Chapter 24

72.9K 1.7K 224
                                    

Reina

Ang bilis ng araw at hindi ko namalayan na friday na pala. Pumasok ako ngayon dahil ilang araw na akong naghahalf day at ilang beses na rin akong hindi pumasok.

"Payday ngayon kaya maraming tao. Double time!" Utos samin ni Sir Kris

Mabilis ang naging kilos namin tulad ng sinabi niya. Marami talagang tao ngayon. Tinapos agad namin ni Caryl yung ginagawa namin.

By lunch time, tapos na kami sa ginagawa namin. Nagkayayaan kami ni Sasa na sa labas nalang kumain kasama si Sir Kris. Sumama siya samin na nakakapagtaka dahil di naman siya mahilig maglunch sa labas, kadalasan sa In Love Cafè lang siya naglalunch.

"Anong order mo?" tanong sakin ni Sir Kris

Nagpresinte siya na siya na daw ang mag-oorder at sabi niya ililibre niya kami. Aangal sana ako pero inunahan ako ni Sasa ta pumayag siya agad.

"Fried chicken lang sakin tsaka iced tea." sagot ko

"Ikaw Sasa?" tanong ulit nito

"Beef steak sakin tsaka pineapple juice." sagot naman ni Sasa

"Just wait for me, girls. Order lang ako." paalam nito

Pagkaalis nito agad akong kinulbit ni Sasa na katabi ko lang. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.

"Pansin ko lang, ha. May gusto sayo si Sir Kris." bulong nito sakin

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hinampas siya sa braso niya. Kung anu-ano talaga ang sinasabi niya.

"Ano ka ba? Nagmamagandang loob lang siya tsaka baka ikaw ang gusto nun." saway ko rito

Tinirik niya ang mata niya na parang naiinis na talaga.

"Obvious kaya na may gusto siya sa'yo. Nahahalata nga ng ibang katrabaho natin eh. Lagi kasing mabait sa'yo si Sir Kris." pagpupumilit pa rin nito

"Tumigil ka nga. Mabait lang talaga si Sir Kris." depensa ko sa kanya

Ayoko namang mag-assume kahit na minsan ganun talaga ang pakiramdam ko na iba ang trato niya sakin. Crush ko dati pero hindi na ngayon. Tsaka crush lang naman yun kaya nawala agad.

"Ewan ko sa'yo. Ang manhid mo." nakairap na sabi nito

Ilang sandali pa dumating na si Sir Kris na may dalang isang tray at nasa likuran niya ang isa pang crew na may dala ding tray. Nilapag niya sa harap namin ang pagkain at nagpasalamat kami dun sa crew.

"Thank you po sa lunch, Sir Kris." nahihiyang sabi ko

"Ayos lang yun. Malakas ka sakin eh." nakangiting sabi nito

Napaubo naman si Sasa at ako naman biglang nailang kaya pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain namin. Nagkwekwentuhan si Sir Kris at Sasa habang ako tahimik lang na kumakain dahil naiilang ako kay Sir Kris.

Ramdam ko rin ang mga titig nito kaya hindi ako makatingin sa kanya. Gusto kong sabihin na wag siyang tumitig ng ganun pero di ko naman alam kung paano ko sasabihin yun tsaka nakakahiya. Siya pa naman ang bumili ng kinakain namin ngayon.

"Reina?"

Sabay sabay kaming napalingon sa pamilyar na boses na iyon.

"Baby!" gulat na sabi ko at napatayo dahil nakakunot ang mukha nito na parang naiinis

Umaliwalas ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Kahapon pa niya ako kinukulit na tawagin din siyang baby kaso parang di naman yun sa kanya. Mas bagay nga pag hubby eh kaso nakakahiya na ganun ang itawag ko sa kanya.

Wife For HireWhere stories live. Discover now