17th

3 1 0
                                    

AZALEA

Nagreready ako ngayon kasi may pasok na ulit.

Kakatapos ko lang magshower kaya inaayos ko na yung sarili ko. Mamaya na lang siguro ako magbebreakfast, malalate na ako e.

knock.knock.

Si Daniella na ang nagbukas ng pinto kasi nagbibihis pa ako.

"Wow, effort." narinig kong sabi ni Daniella. Sino naman kaya yun?

Pagkatapos kong magbihis ay ready na akong umalis kaya pinuntahan ko si Daniella sa may kitchen pero nakita kong nandun si Wayne.

"Wayne? bakit ang aga mo ata?"

"Um, bumili ako ng breakfast natin. Para sabay tayo."

"Ha? hindi naman na kailangan, pero thank you. Oo nga pala, bakit naka- uniform ka na? Di ba mamaya pa pasok mo?"

"Tss, kumain ka nga ng breakfast. Kaya ka sakitin at payatot e."

"Oo na, kakain na po. Pero bakit nga nakauniform ka na? Mamaya pa pasok mo, diba?"

"Pina-reschedule ko yung pasok ko para..."

"Para?" tanong ko kasi parang nahihiya sya na ewan.

"Para sabay tayo. Para maihatid kita."
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Grabe ang effort niya sa panliligaw ha.

At sabay nga kaming nagbreakfast pagkatapos ay sabay din kaming pumasok.
Magkaiba ang classes namin kaya inihatid na lang niya ako sa first class ko.

"Dayne! What a coincidence, magkaklase pala tayo."

"O, Cas! dito ka rin pala pumasok. So? bakit ito ang napili mo?"

Tumabi na sya sakin kasi nagkuwentuhan muna kami habang hindi pa dumadating yung prof.

"Wala naman. Siguro dito talaga ako pinapasok para magkasama tayo." Sabay kindat niya. Oo, gwapo siya pero syempre mas lamang si Wayne. ;D

Pumasok ako sa mga classes ko. Kaklase ko si Lucas sa lahat ng subject. Sinadya ba niya? Pero paano naman niya nalaman sched ko diba? Siguro naman coincidence lang talaga.

Lunch na at pinuntahan ako ni Wayne sa class ko.

"Dayne, pwede ba sumabay maglunch? Wala pa akong friends dito e. Ikaw pa lang."

"Um.." hindi ko masabing pwede kasi kasabay ko si Wayne. Pero gusto ko siyang isabay kasi kawawa naman siya diba?

"Wayne, pwede daw ba natin isabay si Lucas maglunch? Wala kasi siyang kasabay e."

Kitang-kita ko sa mukha ni Wayne na ayaw niya pero pinakiusapan ko siya kaya pumayag naman.

"Dayne, natatandaan mo nung tumatalon-talon ka tapos nagupit ko yung buhok mo kaya umiyak ka ng umiyak. Hahahaha!" Nagtawanan kami doon at muntik ko nang makalimutan si Wayne.

"Wayne, may practice ba kayo mamaya?"

"Wala." maikiling sagot ni Wayne

"Okay."

Natapos ang lunch namin kaya pumasok na ulit ako sa last class ko at kasama ko ulit si Lucas sa class na iyon. Ewan ko nga kung bakit. Bahala na.

"Lucas?"
Katabi ko siya ngayon pero hindi niya ako pinapansin.
"Lucas. Huy" medyo nilakasan ko na ang bulong ko sa kanya. Syempre baka mahuli pa kami ng prof no.

"Walang Lucas dito." sagot niya

"Cas." at agad naman siyang lumingon

"Bakit?" si Lucas

"Um, sinadya mo bang magkaklase tayo sa lahat ng subject? Kasi alam mo lahat ng class ko kasama kita-"

"Hahahahaaha" malakas na tawa niya na hindi ko alam kung pilit ba o totoo.
Nagtinginan ang lahat samin.

Pinalabas tuloy kami nung prof! Kainis!

Hanggang ngayon ay tumatawa parin siya habang ako naman ay inis na inis na.

Naglakad ako palayo sa kaniya kasi nakakainis siya! Tss.

"Dayne! Wait!"

Sinundan naman niya ako.

"Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

Nakita ko naman si Wayne na kakalabas lang galing sa isang room. Nagkatagpo ang mga mata namin pero iniwas niya agad iyon. Nawala naman bigla yung ngiti ko lalo na nung nilampasan niya lang ako ng walang-imik.

Hinabol ng mata ko kung saan siya pupunta at kung lilingon ba siya pero...
hindi. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa lumiko na siya.

Ang sakit. Sobra.

************

A Key to Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon