Chapter 22: City Of Seoul

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang ako napipicture, si Charles naman ay abala sa cellphone niya. Hay, sigurado ako business na naman iyan.

Few minutes more at dumating na yung bus. Agad kaming pumasok.

May tour guide na nagsasalita sa unahan. Pero hindi ko naman pinapakinggan kasi busy akong tingnan ang mga nadadaanan naming lugar. Ang daming koreans. Ang cool pa nila. Hawak hawak ko pa rin yung camera ko. Picture doon picture dito.

Unang destination na pinuntahan namin ay yung mga historical places. Ito yung lugar na napapanood ko sa mga kdramas. Mukhang dito sa lugar nagshooting ang Moon Embracing The Sun.

Tuwang tuwa at masayang masaya ako kaso kabaliktaran naman si Charles. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Parang nasa ordinary place lang siya. Sigurado nga naiinis na ito sa akin dahil masyado akong makulit.

Nagtry din akong magsuot ng hanbok. Ang cute. Nagmukha yata akong korean.

"Charles, ikaw din!" Alok ko sa kanya na magsuot din.

"No way" Kahit kailan talaga ang KJ nito.

 

"Arte mo. Oh, kuhanan mo na lang ako ng picture" Inabot ko sa kanya yung camera ko. Kawawang Charles, ginawa kong photographer.

Pagkatapos niya ako picturan, inalis ko na yung suot kong hanbok. Naglakad lakad naman kami sa kabilang parte. May mga bilihan pala dito ng souvenirs malapit lang doon sa pinuntahan namin. Pinuntahan namin iyon.

"Annyeong hasseyo" Bati ko dun sa tindero. Yun lang naman ang alam kong korean word.

Nagtingin tingin ako sa mga paninda. Puro mga accessories sa katawan. May mga necklace, singsing, braclelet at anklet.

Homemade accessories lang pero ang gaganda.

Pero may isang bracelet na nakaagaw pansin sa akin. Simple lang dahil puro bilog na beads lang naman siya pero ang ganda ng kulay. Sinuot ko ito at bagay na bagay sa kamay ko. Kulay red na parang ruby.

"That's a lucky charm" Sabi nung tindero sa akin. Marunong pala siya mag english.

Dahil sa nagustuhan ko, bibilhin ko na lang.

"How much?" Tanong ko dun sa tindero.

"3000 won" Kung iconvert mo sa peso, mura lang.

Sige na nga bibilhin ko na.

Dahil sa wala akong dalang korean currency na pera, naisipan kong mag-utang kay Charles.

Nandoon siya sa labas ng tindahan at naghihintay.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon