'Ano?'

Uminom ako ng iced coffee ko. Nakakuha ako ng ideya.

"Bumili ako ng iced coffee sa coffee shop. Kakauwi ko lang din kasi galing sa Photography Studio eh! Sensya na di kita nabilhan Kuya!"

Yan sige manlambing ka Zeila.

'Sige okay lang. Ingat ka pag-uwi mo. Andito ako sa inyo, hinihintay ka'

"Ah, o....kay? Si..ge Kuya. Ingat ka din dyan"

I ended the call and look at Kaydee.

"Andoon si Kuya sa bahay"

"Yaan mo sya. Di naman ako bababa ng kotse ko. Tinted din naman to tapos gabi na, okay na yon"

Pumasok na sya sa subdivision at tinuro ko sa kanya yung way.

"Dito na lang", sabi ko saka nagmadaling binuksan yung pintuan.

"Thank you for the ride Kaydee, I appreciate it", sabi ko saka sya nginitian.

"Welcome. Night"

Nginitian ko sya saka ko sinara yung pinto ng kotse nya. Nagpaandar na sya at saka ako napatingin sa terrace ng kwarto ko.

Nagulat pa ako nang makita ko si Kuya Rhon na nakatingin sa gawi ko sa baba at parang ang sama ng tingin nya habang nanonood sa akin.

Natakot ako bigla kasi naalala ko na si Kaydee nga pala kasama ko. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Hey Kuya"

Tinago ko yung pagiging tensyonado ko.

"Sinong naghatid sayo?"

"Ahmmm.... si Julienne Kuya! Oo tama si Julienne!"

Si Julienne, secretary ko yun sa Photography Studio ko.

"Julienne? Are you sure? You didn't even say na may kasabay ka ha"

"Kuya, di ka naman nagtanong eh"

"Kahit na. Kanina, bigla-bigla ka na lang nawawala sa university nila Kimminiel"

"Pumunta ka?", gulat kong tanong.

"Don't change the topic, Thalia. Sure ka bang si Julienne yon?"

"H-ha? You're doubting again!"

"I'm not. Kamukha kasi ng kotse ni Kalvin"

Napalunok ako.

"Ah, b-bagong kotse ni Julienne yon! Ako nga daw una nyang pinasakay doon eh!", sabi ko saka ako ngumiti.

"Baka nga parehas lang. Eh baket di mo muna pinapasok?"

"S-sino? Ah! Kasi ano... mage-edit pa daw sya ng pictures sa bahay nila! M-minamadali nya kasi on-time lagi yun eh"

Baket ba ang galing makahanap ng butas nitong Kuya ko?

"On-time? Si Julienne? Himala ata. Di ba dati laging late yon sa mga bagay-bagay?"

"Kuya! Nagbago na yung tao, baket ba ayaw mong maniwala sa akin ha?"

"Tinatanong lang kita, baket ang init ng ulo mo. Pasalamat ka at maayos ang mood ko ngayon kundi kanina pa kita sinesermunan dyan"

"Edi thank you! Nakakainis to!"

"Welcome, lil' sis", sabi nya saka yumakap.

"Baket ka good mood?"

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now