3rd

11 3 0
                                    

AZALEA

"Azalea Dayne!! Akin na kasi! Buksan na natin! Dali na!"
Si Daniella, as usual. Kanina niya pa ako kinukulit! Konti na lang makakalbo ko na 'to! Haha!

"Daniella Anica. Ilang beses ko bang sasabihin na kapag nakauwi na tayo? Pag di ka pa tumigil, hindi ko lalo papabuksan sa'yo yung lock." Sabi ko sa kaniya at tumigil na din siya. Sa wakas! Haha!

...................

Nakaupo kami ngayon sa kama ko habang tinatry niyang buksan yung lock.

"Ayan! Bukas na. Ihhh!!"
Kung inaakala niyo po na may naipit na butiki... nagkakamali kayo. Dahil si Daniella yung tumitili dito na akala mo ay naipit na butiki. -_-'

Kinuha ko naman sa kaniya yung lock at nakita kong nabuksan nga nung susi yung lock na binigay nung manghuhula.

Grabe! Hindi ako makapaniwala na nahanap ko agad yung susi. Sya na nga ba yung lalaking sinasabi nung manghuhula?

Siguro nga. Siya na.

Siguro bukas ko na lang siya hahanapin para ibalik yung susi. Baka ngayon, hinahanap na niya yung susi. Bahala na bukas.

....................

Nakaupo na ako ngayon para sa last subject ko. Hinahanap din nang paningin ko yung lalaki kahapon. Ibabalik ko na kasi yung susi niya at itatanong ko na din kung saan galing yung susi. Nacurious na kasi ako. Ang weird lang kasi na may susi talaga na nahanap ko agad para sa lock na galing sa manghuhula.

Hindi ako masyadong naniwala nung una na makikita ko yung susi na magbubukas dun sa lock, pero yung susi na mismo ang nagpakita sakin.

Nagsimula na yung discussion nang dumating yung lalaking may-ari nung susi. Umupo siya sa tapat ko. Siguro, mamaya ko na lang sa kaniya ibibigay dahil pag ngayon baka magalit yung professor. Baka mahuli pa ako.

Natapos na yung klase at agad akong sumunod dun sa lalaking may-ari nung susi. Ang bilis niyang maglakad kaya naman hindi niya makinig yung pagtawag ko. Pumasok siya sa isang room kaya naman sinundan ko siya at pumasok din sa room.

0.0

Band? Kasali siya sa banda? Siya na nga kaya? Kasi noon pa lang, gusto ko yung mga lalaking magaling kumanta at tumugtog ng gitara. Grabe! totoo na nga ang hula! Haha!

"Um.. miss? Bakit?"
Ay. Nakalimutan ko na may tao sa loob. Kaming dalawa lang ngayon ng lalaking sinusundan ko.

"Ah, kasi-"

"Bro! Ang aga mo ata ngayon?"
Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Napansin naman nila ako kaya naman nahiya ako. Hindi ko kaya sila lahat kilala! Aber! Sinong di mahihiya?

Nakatingin lang silang apat sakin kaya naman nagsalita na ako.
"Um, gusto ko sana itanong kung sa'yo 'to?" Inilabas ko yung susi at pinakita dun sa lalaking sinundan ko kanina.

"Ah, oo. Saan mo 'to nakita? Kahapon ko pa 'to hinahanap. Salamat ha?"

"Wala yun.Nalaglag mo yan kahapon kaso nung hinabol kita, wala ka na ." Ngumiti ako sa kanila at magpapaalam na sana.

"Gusto mong manuod muna? Magpapractice kasi kami ngayon. Yun ay kung wala kang gagawin."

"Ha? Um, sige."
Sabi ko. Aba! nakakahiyang tumanggi no! Tsaka gusto kong mapanood yung pagtugtog ng banda nila.

"Austin, nga pala. Tapos ito naman si Nick, Dwight at si Wayne. Ikaw si?"

"Azalea Dayne." Ngumiti lang ako sa kanila.

"Ok, Azalea nalang tawag namin sa'yo ." Sabi nung Nick na tinuro ni Austin kanina.

Nagstart na silang tumugtog. Teka, hindi pala si Austin yung vocalist? drums kasi ang tintugtog niya. Akala ko pa naman...

I need another story
Something to get off my chest
My life gets kinda boring
Need something that I can confess

Til' all my sleeves are strained red
From all the truth that I've said
Come by it honestly I swear
Thought you saw a wink, no
I've been on the brink, so

Tell me what you want from here
Something that were like those years
Sick of all the insincere
So I'm gonna give all my secrets away
This time, don't need another perfect line
Don't care if critics never jump in line
I'm gonna give all my secrets away....

Dugdug.dugdug.dugdug.

Hala! Bakit ako kinakabahan? Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako kay Wayne. Oo, kay Wayne yung vocalist. Ang ganda ng boses niya. Grabe, ayoko nang umalis dito. Gusto ko nalang palaging makinig yung boses niya.

Ano daw?!

Nadala lang ako ng boses niya. Oo yun na nga.

Natapos yung practice nila at kinausap nila ako ng kinausap. Ang kukulit nga nila eh. Kahit kakameet lang namin, ang saya nilang kasama na parang matagal na kaming magkakakilala.

Sabi daw ni Wayne, Zale nalang ang tawg niya sakin. From aZALEa, medyo weird pero unique kaya ok na.

Umalis na sina Nick,Dwight at Wayne. Kaya naman, kami nalang ni Austin ang natira. Kinuha niya yung bag niya at ihahatid na daw niya ako. Ang bait nga niya eh, kasi ihahatid niya pa ako kahit wala pa namang dalawang araw niya akong kilala. Tapos ang kulit din niya kasi tawa siya ng tawa habang nagkukwento tungkol kina Wayne.

Haay! Naalala ko na naman yung boses ni Wayne. Yung pagkanta niya.

Hala?! Landi ko lang?! Hahaha! Pasensiya na. Sobrang laki kasi sakin ng impact ng magandang boses.

Sumakay kami sa kotse ni Austin at hinatid niya ako sa TZI Condominium. Yung tinutuluyan namin ni Daniella. Napagkuwentuhan namin kung san galing yung susi niya... at kung ano-ano pa.

"Nood ka uli next practice namin, ah?"

"Sige ba. Thanks sa paghatid, ha? Bye."

"No problem. Basta ba pumunta ka uli sa next practice namin." Sabi ni Austin at ngumiti.

***************

Ok po ba 'tong chapter na 'to? Comment naman po kayo. Haha. Vote na rin.
By the way, yung mga names ng characters at places ay galing lang po sa imagination ko. And also, feel free to ask me ng mga questions niyo. Yun lang. Thank you!

Lots of Love
~missyzam

A Key to Our HeartsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt