5th

3 3 0
                                    

AZALEA

As usual, lagi pa rin akong nakakapanood ng practice ng DAWN (Banda nina Wayne)
DAWN for Dwight, Austin,Wayne at Nick. Tinanong pa nila ako kung anong magandang pangalan ng band nila at yan ang suggestion ko. Nakakatuwa na ginamit nila yung sinuggest kong name ng band nila.

Syempre, mas lalo kaming naging close. At lagi na din kaming sabay ni Wayne sa pag-uwi at pagpasok sa school. ^^

Tapos na ngayon ang practice nila at uuwi na kami.

"Zale/ Azalea, hatid na kita." Sabay na sabi ni Wayne at Austin. Nagkatinginan sila at ang tagal nilang magkatinginan.

"Diba may pupuntahan ka ngayon, Bro?" si Wayne

"Wala. Akala ko may gagawin ka ngayon?"
si Austin

"Meron nga. Ihahatid ko si Zale."

"Um, guys. Sabay kasi kaming uuwi ni Daniella ngayon eh. No, thanks nalang. He-he. Sige, aalis na ako."

Lumabas na ako doon. Wooh! Uuwi na ako. Ang totoo kasi, wala ngayon si Daniella kasi sumama siya sa tour. Kaya uuwi na ako, kesa naman pumili ako dun sa dalawa.

Nakita ko naman si Austin na naglalakad papunta sa parking lot kaya nagtago ako para hindi niya malaman na wala naman talaga akong kasabay. Nung nawala na siya sa paningin ko, naglakad na ulit ako.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko kung sino, nakita ko si Wayne.

"Zale-"

" Bakit? Ah, una na ko ha? pupuntahan ko na si Daniella. eh"

Natawa naman siya.

"Bakit ka natawa?"

"Ang cute mo kasi." dahil sa sinabi niya naramdaman kong uminit yung mukha ko. Kaya lalo siyang natawa. Haay! Tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko. "Alam kong wala si Daniella."

Kaya napatingin ako bigla sa kaniya. I mean, napatingala. Ang tangkad niya kasi.
"P-paano mo nalaman?"

"Basta. Tara na, sabay ka na sakin"

"Eh-"

"No Buts! Sasabay ka sakin."

"Okay, Boss!"
Pumunta kami sa parking lot para puntahan yung kotse niya. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Napansin ko namang nakangiti siya.

"Bakit ka nakangiti? Oy, wag kang ganiyan. Nakakatakot ka. Nasapian ka ba?"

Tumingin naman siya sakin at tumawa ng nakakatakot.
Anong gagawin ko? nasapian na ata 'to?
Kinuha ko yung notebook na nadampot ko at ipapalo na sana sa kanya...

"Uy, joke lang. Di ka mabiro, masakit yan."
at dahil doon napatawa kaming dalawa.

..................

Pagpasok ko ng kwarto, nagpalit ako ng damit. Nakakamiss naman si Daniella, wala tuloy maingay.

Ting!
Tiningnan ko yung phone ko at may nagtext unknown number.

Fr: 0921*******

Hey. ;)

Hindi ko nireplyan. Hindi naman nagpapakilala eh. Bakit ko rereplyan?

Ting!

Fr: 0921*******

Huy! Zale, napakasanob nito. Gandang- ganda ng bati ko.

Si Wayne? Ihh!!

Nireplyan ko naman agad.

To: Wayne

Hindi ka naman agad nagpakilala eh.

Fr: Wayne

Ganun ba? Sorry daw. :)

At nagtext kami ng nagtext hanggang sa nakatulog na ako.

**************

Ito na lang muna, for now.
Thanks sa nagbabasa nitong story na 'to. And I'm thinking if short story pa din ba ang gagawin ko dito. Yun lang, follow.vote.comment. naman po kayo.

Lots of Love
~ missyzam

A Key to Our HeartsWhere stories live. Discover now