Chapter 14

63.9K 1.5K 239
                                    

Pagkapasok ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Jaxon. Halata sa mukha nito ang pag-aaalala.

"Are you okay, honey? Anong ginawa ni mommy?" nag-aalalang tanong nito

Pinigil ko ang kilig na nararamdaman ko dahil sa endearment na ginamit nito. Kung hindi 'baby' ang tawag nito sakin minsan 'honey'.

"Ayos lang naman ako, Jaxon. Sinamahan ko lang si mommy." nakangiting sabi ko

Masayang masaya ako dahil sapat na sakin ang sinabi ni mommy kanina para masabi kong kahit papaano tanggap na ako nito.

Natawa ako nang kumunot ang noo ni Jaxon dahil sa pagtawag ko sa mommy niya ng mommy.

"Wait. Okay na ba kayo ni mommy?" gulat na tanong nito

Masayang tumango ako sa kanya at bigla itong ngumiti ng malapad. Hinila ako nito at mahigpit na niyakap kaya niyakap ko rin ito pabalik. Naghiwalay din kami nang marinig namin si Devon.

"Tita! Daddy!" sigaw nito

"Anak, stop yelling." saway ni Jaxon sa bata

"May pumasok po sa bahay na aso!" malakas na sabi nito

Aso? Wala naman akong napansin na aso kanina noong pumasok ako ah.

"Ang cute po! Tignan niyo!" excited na sabi nito at hinila kami papunta sa garden

Nasa garden din ang ilang katulong at nakatingin sa isang gray na Siberian Husky. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pamilyar na collar ng aso.

"Max?" gulat na sabi ko

Lumingon sakin ang aso na nakahiga sa damuhan at mabilis na tumayo. Siberian Husky don't usually bark at kadalasan, malalambing sila. Tumakbo ito patungo sakin at agad na hinimas ko ang ulo nito.

"Tita, you know this dog po?" tanong ni Devon sakin

"Yup pero hindi ko alam kung paano siya napunta dito." sagot ko habang hinihimas ang ulo niya

"Paano mo nakilala yung aso?" tanong naman ni Jaxon

"Aso siya ni Derek, yung dati naming pastry chef sa In Love Cafe."

Paano ba napunta ang asong ito dito?

"Sir, may lalaki po sa labas. Hinahanap po yung aso." sabi ng isang katulong na galing sa gate

Tumayo ako ng maayos dahil sa sinabi nitgo. Mukhang si Derek na iyon.

Humawak sa kamay ko si Devon nang magpupunta na sana ako sa gate at agad naman na sumunod si Jaxon. Yung aso naman nasa tabi ko at nakasunod.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang hindi pamilyar na kotse sa labas ng gate. Pagkabukas ko ng gate, agad na tumakbo papunta sa kanya ang aso niyang si Max. Nanlaki ang mata nito nang makita ako at si Devon na nakahawak sa kamay ko. Tumabi naman sakin si Jaxon at umakbay sakin.

"Reina, long time no see. Dito ka pala nakatira?" nakangiting sabi nito

"Mag-iisang buwan na rin akong nakatira dito. Dito ka rin nakatira?" nakangiting tanong ko rito

"Ha? Hindi. Pumasyal lang ako sa bahay ng tito ko. Dito ka pala nakatira." sabi nito at napasulyap kay Jaxon na nakaakbay pa rin sakin

"Di mo ba ako ipapakilala?" kunot-noong bulong sakin ni Jaxon

Isa din itong weirdo eh. Mana sa nanay niya.

Wala akong nagawa kundi ipakilala si Jaxon at isa pa, proud naman akong sabihin na asawa ko siya.

Wife For HireWhere stories live. Discover now