Chapter 10

3.6K 124 22
                                    

Chapter 10



Rae's POV

"Ano ba insan kanina ka pa tulak ng tulak ah" reklamo ko sa pinsan kong si Erica. Muntik na kasi ako masubsob sa kanal. Buti na lang at walang tubig.

"Eh panong hindi kita itutulak kanina pa tayo dito. Napapatingin na satin yung mga dumadaan" nanadito kasi kami sa harapan ng bahay nila Cecille. Actually kung ako din yung pinsan ko magrereklamo na rin ako, bukod nga kasi sa sinabi nyang pinagtitinginan na kami, ang init pa. mag-aalas onse na ng tanghali.

"Eh nahihiya nga kasi ako. Anong sasabihin ko?" lumingon ako sa kanya. Nasa likuran ko kasi sya at nakasilip lang kami dito sa mga tanim na santan sa harapan nila Cecille.

"Anong ano sasabihin mo? De sabihin mong dadalaw lang" parang nakapasimpleng bagay na sagot ni Erica sakin. Di nya alam, parang sinisilihan na yung pwet ko. Hello! Ito kaya unang beses na pupunta ako sa bahay ng taong gusto ko.

"eh pano kung sabihin nyang bakit ko sya dadalawin?" tanong ko pa.

"Hay nako bahala ka dyan. Kugn gusto mo maghapon ka na lang sumuot dyan sa mga santan nila Ces. Basta ako papasok na" sinubukan ko pa syang hilahin pero mabilis na syang nakapasok sa gate nila Cecille.

"Ces!" sigaw nya. Hay ano ba to. Kung nandito si Raff pagtatawanan ako nun.

"Ces! Nandyan ka ba?" nakita kong lumabas si Ces galing sa bahay nila. Ang ganda nya talaga. Hindi sya magarbong manumit. Kung tutuusin ang simple simple lang nya pero yun ang nagustuhan ko sa kanya.

Nakasuot sya ng pinutol na jogging pants hanggang tuhod at simpleng puting t-shirt.

"O Ikang bakit?"

"Painom naman ng tubing. Init na init na ko. kanina pa kami nakabilad dito sa init" gustong gusto kong batukan yung pinsan ko sa mga naririnig kong sinasabi nya.

"Eh bakit ka naman nakabiliad. Ano bang ginagawa mo?"

"kasi ano –" dun na ako lumabas. Langya medyo nawala pa yung poise ko kasi sumabit yung paa ko sa may kahoy na nakahambalang sa tinataguan ko.

Medyo agaw atensyon tuloy yung paglabas ko.

"O Rae nandyan ka rin pala. Anong ginagawa mo dyan sa halamanan?"

"Ah ano – kasi may ano e" walang akong mabuong sentence. Di ko alam ipapalusot ko.

"Wala may nakita lang si insan na palaka. Hinabol nya"

"mahilig ka pala dun?" kita kong tatawa tawa si Erica sakin. Sa isip isip ko lang, lagot ka sakin mamaya.

"Ah eh, hindi naman masyado" lumapit na rin ako sa terrace nila Ces.

"nakakatuwa ka naman" nakangiting sabi sakin ni Cecille. Hay mapapasubo pa ko.

"Ces labas ka namang inumin oh." Pakiusap ulit ni Erica.

"Sama na lang kayo sa loob, may niluluto kasi ako"

"Sige, buti pa nga" tumingin pa sakin si Erica na para bang nagsasabi na "o ayan ha", bago sumunod kay Ces.

Napailing na lang ako. Di ka pa rin bawi saking loko ka.

"Ano bang niluluto mo Ces?" tanong ko nung makapasok kami sa kusina nila. Si Erica naman parang at home lang. sya na rin kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa water jug nila Ces.

"Pakain 'to sa mga trabahador sa tumana. Dadaanan ni K'yang Nilo mamaya para dalin dun"

Wo ang galing naman ni Ces, marunong na syang magluto. Ako kasi hindi pa ganun maalam sa kusina. Mga basic, frying or reheating. Kung matatawag bang pagluluto yun. Haha.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon