Chapter 26: Summer Ends

3.9K 153 82
                                    

** Hi guys! I know, marami sa inyo ang nag-iisip na "bakit ang bilis naman matapos ng Meeting Cecille?". that is because, tapos na ang summer. kung tiningnan nyo ng mabuti ang cover ng story na to, pati na rin sa description makikita nyo na itong kwento na ito ay tungkol sa isang summer love. summer ends? story ends too. Anyways, ito na ang last chapter ng Meeting Cecill. Enjoy!

Please play the vid on the top pag nasa 3/4 na kayo ng story :)

Shout out to @Baby0213Mosh for letting me know 1D's summer love.


Chapter 26: Summer Ends


Rae's POV


Alas onse na ng gabi pero gising pa rin ang mga tao dito sa bahay. Masyado ata nilang namiss ang isat isa. Sabagay ilang dekada rin ang nakalipas bago naka-uwi sila mom dito sa San Joaquin.

Di na ako mapakali sa kwarto. Kanina pa ako nagpapaikot ikot at hindi ko alam kung ano anong pwesto na ang nagawa ko sa kama at sa upuan sa loob ng kwarto.

Pasilip silip rin ako sa labas. Sila mommy, daddy, tita at tito na lang ang natitira sa labas. Si Iang nauna ng natulog kanina. Si Ate Daph at Dee tulog na rin sa guest room.

Sya nga pala nandito ako sa kwarto ni Erica. Dito raw muna ako matutulog. Sila mom at dad kasi ang matutulog sa kwarto na tinutulugan ko dati. Nung sinabi nila yun agad kong tinapon sa labas ng bintana yung bag na hinanda ko at lumabas ako para itago yun. Ginawa ko yun nung nagcr ako sa baba. Tinago ko yung bag ko sab along balong.

"itutuloy mo pa rin talaga to insan?" tanong sakin ni Erica. Kasama ko syang hindi mapakali. Akala nya kasi hindi ako seryoso nung sinabi ko na luluhod ako para lang wag nyang sabihin. Nung ginawa ko naniwala na sya.

"Oo insan. Akala ko ba napag-usapan na natin to?" sumilip ako sa pinto at nakita kong binubuhat na nila mommy at tita ang mga pinag-inuman nila ng kape.

Ayos! Mukang matutulog na sila.

"Pero kinakabahan talaga ko. Pag-isipan mo muna kaya ulit. Wag nyo na lang ituloy insan"

"Insan hindi. Hindi ko na to kailangang pag-isipan pa" sinara ko yung pinto.

"baka ano – baka may iba pang paraan" sabi nya habang kinakagat ang mga kuko nya.

"Kung meron insan sa tingin mo gagawin namin to? Nagpabugbog na nga akot lahat ayaw pa rin nila. Tapos ngayon may dumating pang bago na maglalayo kay Cecille sakin" sabi ko sa kanya.

"Eh subukan mo kaya ulit kausapin. Sasamahan kita."

"Insan wag na. ikaw rin nasa ganito ka ring sitwasyon. Yung sayo na lang ang intindihin mo. Basta ang hinihiling ko lang sayo, wag mo kaming ilalaglag" nanghihina syang napaupo ulit sa kama nya. Alam na siguro nya na wala na syang magagawa para pigilan ako.

"sasamahan na lang kita? Ihahatid kita. Malayo layo rin ang tulay dito e. gabi pa naman. Saka baka mahuli ka ng mga tanod na nagpapatrol"

"wag na. kailangang nandito ka. Ikaw ang cover ko. Hindi pwedeng pareho tayong mawawala. Magtataka sila"

"hay nako insan. Magkakasakit ata ako sa puso sayo! Di mo ba alam na kanina pa ang bilis ng tibok ng puso ko. Di tuloy ako masyadong nakakain. Minsan lang sana magluto si Inang e!"

By that statement, I know that she alwaready gave up on making me give up.

"salamat Insan. Hinding hindi ko to makakalimutan"

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon