Chapter 28

73.5K 1.3K 39
                                    

A/N: Babala asawa ni Babalu. Ang ilan sa mga eksena ay hindi angkop sa mga bata kaya tulog na! Haha. Joke. Reader's discretion is advice. Kung ayaw mong mabasa ang SPG scenes, skip mo nalang. Thanks!

Reina

Nagising ako nang maramdaman ko na may humahalik sakin. Malakas kong tinapik yung mukha ng hinayupak ng kung sinumang umistorbo sa tulog ko.

"Baby..." malambing na tawag nito sakin habang patuloy na humahalik sa leeg ko

"Hmmm. Lumayo ka nga." inis na sabi ko at tinulak ang mukha niya habang nakapikit

Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong umangat ako mula sa kama. Nanlalaki ang mata kong tinignan si Jaxon na nakangisi sakin.

"Ano bang binabalak mo? Ibaba mo 'ko!" mahinang sigaw ko rito

"Wag kang maingay, baby. Baka magising yung anak natin." nakangising sabi nito

Nataranta ako nang makalabas na kami sa kwarto namin at tinungo niya ang isang guest room. Napansin kong nakasuot pa sa kanya yung damit niya noong pumunta siya ng hospital. Kakauwi lang ba niya?

"Sorry, baby. Just can'ymt get enough of you." mahinang sabi nito pagkahiga niya sakin sa kama

Agad na kinubabawan ako nito at akmang hahalikan pero tinukod ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya para hindi niya ako tuluyang mahalikan.

"Maaga pa tayo bukas kaya bumalik na tayo sa kwarto natin." saway ko sa kanya

"Isa lang. Promise." mapang-akit na sabi nito

Siniil na niya ako ng halik bago pa ako makapagsalita. Ano pa bang magagawa ko? Hinalikan ko naman siya pabalik dahil alam kong hindi niya ako titigilan at isa pa, tatanggi pa ba ako?

MAAGA akong nagising kinabukasan dahil may usapan kami nila Jaxon na magpupunta kami sa bahay nila nanay. Hindi ko pa pala nasabi kay Sasa ang tungkol sa binabalak naming kasal ni Jaxon.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakabalik sa kwarto namin dahil nakatulog na ako at mukhang binuhat niya lang ako pabalik sa kwarto. Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala na sa tabi ko si Jaxon at tanging si Devon nalang ang nandoon.

Bumaba nalang ako para makapagluto ng almusal namin. Nagulat ako nang makita ko sa kusina si Jaxon na naghahain ng pagkain. Ngumiti siya agad sakin nang makita niya ako.

"Good morning!" masiglang bati nito sakin

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya tsaka ako humalik sa pisngi niya.

"Good morning, too. Ang saya mo ah." nakangiting pang-aasar ko rito

"Excited na kasi ako na planuhin yung kasal natin." nakangiting sabi nito at hinapit ako sa bewang at siniil ng halik

Natawa nalang ako nang maghiwalay ang labi namin. Pati ako ay excited sa kasal namin. Wala namang kaso sakin kahit na simpleng kasal lang basta kay Jaxon ako maikasal. Humiwalay ako sa pagkakayapos niya at sinamahan ko siya sa paghahain ng pagkain.

"Gisingin mo na si Devon para makapag-almusal na tayo." nakangiting utos nito sakin

Sinunod ko naman agad ang sinabi niya at mabilis na nagtungo sa kwarto namin. Marahan akong naupo sa tabi ni Devon at hinaplos ang buhok niya tapos hinalikan ko siya sa noo bago ko siya marahang niyugog para gisingin.

"Devon, anak, gising na." panggigising ko rito

Anak. Ang sarap pala sa pakiramdam na may tinatawag kang anak.

Wife For HireWhere stories live. Discover now