Chapter 22

3.1K 147 18
                                    

Chapter 22


Rae's POV


"urg.." napahawak ako sa balikat ko ng magising ako sa biglang pagkirot nito.

"Insan?"

Dinilat ko yung mata ko pero Malabo pa yung paningin ko. Kinurap kurap ko ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko.

"Insan? Insan okay ka ba? Sandal tatawag lang ako ng nurse" rinig kong sabi ng isang boses. Alam kong si Erica yun.

Ilang beses ko pang kinurap kurap ang mga mata ko bago tuluyang luminaw ang mga paningin ko. Bumungad sakin ang puting puting kisame pero halatang may kalumaan na. inikot ko ang paningin ko at dun ko narealized na nasa ospital pa ako. At parang tubig sa talon na rumagasa sa alala ko pabalik ang mga nangyari kagabi.

Bago pa ako tuluyang magbalik tanaw ay narinig ko na ang mga nagmamadaling yabag papunta sa hinihigaan ko.

"Kamusta ka na iha?" may tumapat na ilaw sa mga mata ko at sunod sunod ang nagging tanung sakin ng doctor.

"Masakit ba ang ulo mo?" umiling ako.

"Nahihilo ka?" umiling ulit ako.

"mabigat baa ng pakiramdam ng ulo mo?"

"Hindi po Doc." Sagot ko.

"Mabuti naman. Magandang sign yan. Mukang wala naming internal damage. Yung balikat mo alam kong sasakit yan. It's normal."

"salamat po Doc." Sabi ko sa doctor.

"O sige. Kung ano man, puntahan mo lang ako sa lamesa ko iha" sabi ng doctor kay Erica tapos umalis na ito.

"Ano insan okay ka ba? Anong gusto mo?" pinilit kong bumangon at naramdaman ko na naman ang nanunuot na kirot sa balikat ko.

"Insan, si Cecille? Nasan sya?" tanung ko kay Erica. When I first opened my eyes, sya agad ang hinahanap ko. Pero wala sya sa kahit saang sulok ng kwartong ito.

May masama kayang nangyari sa kanya? Wala naman sana.

"n-nasa bahay nila. Wag kang mag-alala insan. O-okay n-naman sya" sabi nya habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"bakit wala sya dito?" tanong ko. Tinulungan akong tumayo ni Erica tapos inabot nya sakin ang baso.

"Inaayos pa rin nila yung gulo ng kuya nya." Sabi nya. Inubos ko ang laman ng baso at binigay ulit sa kanya.

"Nasan si Kuya Alvin?" nakulong kaya sya.

"Nasa barangay. Dun sya dinala. Nakadetain sya dun ngayon. Hinihintay yung hakbang na gagawin ng pamilya natin"

"Sabihin mo kay tita, palayain na si Kuya Alvin. Ayokong magkaroon pa sya lalo ng dahilan para hindi ako magustuhan" I bit my lip when I felt the stinging pain again.

"teka lang naman Insan, alam ko may hindi pa tayo napag-uusapan. Pero makiki-alam na ko sayo bilang pinsan kita. Hindi naman ata tama na palagpasin na lang natin ng ganyan yung nangyari sayo. Aba tingnan mo nga yang labi mo! Putok! Tapos may black eye ka pa. grabeng ginawa sayo ni Kuya Binong. Hindi man lang nya naisip na babae ka pa rin naman" mahabang litany sya sakin. Halos kapusin na sya ng hininga sa haba ng sinabi nya.

"Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako ganito. I provoked him"

"ano? Bakit ano bang ginawa mo?"

Dun sakin bumalik yung nangyari nung gabing iyon.

"Pangako?" tanung sakin ni Cecille. Tumango ako.

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now