Chapter 26: Summer Ends

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumilip ulit ako sa labas at nakita ko si Tita na nagpaptay na ng ilaw. Tumingin ako sa relo.

11:25 pm.

Damn. Maglalakad pa ko papunta dun.

Si Erica nagpasya na ring matulog. Ang bilis lang pala makatulog ng loko na to. Siguro kanina pa to antok na antok.

Maghihintay pa ko ng five minutes tapos lalabas na ko. Nakatingin lang ako sa relo. Rinig na rinig ko ang tunog nito at sa bawat pag-galaw ng mga kamay ng relo parang lalo akong di mapakali.

Both my feet were bouncing. Bakit parang ang tagal naman ng 5 minutes.

Then as I saw the last minute drop, para bang may sariling counter sa ulo ko.

10

I know I'm sure that I want to do this.

9

I need to do this.

8

I want to be with her

7

I know my family will understand me

6

We can make it

5

4

3

2

1

11:30.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Tiningnan ko muna si Erica. Mahimbing na syang natutulog. Hinawakan ko na ang door knob pero may naalala ako. Madalas nga palang sumilip si tita sa kalagitnaan ng pagtulog. Lumapit ako sa kama at inasog si Erica sa gilid tapos naglagay ako ng una pahaba sa tabi ng pader at tinakpan ito ng kumot.

There, I know this is lame pero siguro naman di nay an masyadong mapapansin kasi wala naming ilaw. Pagkatapos kong gawin yun ay lumabas na ako.

Dahan dahan akong naglalakad, afraid to make any sound. Kahoy ang sahig ng bahay na ito kaya naman kung mabigat ang paghakbang mo ay talagang rinig na rinig ito.

Sa back door ako dumaan dahil dadaanan ko pa yung bag ko sab along balong. Nung pababa na ako sa hagdan sa may kusina napatigil ako nung biglang bumukas ang ilaw.

"O Rae ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dyan?"

Damn. Si Tito Manuel to. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Nauhaw po kasi ako, tapos naiihi na rin ako kaya baba na rin ako para mag-cr. Nandito na rin po kasi ako sa kusina e" yung banyo kasi ay nasa baba pa.

"Ah ganun ba. Kala ko kung sino na yung nagdadahan dahan pababa"

"hehe baka po kasi makagising pa ko, alam ko naman na pagod pa po lahat ng tao dito" pagdadahilan ko pa.

"O sige. Mauna na ako sayong pumasok ha. Sinilip ko lang kasi yung mga manok sa balong balong. Ang iingay kasi baka kako napasok ng ahas"

Shit! Nagpunta pala si Tito sa balong balong. Sana lang hindi nya nakita yung bag ko.

"Sige To." Sabi ko. Umakyat na rin si tito sa bahay. Pumasok pa ko sa cr at nagtagal ng konti dun. Baka kasi nasa kusina pa si tito. Tumingin ulit ako sa relo, nako naman! 15 minutes na lang bago maghating gabi. Kailangang maka-alis na ako dahil baka isipin ni Cecille na hindi ako darating. Pinakiramdaman ko ang paligid kung nasa kusina pa si tito. Nang masigurado ko na wala na ay mabilis akong lumabas ng banyo at dumiretso na sa pintuan sa likod papunta sab along balong.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon