Chapter 7

4.4K 152 17
                                    

Chapter 7


Rae's POV


"Grabe insan ngiting aso ha?" salubong sakin ni Erica nung pabalik na ako sa pwesto namin kanina.

"Pinag-sasasabi mo dyan?" sabi ko sa kanya pero gusto kong matawa sa sarili ko kasi kahit anong pigil kong ngumiti hindi ko mapigilan. Para bang may sariling isip yung labi ko na ayaw magpa-awat ngumiti.

"Nakakaloko kasi yung ngiti mo e. naka-isa kaba kay Ces?" tanong pa nya pagka-upo ko sa upuan.

"Di ah. Grabe to. Ginawa mo pa kong ninja!" todo ngiti pa ring sabi ko habang nakatingin sa choir stand kung saan muli ng nagpractice sila Cecille.

"Ninja?" takang tanong nya

"mabilis. Ganun!"

"sus. Dami mong alam!" tinawanan ko lang sya. Why am I smiling like an idiot now? Simply because this happened a while ago.

"Ah Cecille may tanong sana ko?"

"Ano yun?"

"Hmm si Kevin, boyfriend mo ba sya?"

"ha? Hindi ah! Kaibigan ko lang yun. Wala akong boyfriend. Wala sa isip ko ang mga ganyang bagay"

Kaya naman eto, hindi maawat ang labi ko sa pag-ngiti. WALANG BOYFRIEND SI CECILLE! Isang malaking YES sa buong universe!

Gusto ko nga sanang mapasigaw kanina nung sinabi nya yun, talagang nagpipigil lang ako kasi ayaw kong magmukang timang sa harap nya.

"Ano nga kasi yun insan?" pangungulit pa nya sakin.

"gusto mo talagang malaman?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya sakin bilang sagot.

"halika, lumapit ka" I told her while gesturing with my finger for her to come closer.

Lumapit naman sya at saka nilapit ang tenga sakin.

"Secret" bulong ko saka tumawa ng malakas. Napahinto lang ako nung huminto rin sila Cecille sa pagkanta at tiningnan ako.

"Oops. Sorry. Please continue" sabi ko na lang. nalakalimutan kong nasa simbahan ako. Pasensya na, sobrang saya ko lang talaga.

Si Erica naman nakatingin ng masama sakin.

Natapos na rin ang ensayo nila Cecille. Nag-aabang na kami ni Erica para sa pagpunta namin sa plaza.

"Let's go?" sabi ko sa kanya nung makalapit sya.

"Uy san punta nyo?" tanong ni Kathy na kasunod pala ni Cecille.

"Pupunta kaming plaza, ililibot namin si Ate Rae" sagot naman ni Elisa.

"Sama naman ako" excited na pagkakasabi ni Kathy.

"Di pwede" mabilis ding sagot ni Erica.

"tse! Hindi ako sayo nagpapa-alam!" irap dito ni Kathy.

"Owner kaya namin sasakyan kaya di ka pwede" pang-aasar pa ni Erica dito.

"Ces, tingnan mo nga si Ikang" sumbong nit okay Cecille tapos kumapit pa ito sa braso nito.

"Erica sabi e!" pagtutul agad ni Erica nung marinig ang palayaw nya.

"Sige na Ikang, isama na natin si Kathy, mas marami mas masaya diba?" ang bait talaga ni Cecille.

"Oo naman Ces, isasama natin si Kathy" sagot ko kahit hindi ako yung tinatanong.

"Insan!" saway naman sakin ni Erica.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon