7th

5 2 0
                                    

AZALEA

As Red as Tomatoes.

Nasa library ako ngayon kasi wala akong klase. Actually, wala akong ginagawa dito. Pumunta lang ako dito para mag-isip at makalayo muna kay Austin.

Naalala ko na naman yung sa bar.....

*Flashback*

Pagkalabas ko galing sa CR, nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki at isang babae na naghahalikan. Hindi ko kilala yung babae pero...
kilala ko yung lalaki...

Si Austin. Nakikipaghalikan sa isang babae.

*End of Flashback*

Bakit ba ako affected? Hindi naman sa affected. Siguro, medyo.

Kasi bago pa ang mga nakita ko, nagtanong sakin si Austin kung pwede daw ba siyang manligaw? Kung may pag-asa ba? Pero hindi ko siya pinayagan kasi hindi naman siya yung gusto ko....
si Wayne. Pero hindi ko sa kanya iyon sinabi.

Pero ang sinabi niya, papatunayan niya daw sakin na totoo yung nararamdaman at tapat siya. Pero pagkatapos ng nakita ko? Parang nawala na ang tiwala ko sa kaniya. Oo, hindi nga siya ang gusto ko pero nagbitaw siya ng salita at hindi niya iyon nagawa. Naiintindihan niyo naman siguro ako diba? Haay! Bahala na.

Hanggang ngayon ay sinusubukan niya akong lapitan.

"Azalea, sorry. Hindi ko--"

"O-ok, na Austin. Tanggap ko na ang sorry mo, pero bigyan mo sana ako ng time bago bumalik ang dati. Hindi kasi madali yun. Wag ka nang mag-alala, ok na sakin. Sige, aalis na ako."

Sabi ko sa kaniya at tuluyan nang umalis sa library. Saan ba ako pwedeng pumunta?

Pumunta na lang ako sa isang café para bumili ng mocha frappé. Dito nalang din muna siguro ako. Iintayin ko nalang yung last class ko para makauwi na din ako.

"Uy, Azalea. Mag-isa ka yata? "
si Nick at umupo sa tabi ko

"Ah, oo eh. Iniintay ko lang kasi yung last class ko, uuwi na din ako agad."

"Ganun? Bakit di ka pumunta sa practice namin? Actually, nagpapractice kami ngayon breaktime lang."

"Ha? hindi. Wag na. Um, malapit na yung next class ko. D-dito nalang ako."

"Ok, sasamahan muna kita. Iniintay ko din kasi yung order ko."

"Okay"

...........

"Ehm. ehm."

"Oh, um... Wayne! Ano-- una na ako, ah? M-may naiwan ako sa library. Bye!"
si Nick. Anong meron?

"Pwede, patabi?"

"Oo naman. Anong meron kay Nick?"

"Ha? Wala. Wala. I mean, hindi ko alam..?"

"Ah, okay. Sabi mo eh."

Tiningnan ko siya ng pabiro at humawak siya sa batok niya na namumula. Haha!

"Wayne?"- Ako
"Hmm?"- Wayne
"No offense, ha? Bakla ka ba?" Pabiro kong tanong sa kaniya.
"H-hoy! hindi no! Bakit mo nasabi yan?!"
"Wala naman. Para ka kasing nagblush- on.

At lalo siyang namula. Hahahah!

"Hoy! wag ka nga tumawa. Lalaki ako, straight! Sinusubukan mo ba ko, ha? ano?"

Kaya napatigil ako sa pagtawa dahil sa seryoso niyang mukha na nakatitig sakin.
(Warning: Medyo malandi. Joke. Sobrang kalandian. Haha) Gosh! ang gwapo niya lalo.

Nilalapit niya yung mukha niya sakin kaya naman ako, inilalayo ko yung mukha ko. Ilalayo ko sana yung upuan ko pero hinawakan niya ito. Ang lapit na nung mukha niya!

Natulala na lang ako nang bigla siyang ngumiti at tumawa.

"Hahaha! Zale, b--bak- Ahahaha! Bakla-- haha. k-ka-- pfft! ba?! Hahaha! Ang pula mo Zale!"

"Ano ba?! Ang ingay mo Wayne! Tss! Bahala ka na dyan."

Lumabas ako ng café kasi naman nakakainis si Wayne!

Nakakainis? pero nakangiti?

Ano ba namang utak meron ako? Baka wala? Joke.

Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko. Tss.

"Uy! Zale!"

Bahala siya dyan.

"Zale, huy."

Iniharap na niya ako sa kaniya.

"Ano ba?!"

" 'To naman di mabiro. Sorry na, uy. Please?"
At nagpacute pa siya. Na nagwork naman. Haha.

"Ewan. Ko. Sa'yo. Late na ako, bye!"

At iniwan ko na siya dun. Panigurado, kukulitin pa din ako niyan.

***************

How's this chapter? Like. Vote. Comment. Guys, pretty please? Haha.

Lots of Love
~ missyzam

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now