WYBM 21: Celebration

Magsimula sa umpisa
                                    

Nginitian ko sila.

"Hey, can I take a break?", tanong ko sa kanila. Tumango naman sila kaya bumaba ako ng stage. Naglakad-lakad lang ako sa university. Naalala ko yung sabi sa akin ni Papsie nung birthday party ko nung 13 ako.

'Kapag nag-debut ka kahit may boyfriend ka na, ako pa din ang last dance mo'

Di ko alam pero feeling ko naiiyak ako. Kapag kasi birthday ko na, nararamdaman kong malapit na ang death anniversary nila. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit-sakit pa din pala nung mga pangyayari.

Umupo ako sa isa sa mga bench saka ako yumuko.

"Papsie, Mamsie. Legal na ako ngayon. 18 years old na ako", sabi ko saka ngumiti. Nagpunas agad ako ng luha nang maramdaman kong tumutulo yung luha ko.

Nakita ko na may nagtapat sa akin ng panyo. Tumingala ako at nakita ko si Kaydee.

"B-Baket ka nandito?", nauutal kong tanong.

Umupo sya sa tabi ko saka ako dumistansya sa kanya ng konti.

"Thania"

"Yep?"

At dahil humarap ako sa kanya, pinunasan nya yung mukha ko na ikinagulat ko.

"So tama nga ako, tama nga ako na yung birthday mo, malapit sa death anniversary ng magulang mo"

"B-Bumalik ka na doon sa orientation", pag-iiba ko ng topic.

"Marami pa nga akong hindi alam sayo. But don't worry, naiintindihan kita. Happy birthday", sabi nya saka nya inayos yung buhok ko.

"K-Kaydee..."

"You're my friend so I'm concerned. I know you're feeling lonely but always remember that I'm always here"

Tinignan ko sya ng masinsinan. Di ko sya maintidihan. Pati sarili ko, may mga insekto ata sa loob ng tiyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm always here and of course, your bestfriends, your Kuya Rhon and your Tatay Rico", sabi nya at ngumiti. Tinititigan ko sya na parang may mali. Kasi, yung tiyan ko iba ang reaksyon. Kahit na yung puso ko. Pati utak ko, nadrain na ata kasi hindi na ako makapagsalita.

"Thania?"

Nabalik ako sa realidad ng tawagin nya ako.

"Yes?"

"Happy birthday", sabi nya. Nagulat ako nang hilahin nya ako at bigla nya akong... niyakap. Naramdaman ko na naman yung abnormal na pagkabog ng puso ko. Di naman ako ganto kapag niyayakap ako ni Tatay, ni Kuya Rhon o kahit ng mga kaibigan ko. Pero baket nung kay Kaydee, ang gara ng feeling. Pati yung tiyan ko, parang mas dumami ata yung insekto sa loob.

Kumalas sya sa yakap at nakatitig pa din ako sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin to, ang pogi ni Kalvin. Full of sincerity yan. Parang kasi nung nakita ko sya nung una, yabang lang ang tingin ko sa kanya.

Tumayo sya at ginulo yung buhok ko saka sya naglakad palayo. Napahawak ako sa pisngi ko. Naalala ko yung hinalikan nya ako sa pisngi ko at feeling ko, nadrain yung utak ko. Tayna! Porket ba birthday ko, gagana na pagiging praning ko?

NAGLALAKAD ako pauwi at medyo madilim na. Inabot na naman ako ng gabi sa office. Jusko, porket legal age na ako kailangan magpaabot na ako ng gabi. Kung buhay pa si Papsie, nasermunan na ako non. Kaya din ako ginabi kasi natagalan ako sa paggawa dahil occupied utak ko dahil kay Kaydee. Tayna naman!

Nang papasok na ako sa bahay, natakot ako nang bukas yung gate. Shtness overload!

Agad akong tumakbo papasok at mabilis kong binuksan yung pintuan namin at nagulat ako nang bigla kong buksan yung ilaw eh may pumutok.

Will You Be My....?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon