Chapter 11

3.2K 129 14
                                    

Chapter 11


Rae's POV

"O Rae, san punta mo?" tanong sakin ni Tita nung makita nya akong papalabas ng bahay.

"isosoli ko lang po itong mangkok at plato nila Ces" sabi ko.

"Ah ganun ba. Sige. Pakisabi salamat sa pagpapadala ng ulam ha"

"Sige po tita. Sasabihin ko na lang"

nagpunta na ako kila Ces. At gaya nung nakaraang araw, sisilip silip pa rin ako sa kanila.

Tahimik lang sa bahay nila. Wala akong naririnig na kahit anong ingay. Parang walang tao.

"oh Rae anong ginagawa mo dyan?"

"Ay palaka!" napasigaw ako sa gulat ko. ano ba yan parang nagiging nerbyosa na ata ako.

"Oh naghahanap ka na naman ng palaka?" tanong sakin ni Ces.

"Hindi. Eto isosoli ko lang to" pinakita ko sa kanya yung mangkok at platong dala ko.

"Ah ganun ba" inabot ko sa kanya yung dala ko.

"nadyan ba tatay mo?" tanong ko

"wala nasa tumana" sagot nya.

"Eh yung kuya mo?"

"Wala din, kasama ni Tatay sa tumana" napatango tango ako. Yes! Chance ko na to.

"Ah" tanging nasagot ko lang.

"Bakit may kailangan ka ba sa kanila?"

"Ha wala. Wala naman. Pwede bang dito muna ako?"

"Oo naman. Kaya lang, mag-eensayo kasi akong kumanta"

"De mas maganda. Maririnig kitang kumanta" excited na sabi ko. ayos to. Solong solo ko panunuood kay Cecille habang kumakanta sya.

"Sige tara. Nasan pala si Ikang? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Maagang umalis yun e." ewan dun kung san pupunta. Madaling madali.

"Ah, si Kathy nga rin wala e, sa kanila kasi ako galing. Kukunin ko sana yung song book ko sa kanya kaso wala pala sya. Di naman alam nila Ate Tere kung nasaan" okay din yun. Kasi kugn nandito si Kathy baka di naman ako makadiskarte haha.

Umupo muna ako sa sala tapos si Cecille nagpunta na sa kusina para ilagay yung mga dala ko don. Sa paglilibot ng mata ko sa kabuuan ng sala nila, nahagip ng mata ko yung piano. Kung hindi ako nagkakamali isa itong upright piano. Luma na ito, sa tingin ko antique na nga ito. Tumayo ako at lumapit dito. Hinawakan ko ang keyboard cover. Touching it feels so nostalgic.

Back when we where kids, we were forced to learned how to play piano plus atleast one instrument. As far as I can remember, we all passed through that stage were we played on a recital. At sa aming magkakapatid hindi man halata, si Dee yung pinakamagaling tumugtog ng piano samin. I'm never compliant in learning it. In fact, I hate it. It was something I would never mention unless you would ask me. Di ako proud na marunong ako magpiano. It wasn't a talent for me, it was more of a skill that I have to possessed. Mom would always bring us to business gathering to play. Tuwang tuwa ang mga tao samin. Lalo na kapag sabay kaming tumutugtug ni Dee. At some point we were called golden twin. Akala ng marami magtutuloy ang career namin as a pianist. Pero wala ni isa samin ang ginustong maging ganun. Which I'm glad that mom didn't try to push to us.

Meron pa ngang time na parang gusto ko ng wasakin yung piano sa bahay. But one day, when I was crying over a play my parent's didn't go to watch in high school, I discovered that the sound of piano keys matches the sadness I have inside. From then on, lahat ata ng tinutugtog ko at lahat ng natututunan ko itugtog ay malulungkot na piece.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon