Chapter 25

73.7K 1.6K 55
                                    

Ladycode's Note: The following scenes are not suitable for young audiences. Readers discretion is advised but if you are too eager to read the adult scenes, then I can't do anything about it. Be responsible and be open-minded.

Hindi po ako magaling magsulat ng bed scenes, so please bear with me. You can criticize my work but I will not tolerate rude comments. Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Nag-ipon muna ako ng lakas at idea para sa chapter na ito eh.

Pinalitan ko pala ang Laguna to Batangas kasi di ko alam bakit Laguna nilagay ko kahit alam kong walang beach don. I told my bestfriend about it who's originally from Laguna and she asked me, "Dati ka bang bobo?" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Hope you enjoy guys!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Reina

Tanaw ko ang malalakas na alon mula sa kinatatayuan ko. Ang ganda ng bahay na na binili ni Jaxon at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na sa amin ang bahay na ito. Ang pinakanagustuhan kong parte ng bahay ay itong master's bedroom.

Malawak ang kwarto at may malaking kama tapos may flatscreen TV na nakaharap sa kama na parang ganoon sa kwarto namin ni Jaxon sa bahay. May malawak din na veranda na nakaharap sa dagat at kasalukuyan akong nagpapahangin sa veranda.

May swimming pool na maliit sa likod bahay. Kumpleto na sa gamit ang bahay at sabi ni Jaxon bago daw lahat yung mga appliances at furnitures. Siguradong malaki ang nagastos niya sa mga ngayon pati na sa bahay. Pero sabi niya sakin pwede daw naming ayusin ulit ang bahay kung hindi ko nagustuhan yung pagkakalagay ng mga furnitures pero tumanggi ako dahil okay naman na ang pagkakaayos.

At nalaman ko na rin kung ano yung binili niya kanina na pink na may rosas. Namula ako nang makita ko kung ano yun. Feminine wash. Bumili din siya ng shampoo at conditioner na katulad noong sakin.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang maramdaman kong may yumakap sa bewang ko mula sa likuran.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?!" inis na tanong ko rito habang nakahawak sa dibdib ko

He chuckled. Pinagtatawanan ba niya ako?

"Wala ka namang sakit sa puso. Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo ako napansin kaagad. Check ko bukas ng umaga yung blood pressure mo. Masyado kang nerbyosa eh." natatawang sabi nito at hinalikan ang balikat ko

Umiinit ang pakiramdam ko sa ginagawa niya kaya lumayo ako sa kanya.

"Maliligo lang ako." mabilis na sabi ko at nagtungo sa banyo

Napasandal ako ako sa pinto ng maisara ko iyon at sinapo ang dibdib ko habang humihinga ng malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya umalis ako agad kanina. Ramdam ko na may mangayyari ngayong gabi at kung mayroon mang mangyari samin ni Jaxon, handa na ako. Mahal naman namin ang isa't-isa kaya kung may mangyari man sa aming dalawa, hindi ko iyon pagsisisihan lalo na't legal kaming mag-asawa.

Hinubad ko lahat ng damit ko at tinimpla ang init ng tubig sa shower. Nakakagaan sa pakiramdam ang mainit na tubig kaya mas gusto kong naliligo na mainit ang tubig.

Inaalala ko lahat ng nangyari mula nang makilala ko si Jaxon habang naglalandas ang mainit na tubig sa katawan ko. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap magkakaasawa ako at magmamahal ako. Sabi sakin ni nanay noon, masarap daw ang magmahal lalo na pag ang mahal mo, mahal ka rin. Ngayon ko napagtanto na tama si nanay.

Mother knows best, ika nga nila. Hindi sila perpekto at minsan minamasama natin ang mga sinasabi at ginagawa nila pero sa paglipas ng panahon, maiintindihan mo kung bakit nila nasabi at nagawa ang bagay na iyon. At mas maiintindihan mo iyon kapag naging isa kang ina.

Wife For HireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant