Chapter 12

3.3K 140 25
                                    

Chapter 12

Cecille's POV

"Ces may tanong ako sayo?"

"Ano yun?" sagot ko kay Kathy. Nandito kami ngayon sa simbahan para magpractice sa choir. At gaya ng mga nakaraang practice namin, eto kasama namin ulit sila Rae at Erica. Hinahatid at sinusundo nila kami tapos naglilibot na rin kami. Para naman daw maipakita namin ang ganda ng lugar namin kay Rae. Wala namang kaso sakin yun, basta nagpapa-alam ako kila tatay. Pinapayagan naman nila ako agad pag nalaman ni tatay na si Erica ang kasama ko at si Rae. Apo naman daw kasi ni Nana Luisa kaya alam nilang ayos lang ako sumama. Yun nga lang si Kuya medyo nang-aasar pa lagi dahil pahirapan pa ako magpaalam sa kanya. Ewan ko ba dun kay Kuya, parang medyo ilag sya kay Rae.

Halos araw araw nagkikita at nakakasama ko si Rae. Nasanay na nga rin siguro ako na nandyan sya palagi sa tabi ko.

"Anong tingin mo kay Rae?" napakunot yung noo ko.

"Anong tingin ko sa kanya? Hindi ko maintindihan"

"tingnan mo sya." tumingin naman ako sa gawi ni Rae at Erica. Busy yung dalawa sa pagkukwentuhan pero napalingon sila gawi namin tapos kumaway si Rae sakin. Ngumiti ako bilang ganti.

Isang buwan na rin pala ang matuling lumipas ng dumating si Rae dito sa bayan naming para magbakasyon. Palagi syang dumadalaw sa bahay at palaging sumasama sa ensayo namin kaya parang nasanay na rin ako na palagi syang nandyan. Hinahanap ko nga sya agad pag hindi ko sya nakikita.

Saka palagi nya akong inaangkas sa bisekleta nya. At ang nakakauwa pa dun magkasundong magkasundo sila ni Tatay. Minsan din sinasabayan nya tumugtog si Tatay.

Sa pagdalaw-dalaw nya sa bahay mas nakikilala ko pa sya. Unti unti nyang binubuksan ang buhay nya sakin. Ang lungkot naman pala at ang hirap ng pinagdaanan nya. Kaya nga pag nakikita ko na ngumingiti sya at masaya sya parang sumasaya na rin ako.

"maganda syang pumorma no?" tumango tango ako.

"Oo"

"nadadala nya kahit simpleng t-shirt lang diba?" tumango ulit ako.

"Maganda sya diba?"

"Oo naman" sagot ko.

"napansin mo naman na maraming nagkaka-crush sa kanya dito satin diba?"

"Oo nga" sagot ko. Napansin ko nga rin yun. Pati nga rin yung mga kaklase namin at kasama sa choir nagtatanong ng tungkol sa kanya e.

"Napansin mo rin ba na pati babae napapatingin sa kanya dahil sa paghanga?" napatingin ako sa kanya.

"Oo naman. Kahit ako naman humahanga kay Rae e. ang bait kaya nya at nakakatuwang kasama. Tapos hindi sya matapobre kahit mayaman sila" sagot ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang binuksan ni Kathy yung ganitong topic.

"hindi yun ang ibig kong sabihin" umiiling na sabi nya.

"Eh ano?"

"Yung paghanga dahil gusto sya. Yung gustong maging girlfriend ganun" sagot sakin ni Erica. Binaba ko yung hawak kong song lyrics sa stand saka hinarap si Kathy.

"anong sinasabi mo kathy? Imposible yun. Simpleng paghanga lang yun. Wag mong bigyan ng malisya. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Nasa simbahan pa man din tayo" naiinis na sabi ko sa kanya. Bigla bigla na lang kasi nagsasabi ng kung ano-ano. Kala ko namana kung gano kaimportante yung sasabihin nya.

Tatalikuran ko na sana sya para makipag-usap na lang sa ibang kasamahan namin nung magsalita ulit sya.

"Ces di mo ba napapansin kung pano ka nya itrato? Special sa kahit na sino pang naging kaibigan nya dito satin"

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon