Chapter 2

5.1K 152 15
                                    

Chapter 2


Rae's POV



Halos talunin na ni Raf yung pagbaba nya sa bike nya para lang hindi ko sya maabutan. Pinabayaan na nyang nakabuwal yung bike nya saka tumakbo papasok sa bahay nila tita Annie.

"Kayo talagang mga bata kayo ang gugulo nyo!" natatawang sabi na lang samin ni Manong Lan. Guard nila tita Annie.

"Hi Manong!" bati namin pareho ni Raf habang naghahabulan pa kami papasok ng bahay.

Nung naabutan ko si Raf agad ko syang pinagbabatukan. Tawa lang ng tawa ang loko. Ganito naman kami lagi e. lambingan na ata namin yung sakitan.

"Oh bakit ang aga naman ata ng mga Pumpkins ko?"

"Hi Tita Annie!" sabay naming bati. Tumigil na rin kami sa pagkakaladyaan. Galing ata syang kusina kasi may suot pa syang apron.

"Bakit ang aga nyo pong nagluluto?" tanong ko.

"may sinalihan kasi si Patty na Math camp. Ipinaghahanda ko sya ng breakfast. Anong gusto nyo?"

"Choco pancake!" sabay pa naming sagot. Titas pancake is the best.

"Plus Milkshake tita ha" hirit pa ni Raf.

"Coming up!" nakangiting sagot naman ni Tita.

"tita aakyatin na po namin si Pat ha" paalam namin.

"Grabe talaga tong si Pat, bakasyon na nga aral pa rin. Sakit sa ulo" reklamo ni Raf.

Dahil lumaki kami ng magkakasama wala ng katok katok. Diretso na lang kaming pumapasok sa kwarto ng isat isa. Nag-uusap pa kami ni raf kaya naman hindi nakatingin sa loob ng kwarto pagkabukas namin nito.

Lilingon na sana ako pero unan ang sumalubang sa muka ko. Tuloy napaatras ako at natumba kay Raf na nasa likod ko.

"Urg!" rinig kong daing ni Raff.

"Aaah! Get out! You two get out!"

tatanggalin ko na sana yung unan pero sumigaw na naman si Pat.

"Don't you dare take that away!"

"O' right O' right lalabas na. Raf move your ass" sabi ko kay raf. Hindi kasi sya gumagalaw.

"Aaah sinabi ng umalis kayo eh!" sigaw ulit ni Pat kaya napatakbo na kami ata agad agad sinara yung pintuan. Pareho pa kaming pabagsak na umupo sa last step ng hagdaan.

"What's her problem?" tanong sakin ni Raf.

"Ewan. Buti ka nga di ka tinamaan ng unan eh. Sakit kaya" sabi ko. Ang lakas kasi ng pagkabato ni Pat. Palibhasa laki ng braso. Hinihimas himas ko pa yung ilong ko.napango na ata.

"Eh buti nga ikaw unan lang. Dinaganan mo kaya ako" Oo nga pala sa kanya ako bumagsak. Sabay pa kaming napabuntung hininga.

"Hay tara na nga. Hintayin na lang natin sya sa kitchen" aya ko dito.

"Oh bakit may dala kang unan?" tanong sakin ni Tita pag pasok namin ng kitchen.

Dun ko lang narealize na hawak ko pa pala yung unan na binato sakin ni Pat. Binaba ko na lang yun sa isa sa mga upuan sa kitchen, bahala na yung maid nila magbalik nun saka pumwesto sa breakfast bar. Si Raf nauna na at umiinom ng milkshake nya.

"Grabe tita. The best talaga tong Milkshake mo!" sabi ni Raf. Agree naman ako sa kanya. Actually di kami umiinom ng Milkshake sa labas kasi wala ng nakakasatisfy sa panlasa namin. Oo masarap yung sa iba pero yung kick na hinahanap namin sa Milkshake lang ni Tita namin natatagpuan. Ang aga pa para sa malamig na milkshake pero who cares kung milkshake naman ni Tita.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon