Chapter 21

3.2K 141 35
                                    

Chapter 21



Cecille's POV

"Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa walang kibo?" tanong ko kay Rae. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko. Nakaunan ako sa braso nya at nakayakap sa kanya. Sya naman ay unan unan ang kanyang isang kamay. Kanina pa sya nandito sa bahay pero pag kinakausap ko naman sya, kung hindi tipid ang sagot nya parang wala naman sa sarili nya ang mga sinasagot nya sakin.

Naiinip na ako. Di ko na matiis na hindi sya nagsasalita. Madaldal si Rae kaya talagang nakakapanibago.

"Nagkasagutan kami ni Erica kagabi" mahinang sabi nya pero sapat lang para marinig ko. Napaupo ako sa sinabi nya.

"ha? Bakit? Anong nangyari" tumingin sya sakin. Kita ko sa mga mata nya ang halo-halong emosyon. Pagkalito. Inis. Pag-aalala.

Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. Nag-aalala rin ako dahil magkasundong magkasundo naman sila ng pinsan nya e.

"Sabihin mo sakin. Makakagaan kung magsasabi ka."

Mukang nag-iisip pa sya kung sasabihin nya sakin. Pumikit sya at tumingin sakin.

"Nakita ko sila ni Kathy.." pabiting nyang sabi.

"Na?" kinakabahang tanong ko. Dapat hindi naman e. kaya lang nararamadaman ko na para bang mabigat ang kung ano mang sasabihin nya.

"Naghahalikan." Natameme ako. Nakabuka lang ang bibig ko pero wala akong masabi.

"Kahapon bago dinala si Kathy sa Ospital. Nakita ko sila" di ako makapaniwala sa sinabi nya.

Nagpapatawa ba sya? Nagbibiro?

Hinihintay ko sana na sabihin nyang oo, nagbibiro lang sya pero nanatilign pareho ang ekspresyon nya.

"Hindi.." mahinang sabi ko. Halos hangin na lang ata ang lumabas sa bibig ko.

"Cecille, oo. Oo, sila ni Erica" umiiling ako.

"Hindi, k-kasi kung totoo yan. Sakin nya unang sasabihin" oo tama. Ganun nga yun. Kung totoo yun sakin unang sasabihin ni Kathy yun. Akong bestfriend nya e.

"Sabihin mo nga? Bakit nandun si Erica ng ganung oras? Diba mahilig silang mag-asaran? So bakit sya pupuntahan dun ni Erica ng hindi tayo kasama? Yun ay dahil palagi nilang ginagawa yon. Giangawa din nila ang ginagawa natin ngayon. Nagnanakaw ng sandal para makasama ang isa't isa" Tuluyan na lang akong napatahimik.

Bakit ganun? Bakit hindi sinabi sakin ni Kathy? Ako ang best friend nya. Dapat sa lahat ng tao ako ang una nyang pagsasabihan. Bakit kailangang sa iba ko pa malaman?

Hindi ko naman sya huhusgahan eh.

Tatanggapin ko sya ng buong buo.

Talaga ba? Nakalimutan mon a ata ang sinabi mo sa kanya sa simbahan nung tinanung ka nya tungkol kay Rae

Narinig kong bulong ng isang boses sa utak ko. Biglang bumalik sakin yung eksenang iyon.

"Anong tingin mo kay Rae?" napakunot yung noo ko.

"Anong tingin ko sa kanya? Hindi ko maintindihan"

"tingnan mo sya." tumingin naman ako sa gawi ni Rae at Erica. Busy yung dalawa sa pagkukwentuhan pero napalingon sila gawi namin tapos kumaway si Rae sakin. Ngumiti ako bilang ganti.

"maganda syang pumorma no?" tumango tango ako.

"Oo"

"nadadala nya kahit simpleng t-shirt lang diba?" tumango ulit ako.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon