10th

2 1 0
                                    

Author's Note: Try natin ang POV ni Wayne. Nahihirapan po kasi ako magPOV ng lalaki. Kaya try lang. Sana magustuhan niyo.:)

WAYNE

Awkward...

"Zale"

"Hmm?"

"I..." At tumingin siya sakin na halata mong masaya siya at natutuwa siya sa nakikita niya. Kanina ko pa siyang pinagmamasdan na nag-eenjoy sa nagrereflect na maliwanag na ilaw ng buwan sa tubig.

Dugdug.dugdug.

Oo, gusto ko na nga ata siya o hindi lang? Basta! Nalilito na ako. Ang alam ko lang ay para lagi akong kinakabahan tuwing nandiyan siya. Mabilis lagi ang tibok ng puso ko tuwing magkasama kami.

"I... I think I need to sleep." Oo, kailangan ko na ngang matulog. Dahil baka sakaling paggising ko, magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sayo yung nararamdaman ko.

Tss! walang kwenta. Hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya yung nararamdaman ko.

"Ah, ganun ba? Tara na. Baka makatulog ka pa. Hindi kita kayang buhatin.Hahaha"
Kusang napangiti yung labi ko habang nakikita siyang tumatawa.

Bumalik kami sa resthouse namin at hinatid ko siya sa kwarto nila.

"Uhm, sige Wayne. Good night."
Sabi niya at ngumiti.

"Uh.." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"G-good night."
At umalis ako kaagad doon para bumalik sa kwarto ko.

Bakit ko ginawa yun!? Tss! Paano ako magpapakita sa kaniya bukas? Magpapanggap ba ako na hindi ko matandaan? o aaminin ko? Haay!Bahala na!

...................

Paggising ko ay agad na pumasok sa utak ko yung ginawa ko kagabi. Parang ayokong magpakita sa kanya. Tss! Bahala na 'to.

Bumaba ako para pumunta sa kusina para kumain.

Habang kumakain, napag-usapan namin na pumunta sa El Nido para mag island-hopping.

"Wayne, pumunta kayo sa market ni Azalea para dun sa mga kailangan natin papunta sa El Nido." si Kacy

Sina Nick at Dwight ang sa tingin kong may pakana nito. Oo, alam nila na... gusto ko si Zale.

"Uhm--" si Zale

"At oo nga pala. May magkakaibang nakaassign satin by partners." si Eva.

"Eh--" si Zale.

"No buts! Nakaready na ang lahat.All we need to do is do what is assigned to us and we're ready." Kacy

Alam kong hindi komportable sakin ngayon si Zale lalo na dahil sa nangyari kagabi pero wala siyang nagawa. Kahit ako, hindi alam ang gagawin.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kaming lahat papunta sa mga kailangan naming puntahan. Sumakay kami ni Zale sa kotse at nagsimula na akong magdrive.

Tahimik sa loob ng kotse.

"Zale"

"B-bakit?"

"Yung sa kagabi--"

"Yun ba? O-ok lang yun naiintindihan ko. L-lasing ka lang."

"P-pero--"

"Andito na tayo.Tara na?"

Napabuntong hininga na lang ako. Siguro naiilang parin siya. Hay! ang t*nga mo kasi Wayne! Tss!

Nakabili na kami ng mga kailangan namin kaya bumalik na kami sa kotse para sana umuwi na nang

"May nakalimutan pa tayong bilhin. Yung pinapabili ni Austin." si Zale.
Sus! Austin na naman. Tss! bahala siya sa buhay niya! Bakit hindi siya bumili ng sarili niya--

"Wait lang Wayne, ako nalang bibili. Dyan ka na lang."

"Hindi, ako na lang. Dito ka na lang sa kotse."

Lumabas na ako sa kotse para bumili nung pinapabili ni Austin. Kahit na ayoko, kaysa si Zale pa ang lumabas.

Bakit ba? Ok, naman kami ni Austin. Pero pagdating kay Zale, umiinit yung dugo ko sa kaniya. Ang gulo!

Sh*t! Naiwan ko yung cellphone ko sa kotse. Bw*set! wag sana makita ni Zale yung....

***********

Pasensya na kung medyo corny ang chapter na 'to o hindi lang medyo, baka sobrang corny. Kasi katulad po ng sinabi ko sa inyo, nahihirapan akong mag POV ng lalaki. Yun lang, thanks.

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now