Chapter 12

59.9K 1.5K 75
                                    


Maraming nagbago mula nang dumating siya. Ganun pa rin naman si Jaxon at sweet pa rin naman tulad ng dati. Lagi rin itong busy sa ospital noong mga nakaraang araw kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa pagdalaw sa mga magulang ko.

Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon pero sino ba naman ako para magreklamo?

Napatingin ako sa cellphone ni Jaxon na tumunog. Nasa banyo ito kaya tinignan ko ang cellphone niya. Nagtataka kung sino ito dahil maaga pa.

Napalunok ako at nanghina nang makita ang pangalang nakatatak doon. Kahit na mukha itong mabait hindi ko pa rin maiwasang mangamba.

Zea calling.....

Lagi ba silang nagtatawagan at nag-uusap ni Zea? Ayokong isipin na may ginagawa silang hindi ko alam dahil ayokong pagdudahan si Jaxon at lalo na si Zea. Mabait siya at mukha hindi siya ganung klaseng babae.

"Sinong tumatawag?" tanong ni Jaxon na kakalabas lang sa banyo

Bihis na ito at handa ng umalis. Usapan namin na pupunta kami ngayon sa isang school kung saan niya ipapaenroll si Devon para makita ang buong lugar at makasigurado siya na maganda doon.

"Si Zea." tipid na sagot ko at nagtungo sa walk in closet para kumuha ng damit

Rinig ko dito sa kinaroroonan ko ang sinasabi nito pero hindi ko rining kung anong sinasabi ni Zea sa kabilang linya.

"Zea? Hey! Are you crying?.....What?! Are you okay? Si Mikaela? Ayos lang ba siya?....Ako na ang bahala kay Tita. Papunta na ako......" puno ng pag-aalala na sabi nito

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito. Akala ko ba may pupuntahan kami? Gusto kong tanungin kung anong pinag-usapan nila pero wala akong lakas ng loob na magtanong.

"Jaxon--" pinutol nito ang anumang sasabihin ko

"I'm sorry. Pwede bang sa ibang araw nalang tayo magpunta sa school? May importante akong aasikasuhin." mabilis na sabi nito at naghubad ng damit para magpalit ng simpleng t-shirt lang.

Tumango nalang ako sa kanya dahil wala akong lakas ng loob para humindi. Isang tawag lang ni Zea isasantabi na nito agad ang mga lakad namin.

Tumalikod ako sa kanya pero napasinghap ako nang yakapin ako nito mula sa likuran.

"I'll make it up to you. Sorry, Reina." masuyong sabi nito

Hindi na ako nakaimik nang lumayo ito sakin at lumabas ng kwarto namin. Napabuntong-hininga nalang ako. What now? Aabalahin ko nalang siguro sa ibang bagay ang sarili ko.

Naligo pa rin ako pero pambahay ang pinalit ko dahil wala naman akong pupuntahan. Bumaba ako at nadatnan ko si Devon na nakikipaghabulan nanaman sa isang katulong.

"Senyorito, wag ka pong tumakbo!" habol sa kanya ng isang katulong

Napailing nalang ito sa kakulitan ng bata. Hindi nanaman siya masaway ng mga katulong at maski ang ama nito minsan ay hindi pinakikinggan.

"Devon, pawis ka na." masuyong sabi ko rito

Tumigil naman ito sa kakatakbo at mabilis na nilapitan ako.

"Tita, hindi ka po kasama ni daddy?" takang tanong nito sakin

Tinago ko ang lungkot sa mukha ko at nginitan nalang ito.

"May inasikaso ang daddy mo, eh." sagot ko rito

Lumapit naman sa amin yung katulong na hinahabol kanina si Devon at inabot ang towel na pamunas. Pinunasan ko ang likod nito na basang-basa at binihisan gamit ang damit na bigay ng katulong.

Wife For HireWhere stories live. Discover now