoy! hindi lang ako no. Lahat kaya kami, except kay Austin.

Bakit naman wallpaper niya pa? Hay! Wayne, nagugulohan na ako. Kagabi yung ano... basta. Tapos ngayon, wallpaper mo 'to? Ahh!! ang gulo.

Nakita ko naman na pabalik na si Wayne kaya agad kong ibinalik sa dati ang cellphone niya.

Bumalik kami sa resthouse nila at nagready ng mga gamit para bukas. Dahil bukas kami aalis papunta sa El Nido. Excited na kami, syempre!

.................

Si Wayne ang magdadrive papunta sa El Nido dahil may emergency daw sabi nung driver nila. Syempre, ang magkakatabi ay sina Nick at Kacy, si Dwight at Eva. Si Austin naman ay pumasok na rin sa loob. Papasok na rin sana ako ng inunahan ako ni Daniella. Hay! sa front seat na ako mauuwi nito. Pinilit ko si Daniella pero ayaw niya daw at nagdahilan pa siya ng kung ano-ano.

Agh! ayoko sanang tumabi kay Wayne kasi nalilito na ako. Basta! hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Para akong timang, alam ko. hahaha

Hindi pumayag si Daniella kaya nasa driver's seat si Wayne at ako sa tabi niya. Tahimik lang kaming dalawa. Habang tulog naman yung iba.

Tumulog na lang muna ako dahil mga 8 hours pa daw ang byahe.

Naggising ako at nakatigil na ang van. Wala si Wayne sa driver's seat at yung iba naman ay tulog parin.

Nakita kong bumalik si Wayne na may dalang pagkain.

"Oh? Zale, gising ka na pala. Gusto mo?"

"H-ha? Ayoko. Hindi naman ako gutom."

"Sige. Basta kumuha ka nalang pag gutom ka na. Matulog ka pa, 4 hours pa ang byahe. Gusto mo ng unan? Saglit."

"Hin-"

Pero hindi na ako natapos magsalita dahil lumabas siya at may kinuha sa likod na unan. Iniabot niya sakin ito nang makuha niya yung unan.

"Ano pang gusto mo? Nilalamig ka na ba? Jacket? Ano?"

Bahagya akong napangiti dahil sa pagiging gentleman niya.

"Wayne, ok na ako. Tara na, baka gabihin tayo sa byahe."

Nagsimula na siyang magdrive. Hindi na ako natulog para kwentuhin si Wayne. Na siguro ay kanina pang nabobored magdrive dahil lahat kami ay tulog.

Nagpatugtog siya ng kanta at saktong ang kanta ay Passenger Seat. Sinabayan niya sa pagkanta yung kanta. Ang ganda ng boses niya.

Habang kumakanta siya ay sumusulyap siya sakin.

"Wayne, sa daan ka na lang tumingin. Mamaya mabangga pa tayo."

May nakinig naman akong nagpipigil ng tawa at nang tingnan ko kung sino ito. Nakita kong gising na pala sila Nick at Dwight. Nakatingin sila samin na nagpipigil ng tawa.

"Oh? K-kanina pa kayong gising?" ako

"Ewan." silang dalawa na nagbibiro.

Nahiya naman ako dahil hindi ko alam. Ang gulo diba? Ewan ko sa sarili ko. Nagugulohan na din ako eh.

Nagpatuloy sa pagdadrive si Wayne at nagising na din naman yung iba. Nagkwentuhan kaming lahat hanggang sa makarating kami sa El Nido.

***********

Medyo hinabaan ko ang chapter na 'to para pambawi sa inyo. Hehe. Ang tagalna kasi nung last update ko. So, keep reading, vote & comment naman po kayo para may inspiration ako sa pagsusulat. Anyways, thanks a lot readers! :*

A Key to Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon