12th

2 1 0
                                    

AZALEA

Sweetness Overload.

Gabi na kami dumating sa El Nido. Kinuha namin yung mga gamit namin at inilipat sa kaniya kaniya naming kwarto. Isang tao isang room ang nangyari. Magkatabi yung room ko at room ni Wayne tapos sa tapat naman ay room nina Nick at Kacy. Sa likod ng room nila ay room nina Dwight at Eva, tapos sa likod ng room namin ay room ni Daniella at room ni Austin.

Ewan ko nga ba bakit ganito ang arrangement ng mga rooms.

Pumunta si Daniella sa room ko at sinabing lumabas na lang daw ako kasi kakain na.
Umuna na din siya kasi gutom na siya.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay lumabas na din ako. Paglabas ko ng room ko nakita ko sa gilid ang nag-iintay na si Wayne.

"Oh? Wayne bakit di ka pa dun kumakain?"

"Hinintay lang kita. Baka kasi mamaya wala kang kasabay."

"Okay. Tara na?"

Pumunta kami sa kainan at nakita silang kumakain. Nakisalo na kami at nagsimula na ring kumain.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto.

..................

Umaga na. Nagising ako ng 5:00 a.m kaya naisipan kong pumunta sa gilid ng dagat. Pinanood ko ang sunrise. Ang ganda talaga ng sunrise, sunset at ng night sky.

"Azalea, aga mo ata?"
nakita ko si Austin sa likuran ko.

"Oo, eh. Maaga rin kasi akong nakatulog. Gising na si Daniella?"

"Ewan ko. Hindi ko pa naman siya nakikitang lumabas."

Umupo siya sa tabi ko at nanood lang ng sunrise.

"Ehem!"

Tiningnan namin kung sino yun at nakita si Wayne.

"Oh, Wayne. Kanina ka pa diyan?"

"Oh! Nandyan pala kayo. Anong ginagawa niyo.Nakakaabala ba ako. Ge, aalis na ko."

"Uy! dami mo agad nasabi. Tara na? Gising na ba sila?"

"Hindi pa ata." si Wayne

"Ah, ok. Punta lang ako sa room ko. Bye."

Pumunta ako sa room ko at nagready para mamaya. Mag island-hopping daw kami kaya niready ko na yung isusuot ko mamaya at yung mga dadalhing gamit.

Toktok!toktok!

Binuksan ko yung pinto at nakita si Daniella.

Tinulungan niya akong magready at tulungan ko din daw siya. Haha.

.................

Umalis kami at sumakay sa bangka. Pumunta kami sa Big lagoon, small lagoon, secret lagoon, snake island at madami pang iba. One week daw kami dito na mag island-hopping para mapuntahan namin lahat ng island.

Naging masaya ang island-hopping. Picture dito, picture doon.

Bumaba kami sa snake island. May hagdan doon at umakyat kami. Inabot kami ng malakas na ulan habang bumababa. Sumakay ulit kami ng bangka at uuwi na dahil ito ang last na island na pupuntahan namin ngayong araw.

Ang lamig! Niyakap ko ang tuhod ko dahil sa lamig ng hagin at sumabay pa ang tumatalsik na tubig ng dagat.

"Zale, okay ka lang? Dito ka umupo, malamig diyan." si Wayne

"Hindi na, andito na din naman tayo."

Tumigil yung bangka at bumaba na kami. Dumiretso agad ako sa room ko pagdating namin. Naligo agad ako at humiga. Agh! ang lamig! bw*set! sumabay pa ang sakit ng ulo at sipon. Nagsuot ako ng hoodie at pajama dahil sobrang nilalamig na ako. Tumulog muna ako.

Toktok.toktok.toktok

"Zale?"

"S-sige-- Haaatchiii! nandiyan na."

Binuksan ko ang pinto at nakita ang gulat at nag-aalalang mukha ni Wayne.

"Okay ka lang ba? Nilalagnat ka ata."
Hinipo niya ang noo at leeg ko para tingnan kung nilalagnat nga ako.

"Zale, ang taas ng lagnat mo. Tara sa loob."

Pumasok kami sa loob at sinarado niya ang pinto tapos hininaan ang aircon.

"Humiga ka lang. Babalik ako."
Kinumutan niya ako bago siya umalis.

Naiihi ako. Kaya tumayo ako at pumunta sa CR.

Paglabas ko ay saktong bukas ng pinto at nakita ko si Wayne na may dalang pagkain, tubig at gamot.

Nang nakita niya ako ay biglang kumunot ang noo niya. Bakit?

"Zale, sabi ko naman sayo humiga ka lang. Ang taas ng lagnat mo."

Inilapag niya sa table sa tabi ng bed ko yung pagkain at hinigit niya ako at pinaupo sa kama saka nilagyan ng kumot.

"Ang tigas pala ng ulo mo. Tsk! dito lang ako hanggat hindi ka gumagaling."

"Wayne, malaki na ko. Kaya ko na sarili ko."

"Tss! Oh, nganga."

"Tsk! Wayne, ako na. Kaya kong kumain ng sarili ko lang. May lagnat lang ako hindi ako lumpo."

"Wag ka nang magsalita, sumubo ka na. Aaaaah!"

Nagtalo kami ng nagtalo pero sa huli, siya ang nanalo. Sinubo niya sakin ang last na kutsara ng soup.

"Oh, uminom ka ng gamot."
Isusubo niya sakin yung gamot at hawak na rin niya ang tubig.

"Tsk! Opo boss!"

Pagkainom ko nang gamot ay pinahiga niya ulit ako at inayos yung kumot.

"Ano pang kailangan mo? Meron kang gusto? Ano? Fruits?"

"Wayne, ok na. Thank you."

"Sige, tulog ka na."

"Hindi ka pa aalis?"

"Hindi."

Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong di na naman ako mananalo.

"Tulog na Zale. Gusto mo kantahan kita?"

Nagsimula siyang kumanta ng Grow Old With You .

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ilang beses ko na yung sinabi, alam ko. Sobrang ganda kasi talaga ng boses niya.

**************

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now