WYBM 10: Right Time

Start from the beginning
                                    

NAKARATING kami sa school at nakita agad kami ni Tatay.

"Pogi ng anakis ko", sabi nya at nakipag-fist bump kay Kuya Rhon.

"Pano naman ako?", panloloko ko.

"Pogi ka din, ayaw mo ba?", panloloko nya.

"Heh! Kapag ako naging lalaki matatalbugan ko pa kayong dalawa", sabi ko saka tumawa.

Naglakad kami papuntang quadrangle saka ako namangha kasi yung inayos namin kanina, may mga ilaw na. Sana pala sila na lang ang nag-ayos, pinahirapan pa kami.

Umalis muna si Sir Rico kasi daw mangeentertain muna sya.

"Kuya Rhon"

"Hmm?"

"May ka-date ka?"

"Yep, ikaw. Ayaw mo ba?"

Ngumuso ako sa gawi nila Kimminiel.

"Anong gagawin ko sa bestfriend mo?"

"Mag-move on ka na", sabi ko saka sya tinusok-tusok sa tagiliran.

"I love Jenice"

Tinulak ko sya bigla.

"Nakakainis ka naman eh! May rumored boyfriend na yung tao kaya tigilan mo na!", inis kong sabi sa kanya.

"Tch, alam mo wag mo akong pilitin okay? Nagmamadali ka masyado eh. Malay mo may tamang babae at tamang panahon para sa akin"

"Ang tamang babae ay si Kimminiel and this is the right time!", sabi ko saka nag-cross arm.

"Baket ba pinipilit mo ako kay Kimminiel?", sabi nya.

"Wala lang. Gusto lang kitang maka-move on na!", sabi ko saka pumadyak.

"Thalia, Hi Kuya Rhon"

Napaayos ako ng tayo ng biglang sumulpot si Kimminiel.

"Di ba andon ka lang kanina?", tanong ko sa kanya sabay turo sa gawi kung saan ko sya nakita.

"Oo nga. Pero lumapit ako sayo. Sa inyo ni Kuya Rhon", sabi nya saka ngumiti.

"Ah", biglang nabaling yung tingin ko kay Kuya Rhon. Ang sama ng tingin nya sa akin.

"I...wan ko muna kayo ha. May aayusin lang ako okay?", sabi ko at nagmadaling umalis. Nakita ko sa peripheral ko na umirap si Kuya Rhon sa akin.

Ngayon ko lang naalala, loner pala ako ngayon. Mamaya pa kasi ang dating ng mga kaibigan ko. Hay buhay!

Naglakad-lakad lang ako somewhere sa university habang di pa nagsisimula. Nayayamot kasi ako eh.

"Thania"

Napalunok ako. Napahinto ako saka ako humarap at di ako nagkamali, si Kaydee nga.

Natameme ako bigla dahil sa isang poging nasa harapan ko. Brush up ang brown na buhok, nakasuot ng three piece suit at di mo aakalaing barumbado.

"H-himala ata at ang ayos ng itsura mo", sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Tch. Sabihin mo napopogian ka lang sa akin", sabi nya saka ngumiti.

"Ang hangin mo tol", sabi ko saka ako naglakad palayo.

"You know, ang galing mong kumuha ng mga litrato ha. I just saw all of your captured pictures of me"

Napalingon agad ako sa kanya.

"What did you just say?"

"Ang galing mo. Well, I expect it kasi malaki ang tiwala sayo ni Lolo"

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now