Chapter 26: Summer Ends

Start from the beginning
                                    

Pagdating ko sa balong balong ay agad kong kunuha ang bag ko na tinabunan ko ng mga sako at lona.

Nakakainis lang kasi na nag-iingay pa yung mga manok dito dahil sa kaluskos na ginagawa ko. Nakita ko pa na bumukas yung ilaw ng kwarto nila tito. Yung bintana kasi nila ang nakaharap sa balong balong.

"Plase guys makisama naman kayo" mahinang paki-usap ko sa mga manok. Mabilis na akong gumawa ng paraan para maka-alis ng balong balong bago pa ako abutan ni tito. Nakita ko ang bike ko, gusto ko sana itong dalin kaso hindi ko naman ito pwedeng iwanan pagnagkataon.

Tumingin pa ulit ako sa bahay bago ako tuluyang lumabas ng bakuran.

"Sorry mom, dad, Inang. Pati na rin sa inyo tita"

Lakad takbo na ang ginagawa ko para lang makalayo sa bahay. Lumilingon lingon din ako sa paligid para icheck kung may nakakakita ba sakin. Tahimik na tahimik na ang mga bahay at tumatahol ang mga aso sa pagdaan ko. Paliko na ako sa kanto ng makaaninag ako ng liwanag. Narinig ko na rin ang boses ng mga tanod na nagpapatrol. Mabilis akong nagtago sa halamanan na nasa harapan ng bahay na kinakatayuan ko.

"Oo ba! Basta walang atrasan ha. Ikaw pa naman pag natatalo ka sa pustahan bigla ka na lang nawawala"

"Pare talaga, di makalimutan yon. Nung isang taon pa yun e" rinig ko ng pag-uusap nila. Pinadaan ko sila at hinintay na makalayo layo bago mabilis na tumakbo.

Kaya lang narinig ata nila ako.

"Pare ano yun?"

"tara tingnan natin"

---

Cecille's POV

"Cecille maupo ka nga dito. Nahihilo na ako sa kakalakad mo eh" hinila ako ni kevin at pinaupo sa gilid ng tulay. Pwede ka kasing maupos sa mga bato sa gilid nito.

"Sigurado ka bang naibigay mo kay Rae ang sulat?"

"Oo. Inabot ko sa kanya mismo. Dadating yun" sabi nya sakin. 15 miuntes na lang maghahating gabi na. mabuti na lang at hindi ako nahirapang tumakas sa bahay. Tulog na tulog silang lahat ng umalis ako. Si kevin naghihintay sya sa sunod na kanto malapit sa bahay namin. Dala nya ang motor nya. Hindi sya pumayag sa plano ko noon kung hindi nya raw ako ihahatid at sisiguraduhing makakasama ko si Rae. Mahaba habang diskusyon din ang ginawa namin. Pinilit pa nga nya akong wag ng ituloy ito pero hindi nya rin ako napigilan.

Ata alam kong naiintindihan nya ako dahil nakikita nya sa mga mata ko ang matinding kagustuhan ko na makasama lang si Rae.

"Eh bakit wala pa rin sya?"

"papunta nay un. Baka nahirapan lang makalabas" sabi ni Kevin sakin. Kahit hindi mapakali sinubukan kong umupo sa batuhan. Yakap yakap ko ang alampay na nakasabit sa balikat ko.

Lumipas pa ang ilang mga minute pero wala pa ring Rae na dumadating.

Rae nasan ka na ba?

Pupunta ka naman diba?

Hindi mo naman ako hahayaang maghintay lang dito diba?

Yan ang mga katanungan na paulit ulit na umiikot sa isip ko. Nagpapasalamat na lang ako at hindi ako iniiwan ni Kevin dito kung hindi baka kanina pa ko takot na tako.

Nakatayo sya at nag-aabang sa kalsada na pwedeng panggalingan ni Rae.

"Ces mag-aala-una na. mukang hindi na dadating si Rae" tumingin ako sa suot kong relo at nakita kong sampung minuto na lang ala-una na nga.

"Hindi Kevin, darating sya. alam kong darating sya. mahal ako ni Rae"

"Pano kung hindi? Kung dadating sya dapat kanina pa"

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now