27

0 0 0
                                    

AZALEA

Nasa kawarto ako dito sa bahay namin. Nagdecide ako na umuwi ngayong weekend since wala akong pasok.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang katext ko si Daniella.

At ang gaga inaaya akong magmall ang sabi ko naman, mamaya nalang hapon kasi tinatamad pa ako.

Ang tamad mo talaga! Sige, sabi mo a! Mamayang hapon. Walang bawian!

Yan ang text niya sakin at hindi na muli nagtext.

Si Wayne kaya? Tulog pa siguro yun. Hindi pa tumatawag e.

Pumunta ako sa CR ko at naghilamos at kung ano-ano pa. Lumabas ako ng CR at pagbalik ko sa room ko, bumungad sakin si mommy suot ang facial expression na hindi ko mabasa.

"Good morning, sweetie."

Sweetie ang tawag sakin ni mommy.

"Good morning, mommy" sabi ko nang may ngiti sa labi.

"Um, mommy wala ka po ba ngayong work?"

"Wala. I decided to rest today and also para makapagbonding naman tayo. Let's talk about you. I'm sorry sweetie, wala na kong naging time para sa'yo. So can we have this day together? I really want to make it up to you. Please? Sweetie?"

"Um, mommy paano po yun? Kasi sabi ko po kay Daniella,pupunta kami mamaya sa mall."

"Then wag na kayo sa mall. Invite her to come over. We'll bake cupcakes for her."

"Okay."
Masigla kong sagot kay mommy. Masaya lang talaga ako dahil makakasama ko ngayon si mommy buong araw. I really miss her. Pati si daddy and si kuya, yun nga lang masyado silang busy.

Nakaupo lang si mommy sa bed ko at in-on yung TV. Humiga siya at nanood muna habang ako tinetext ko si Daniella para sabihin na pumunta na lang siya dito mamaya.

Nagring naman bigla yung phone ko at lumabas doon ang pangalan ni Wayne. Tumatawag si Wayne. Tiningnan ko si mommy at nakatingin din siya sakin na hinihintay na sagutin ko yung tawag.

Nag-excuse ako kay mommy at lumabas papunta sa balcony.

"Good morning!" Masiglang bati ni Wayne

"Good morning din. Kakagising mo lang? Ang aga ha!" Pabiro kong sabi

"Bakit? Anong oras ka ba gumising? Yabang nito." Pagbibiro din niya

"7:30!"

"Sabi ko nga ang aga mong gumising. Zale?"

"Hmm?"

"Date tayo."
Agh! Sayang! Ano ba yan! Kung kelan bawal e. Haha. Jk.

"Hindi pwede Wayne e. Nandito kasi si Mommy, magbobonding daw kami. Alam mo na, ngayon nalang uli sya nagkaroon ng free time."

"Okaaay." Dismayadong sagot niya.

"Gusto mo pumunta ka na lang dito. Para sabihin na din natin kay mommy."

"Okay! Bye. Magbebreakfast na ko. Kumain ka na din. I love you, Azalea Dayne."

Napatawa naman ako dahil sa bilis ng pagbabago ng mood niya.

"Yes, sir! I love you too, Wayne! Bye."

Pinatay ko na yung tawag at bumalik sa kwarto ko.

Pagbalik ko ganun pa rin ang posisyon ni mommy. Tumingin siya sakin na may question mark sa mukha.

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now