V | Claiming Ceremony

Začať od začiatku
                                    

Sa loob ng ceremonial hall, nakakalat ang napakaraming circular tables. Nakapalibot sa bawat mesa ang tig-wawalong estudyante. Tumingala ako para tignan ang lumang mapa ng mundo na nakapinta sa kisame, at ang gintong chandelier na nakabitin sa gitna.

Napansin kong tumahimik at nagsitayuan ang lahat nang makita nila kami. Naglalakad lang kami sa gitna, patungo sa nag-iisang mesa na nasa hulihan at sa tuwing may dinadaanan kaming table, napansin ko rin ang pagyuko nila.

Humarap ako at nakitang nakatayo na sa likod ng dalawang upuan sina Ria at Chase. Nginitian ako ni Ria nang pinili ko ang upuan sa tabi niya. Nasa kabilang side ko naman si Art na halatang sabik na sabik sa ceremony. Nagtatalon-talon kasi siya pagkatapos naming maka-settle.

Tinanguan kami ni Trev, senyas na pwede na kaming magsiupuan. Nakaharap siya, sa'min lang, pero nang gawin nya 'yon, nakisabay na rin yung ibang students sa aming pag-upo.

Dahil nasa dulo ng hall yung mesa namin, kami ang pinakamalapit sa platform. Nakapwesto ako nang nakaharap sa platform kaya kitang-kita ko ang mahabang rectangular table at sa likod nito, nakalinya ang iilang katao na nakasuot ng formal attire, maliban nalang nung matanda at kalbong lalaki na nasa gitna. Nakasuot kasi siya ng maroon na robe at may gold sequence. Nakaraming layers din ata siya ng damit dahil sa sobrang kapal ng kanyang suot.

Inilibot ko ang aking tingin at saka ko lang nakita ang anim na istatwang nakatayo sa isang side ng hall... at meron din sa kabila. Ngayon ko lang siguro napansin ang mga 'to dahil nakaupo na ang mga estudyante.

May naalala ako kaya humilig ako nang kaunti kay Art. "Art... ba't gano'n yung reaksyon nila pagdating natin?"

"Ah, yun ba? Tignan mo yung mga pins nila."

Napatingin nga ako sa pins nung iba. Kung sa'min ay gold na letrang 'A', sa kanila naman ay silver, na either 'B' or 'C'.

"A is for Alpha, ang class na binubuo ng direct descendants of the Olympians, or major gods." aniya, dahilan na mapatingin ako sa pin ni Kara na nakaupo katapat ko.

"Yung B naman, is for Beta, ang class ng mga direct descendants ng minor gods..." dagdag niya. "At panghuli, ay yung C for Gamma, ang mga indirect descendants..."

"Alpha ang nangungunang class dahil yung parents natin ay ang major gods. Sila rin ang nagpatayo ng Academy bilang safehaven para sa mga katulad natin. Ang sweet ano?" sabay ngiti ni Art kaya parang nawala ang mga mata niya. "Hihihihi..."

Parents...

Napangiti ako.

Sa tuwing naririnig ko ang salitang 'yan, naririnig ko rin ang pagbiyak ng sarili kong puso. Masaya naman ako at may Auntie ako na nag-alaga sa'kin, pero iba eh. Iba kapag may uuwian kang mga magulang...

Inangat ko ang ulo ko sabay hinga ng malalim- atsaka ko lang nalanghap ang masarap na amoy.

Nagsilabasan mula sa isang sulok ng hall ang mga babaeng may dalang trays. Apat sa kanila ay tumungo sa table namin at isa-isang inilapag ang mga pagkain, drinks at dessert.

Napalunok ako dahil sa dami nito.

YES! Makakakain na rin ako sa wakas!

Syempre, hindi ako nagpahalata na gutom na gutom na ako. Naghintay ako na may isa sa kanila na mangunguna sa pagkuha. Ngunit sa kasamaang palad, walang ni isa sa'min ang gumalaw. Nag-antay pa ako nang ilang segundo pero wala pa rin talaga... kaya nalungkot ako.

Wala ba silang balak kumain? Ang sarap pa naman ng mga putahe oh...

"Students of Olympus Academy."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now