Chapter 33

59.8K 1.3K 138
                                    

A/N: Mature scene ahead. Reader's discretion is advice. Mag-skip ka nalang kung ayaw mo. Pero kung open-minded ka, Hala! Sige, basahin mo! Hahaha.

Reina

Excited na akong bumili ng sampalok kaya ngiting-ngiti ako habang papalabas ng hospital. Pero agad na nawala ang ngiti ko nang makita ko ang isang babaeng hindi ko gustong makita sa tanang buhay ko, si Kelsey. Nasa labas siya ng hospital at nakikipag-away sa dalawang gwardiya.

"Ma'am, bawal ho kayo sa loob. Hindi kayo pwedeng pumasok." pagpipigil sa kanya ng gwardiya

"Bitiwan mo nga ako! At anong hindi pwede?! Nasa loob ang ate ko at ang brother in law ko!" pagpupumilit nito

"Naka-ban po kayo dito kaya hindi kayo pwedeng pumasok." sabi naman nung isang gwardiya

"Hindi! Hindi ako pwedeng i-ban dito! Asawa ako ni Jaxon! Asawa niya ako!" histerikal na sabi nito

Hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya? Ako kasi kinikilabutan na. Nababaliw na siya.

Tuluyan na akong lumabas at agad naman ako nitong nakita. Pinanlisikan niya ako ng mata nang makita niya ako at bumati naman ang dalawang gwardiya.

"Ikaw na babae ka! Malandi ka! Mang-aagaw! Hindi ka niya asawa dahil ako ang asawa niya! AKO AT HINDI IKAW! ILUSYUNADA!" sigaw nito sakin

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako ba o siya ang ilusyunada? Nababaliw na nga siya. Hindi na niya alam ang sinasabi niya at talagang dito pa niya ako inaaaway. Sa lupang pag-mamay-ari pa talaga ng asawa ko.

"Excuse me. You must be mistaken. Ikaw ang ilusyunada. I am his wife. May anak na nga kami eh. Ikaw? Sino ka ba? Isang hamak na ilusyunada ka lang naman sa buhay ng asawa ko at pilit na isinisiksik ang sarili niya. Kung gusto mong makipagsiksikan, sumakay kang jeep o pumunta ka sa divisoria. Siksikan dun." nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya

Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya pag nakikita ko siya. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya kay Devon! Ang sarap niyang ilagay sa kumukulong sampalok at ibitin patiwarik sa puno ng sampalok tapos ingudngod sa balat ng sampalok! Pero, wag nalang baka mag-iba ang lasa ng sampalok.

"Are you sure? Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Kilalang-kilala mo na ba ang lalaking sinasabi mong asawa mo? I bet wala kang alam sa sekreto niya! Niloloko ka lang niya dahil ako ang tunay niyang asawa! HINDI IKAW! NILOLOKO KA LANG NIYA!"

Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Hindi. Wag kang maniwala sa kanya, Reina. Wag. Pero paano kung may tinatago ngang sekreto ang asawa ko? O asawa ko nga ba? NO! Hindi ako dapat magduda sa kanya.

"Ano? Napaisip ka? Dahil niloloko ka lang niya! Hindi ka talaga niya asawa! Kaya galit na galit siya sakin dahil ayaw niyang malaman mo ang totoo! Kaya naka-ban ako sa hospital na ito dahil ayaw niyang mag-krus ang landas natin!" nang-uuyam na sabi nito

Hindi ko pinakita na apektado ako sa sinabi niya. Apektado ako sa sinabi niya pero ayokong magduda kay Jaxon. Hindi niya ako lolokohin. Hindi niya magagawa yun!

"Hindi niya ako magagawang lokohin dahil mahal niya ako. I am his wife and I will remain as his wife." matigas na sabi ko sa kanya

"Wife? Are you sure that you're married to him? Pathetic." mapanuyang sabi ni Kelsey bago siya tuluyang umalis sa harapan ko

Nanghihina akong napaupo ako sa may pavement dahil sa mga huling salitang binitiwan niya. I wasn't born yesterday para hindi maintindihan ang sinabi niya. I am sure as hell that we're married. Nakita ko mismo ang mga papeles na pinirmahan namin at ako ang nagtago ng marriage certificate namin. Ayokong intindihin ang mga pagdududa na nararamdaman ko dahil alam ko na walang katotohanan ang sinabi niya. Gusto niya lang sirain ang relasyon naming mag-asawa at kung sakali man na totoo ang sinabi niya, hindi ako mag-aatubili na hilain si Jaxon sa kahit saang simbahan o hukom para ikasal kami.

Wife For HireWhere stories live. Discover now