Chapter 17

3.5K 128 25
                                    

Chapter 17

Cecille's POV

"hahaha ikaw kaya! Sus kunwari ka pa dyan. Gusto mo na pala ako. Baka nga ikaw pa unang nagkagusto sakin e!" nanunuksong sabi ni Rae sakin. Ganito na sya simula kanina, may kahambugan ng konti pero hindi nakaka-asar. Sa totoo lang kinikilig pa nga ako, hindi ko lang pinapahalata. Pinag-uusapan kasi namin yung kung sino ang unang nakakita samin. Ako ba o sya.

Ngayon pa lang kami naka-uwi dahil ang tagal bago tumila ng ulan. Kala nga naming aabutin pa kami ng umaga sa ilalim ng tulay.

Sa loob ng ilang taon kong pamumuhay dito sa probinsya naming masasabi kong masaya naman ako at wala na akong hinahanap pa. kasama ko sila tatay at kuya, at kahit na wala akong alaala kay nanay ramdam ko ang prosensya nya sa bawat kwento nila tatay at kuya. Pero nung dumating si Rae et nakilala ko sya para bang naging mas masaya, sobrang saya. Yung saya na nakakatakot na nga, nakakatakot na mawala na lang bigla dahil walang katulad.

Yung saya na alam mong hindi mo na mahahanap kahit saan o kanino man. Ganun ang sayang naidudulot sakin ni Rae.

"Hambog!" nakangiting sabi ko na lang sa kanya. pero siguro tama nga sya, baka nga ako pa ang naunang magkagusto sa kanya. masyado ko lang sinisiksik sa ulo ko non na di kami pwede.

Ilang oras pa lang kaming nagkakasama simula nung inamin ko kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at damang dama ko na ang pagmamahal nya. Yung simpleng pagpapaloob nya ng mas Malaki nyang kamay sa kamay ko para hindi ako lamigin. At yung mga titig nya na hindi ko kayang tagalan, dahil para bang nanunuot sa buong pagkatao ko. Na para bang ako lang ang nakikita nya.

Si Rae, playful sya. Madalas para syang bata pero malambing sya at maalaga. Pinaparamdam nya sakin na safe ako. Bagay na hindi ko naramdaman sa kahit kanino man, bukod syempre kay Tatay at Kuya.

Yung kahit na malakas ang kulog at kidlat hindi ako natatakot.

Kung hindi ko pa rin sinabi sa kanya ang nararamdaman ko, wala ni isa sa mga yon ang mararanasan ko.

"Rae, salamat" naglalakad kami habang akay-akay nya ang bike nya. Nung makapasok kami sa purok namin inaya nya akong maglakad para daw mas matagal pa kaming magkasama. Pumayag naman ako dahil yun din naman ang gusto ko, masaya kaming naglalakad na hindi alintana na basa an gaming mga damit.

"Ha? Para san?"

"Sa pagmamahal na pinaparamdam ko sakin. Nararamdaman ko na totoo yung pinapakita mo" huminto sya sa paglalakad.

"Ako nga ang dapat magpasalamat Ces, kasi binigyan mo ko ng chance. Alam ko nasabi ko na to sayo, pero Cecille hinding hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ito. At kakailanganin mong maghanda dahil kung gusto mo magpasalamat, siguro araw-araw mo akong pasasalamatan dahil araw araw kitang mamahalin, ay hindi oras-oras! Minu-minuto! Sigu-sigundo kitang mamahalin Ces" sabi nya tapos tinaas nya yung dalawang kamay nya sa ere. Nabuwal tuloy yung bisekleta nya kaya naman tinawanan ko sya.

"nako nagasgasan na tuloy ang baby ko!" sabi nya habang tinatayo ulit yung bike nya.

Salamat panginoon, alam kong ikaw ang nagbigay sakin kay Rae.

"Insan, buti naman nakita ko na kayo" napalingon kaming dalawa kay Erica. Balisa ang itsura nya at parang alalang alala sya.

"Oh insan. Bakit sinundo mo pa kami? Pauwi na kami, ihahatid ko na rin si Ces. Dun na kami didiretso sa kanila." malapit na rin naman kasi kami sa bahay nila. Kita na nga ito sa kinakatayuan namin.

"Hindi na kailangan Insan. Tara na bilisan nyo na." sabi lang ni Erica tapos nagtinginan sila ni Rae ng matagal tagal na para bang nagkaintindihan na sila. Lumakad na sila kaya naman sumunod na rina ko. humawak ako sa braso ni Rae at nagtanong.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon