Muling finocus kay Searcy ang camera. Seryoso na ang mukha niya kaysa kanina. Tumikhim siya, "We don't have relationship. Maybe you'rs curious with the pictures that's been spreading around. Kami po talaga ni Clef 'yon but we're not in a relationship... right now"

Nanlaglag ang panga ko, "It's true that we had a relationship pero matagal na po iyon. Ngayon po ay wala na kami"

Mas lalong umingay sa loob ng presscon nila. Narinig ko ang pagtikhim ni Cael sa tabi ko. Wala akong nagawa kundi ang kagatin ang mga labi ko habang nakatitig sa monitor. Nagsimulang paulanan ng tanong ni Searcy ng mga reporters sa loob. 'Yung iba ay sabay-sabay pa sa pagtatanong.

Nagkagulo sa loob. Nakita ko ang mga guard na lumapit kay Searcy para alisin siya sa presscon. Nang nakaalis siya ay tuloy pa rin sa pagiingay ang mga reporter na nanduon. Of course, this is a big issue. Creole of Note iyon, the most influencial band in the Philippines siguro nga ay hindi lang sa Pilipinas, and Searcy just confirmed it!

I don't know if she's saying the truth na hiwalay na sila o hindi pa pero may kung anong lumigalig sa tyan ko ng marinig ko iyon. Clef won't leave Searcy's side that's what I'm sure of kaya baka palabas lang iyon.

I don't really trust her words.

Pagkatapos nuon ay mukha naman ni Blaire ang nakita ko sa malaking monitor. Gusto ko pa sanang panuorin iyon pero naramdaman ko na ang paghawak ni Cael sa kamay ko.

"Let's go. Kailangan mo ng bumalik sa dorm para makapagpahinga"

Tumango lang ako sa kanya at nagpatianod nalang sa paghila niya.

Nang mga sumunod na araw ay balita pa rin sa Cecilian ang nangyaring presscon nila Searcy. Halos matulili ako dahil sa paulit-ulit kong naririnig na usapan tungkol sa kanila. Even Chriselle is blabbering this issue.

"Hindi talaga ako makapaniwala, Ferm. Akala ko close lang sila kaya palagi silang naguusap" ani Chriselle habang naglalakad kami papunta sa field para sa huling gabi ng November Fair.

Ngumiwi ako sa kanya.

"Hindi ko man lang nahalata nung nagmovie marathon tayo kila Dwaine!"

Sinamaan ko na siya ng tingin. Nagkibit-balikat lang siya at ngumuso.

Up until now ay hindi pa rin kasi alam ni Chriselle ang lahat ng nangyari. I know she'll freak out kapag nalaman niya. Iyon pa nga lang onting impormasyon e nagkakaganito na siya paano pa kaya kong sabihin ko lahat?

Nang makarating kami sa field ay nakita ko ang dami ng estudyanteng naroon. The speaker is in full blast na animo'y isang malaking bar ang soccer field ng school. This is the last day of the fair.

Nakita ko agad si Lance habang suot iyong sleeveless shirt niyang damit at knee-length shorts. He's wearing those diamond earrings and fandora hat.

"Y-yo!" bati niya habang nakangisi sa amin. Chriselle just waved at him samantalang ako'y sinimangutan siya. I'm still pissed at him dahil sa ginawa niya nuong first day ng fair.

Sumama kami sa kanya papunta sa crowd. Nagsimula ng magpatugtog iyong bandang magpeperform ngayong gabi. The students started jumping on their places habang malakas na kinakanta ang kanta ni Adam Levigne samantalang ako'y pinagmamasdan lang ang kumakanta sa stage. The band is cool but it did not got my interest. Masyado kasing common.

"Hey. I'm sorry! Alam kong galit ka sa ginawa ko nung isang araw. I just really don't want to see you with Cael" Lance's shouted on my ear.

Himalang narinig ko pa iyon dahil sa lakas ng tugtog na nagmumula sa mga speaker.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now