Siguradong-sigurado ako na mag-asawa kami. Baliw na talaga ang babaeng iyon at hindi ko siya hahayaan na makapasok sa sistema ko dahil alam kong iyon ang sisira sa pagsasama naming mag-asawa.

"Ma'am, ayos lang kayo? Tatawagin na po ba namin si Sir?" nag-aalalang tanong sakin ni manong guard

Mabilis na umiling ako sa kanya at inutusan nalang siya na tawagin si Kuya Ronald para masundo na niya ako. Nanginginig ang mga binti ko at pakiramdam ko hindi ako makakapaglakad ng maayos papunta sa parking lot kaya nagpasundo nalang ako sa entrance ng hospital.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Kuya Ronald nang mapansin niyang nakatulala lang ako

"Ayos lang po ako. Pwede pong pakidaan muna sa palengke? May bibilhin lang po ako." magalang na sabi ko rito

Tumango naman ito at nagdrive papunta sa pinakamalit na palengke. Matamlay pa akong lumabas ng kotse at hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kelsey. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon. Sino ba siya kay Jaxon at ganoon na lamang ang galit niya sakin? Gusto pa niyang sirain ang relasyon naming mag-asawa.

Nawala agad ang mga nasa isip ko nang makita ko ang sangkatutak na sampalok. Lumapit agad ako sa ale at bumili ng isang kilo. Tuwang-tuwa pa ako habang pinagmamasdan ang mga sampalok. Nakakatakam silang kainin. Bumalik agad ako sa kotse nang matapos ako sa pamimili ng sampalok.

Hindi rin nagtagal ay nakauwi na kami sa bahay. Agad kong inatupag ang paggawa ng sampalok cake. Maliit lang ang ginawa ko dahil ako lang naman ang kakain. Ayokong mamigay no. Wag na kayong magtaka kung paano ako gumawa ng sampalok cake. Sekreto ko na yun.

Gumawa din ako ng ilang cupcakes at isang chocolate cake para kila Jaxon para hindi nila kainin ang cake ko. Baka mainggit sila sakin at kainin ang cake ko. Tinawag ko ang mga kasambahay at si kuya guard at si Kuya Ronald tapos si Devon pati na rin si manang para kumain ng cupcake. Nilagay ko sa pinakailalim ng ref iyong cake ko para hindi nila makita.

"Ma'am, the best talaga ang cupcake na gawa niyo." pambobola ni Paula, isa sa mga kasamabahay

"Oo nga, ma'am. Ang sarap!" pambobola rin ni Freya

"Kaya patay na patay sa'yo si Sir eh!" natatawang sabi ni manong guard

"Kumain nalang kayo dyan. Nambobola pa kayo." natatawang sabi ko sa kanila

Nagtabi ako ng ilang cupcakes para kay Jaxon para matikman niya pagdating niya mamaya. Tinulungan nila akong maglinis sa kusina, I mean, ako pala ang tumulong dahil ayaw nila akong paghugasin ng mga ginamit ko dahil sabi nila, nakikain na daw sila tapos ako pa daw maghuhugas. Pinaakyat na ako ni manang sa kwarto nang matapos kami dahil mukhang pagod daw ako. Ang totoo niyan, inaantok ako.

Pahiga na sana ako sa kama nang maalala ko ang sinabi ni Kelsey kanina. Agad akong binundol ng kaba at pagdududa pero pilit ko iyong inaalis sa isipan ko dahil nananaig sakin ang paniniwalang hindi ako kayang lokohin ni Jaxon. Imbes na matulog, tumayo ako at nagpunta sa walk-in closet namin ni Jaxon.

Hinawi ko ang mga damit naming nakahanger at agad kong nakita ang nakabuilt in na vault naming mag-asawa. Mabilis na pinindot ko ang combination at bumukas naman iyon agad. Nandito sa loob ang mga importanteng dokumento namin kasama na ang bank transactions niya, ang papeles ng hospital at iba pang confidential documents. Syempre mag-asawa kami kaya may access ako sa lahat ng gamit niya.

Kinuha ko ang isang pamilyar na folder at binuksan iyon. Sa pagkakaalala ko, dito ko nilagay lahat ng dokumento ng kasal namin. Binuksan ko iyon at nilabas ang lahat ng laman. Napasinghap ako sa mga nakita ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Inaasahan ko na ang mga makikita ko sa loob pero nagulat pa rin ako at heto ako, umiiyak.

Wife For HireWhere stories live. Discover now