Chapter 11

62.9K 1.6K 99
                                    


Naging masaya ang mga sumunod na araw na nagdaan sa amin. I thought it was perfect. Pero nagbago ang pananaw ko nang bigla nalang may babaeng dumating sa bahay ni Jaxon.

It was thursday pero hindi ako pumasok sa trabaho dahil nag-day off ako sa araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasya na magday off. I just feel like having a day-off.

Nasa bahay ako kasama si Devon at kasalukuyan ko itong hinahabol sa loob ng kwarto niya. Kakatapos ko lang itong paliguan at tumatakbo ito nang susuotan ko na siya ng damit.

"Naku baby. Saglit lang. Isuot mo itong damit." sabi ko kay Devon at hinabol siya dahil tumatakbo nanaman siya

"I'm not a baby anymore!" nakasimangot na sabi nito at humalukipkip

"Oo na po. Bihis ka na." masuyong sabi ko rito at sinuot ang t-shirt niya

Nag-tatakbo nanaman siya nang maisuot ang damit niya. Napakahyper talaga ng batang ito.

Napahinto ito nang biglang may kumatok sa pinto. Sabay kaming napatingin doon ni Devon.

"Devon baby? Are you there?" sabi ng isang tinig mula sa labas

Isang tinig na ngayon ko lang narinig. Tinig na hindi pamilyar sa aking pandinig.

Kumunot ang noo ko nang magliwanag ang mukha ni Devon at tumakbo sa pinto. Binuksan niya agad iyon at bumangad ang isang matangkad na babae.

"Mommy! I missed you!" tuwang-tuwa na sabi ni Devon habang hinahalikan ang babae sa mukha

Mommy? Mommy niya?

Natulos ako sa kinatatayuan ko at gulat na tinignan ang babae na masayang kausap si Devon. Siya ba ang ina ni Devon?

"I missed you too. I brought some foods. You wanna eat baby?" malambing na sabi nito kay Devon

"Yes I wanna eat but I'm not a baby!" maktol ng bata at natawa naman ang babae

"Then let's eat big boy!" masayang sabi nito sa kanya

Tumayo siya at hinawakan si Devon. Kumunot ang noo nito nang makita ako at parang sinusuri ang kabuuan ko kaya bahagya akong napatingin sa suot ko. Nakasimpleng t-shirt lang ako at short hindi tulad niya na nakapencil cut skirt na umabot sa tuhod at hapit na blouse.

Nakaheels din siya at napakasopistikada niyang tignan. Maganda siya at maputi. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng insecurity lalo na at siya ang mommy ni Devon.

"Hi! You must be new here. May dala akong pagkain. Sumabay ka na lang sa amin." nakangiting sabi nito sakin

Bahagya akong nagulat nang ngumiti siya sakin. Mukha kasi siyang masungit kaya hindi ko inasahan na ngingitian niya ako. Napayuko ako at kinagat ang labi ko dahil nahihiya akong tabihan siya. Nanliliit ako sa sarili ko. Para kasi siyang modelo sa ganda at tangkad niya.

Nakita ko na sa litrato ang mukha nito pero ngayon ko napagtanto na sobrang ganda nito sa personal kahit na wala siyang make up at tanging lipstick lang ang tanging make up nito.

Hindi ko alam kung paano ko ito pakikisamahan lalo na at hindi ko alam kung alam nito na asawa ko si Jaxon. Mukhang inakala nito na isa ako sa mga katulong dito sa bahay. Di na ako magtataka roon dahil luma na ang damit na suot ko at hindi kagaya nito na mukhang mamahalin ang damit.

"Come on. Wag ka ng mahiya." yaya nito ulit sakin

"E-Eh ma'am kasi---" pinutol nito agad ang anumang sasabihin ko

"Zea nalang. Tara na sa baba." nakangiting sabi nito

Kahit na alam ko ng siya si Zea, hindi ko pa rin mapigilan ang mabigla at matakot sa pagpapakilala nito. Hinintay ko ang oras na makita siya at makilala pero nakakatakot pala dahil pakiramdam ko matatapos na dito ang masasayang araw ko.

Wife For HireWhere stories live. Discover now