ikaw lang ang makakasagot nang lahat nang tanong mo at hindi ako.”



hindi kita maintindihan!bakit hindi mo pa ako diretsyahin!naasar na talaga siya sa lalaking ito



maaalala mo rin ako,alam ko!”


hindi nga kita maalala!wala akong natatandaang kaden ang pangalan,hindi kita kilala,hindi!”napasigaw na siya sa sobrang inis



huwag kang magalit,hindi naman kita minamadaling maalala ako.mas gusto kong maalala mo ako sa paraang hindi kita pinilit kundi kusang loob mo akong naalala.”anong klaseng nilalang ba ito?parang hindi manlang natatakot sa mga pag-sigaw ko,parang si Harley lang



Tsk!bakit ba ganun siya,may katangian siyang parang si Harley yung tipong mapapatahimik siya pag sa tuwing titig siya sa mga mata nito.at pag sa tuwing magagalit siya ay nakukuha lang nitong magpakahinahon at ngitian ako,tulad nang ginagawa nito ngayon


umalis kana,kung pwede lang!kung isa ka sa nakaraan ko na nakalimutan ko noon,pwes!didiretsyahin kita hindi kita gustong maalala dahil alam kong naging walang kwenta ang papel na ginampanan mo noon sa buhay ko.naramdaman niya ang pagbitiw nito sa kanya


Kahit anong iwas niya hindi na niya napigilan tignan ito sa mga mata.sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya yung emosyon nitong parang nasaktan sa sinabi ko.natahimik ito at napailing na napatungo.ilang Segundo din siguro itong nakatungo bago muling tumunghay at tinignan ako



si future wife talaga ang lambing magsalita,ang bilis magpalit nang mood akala ko nagalit ito sa sinabi ko dahil sa sakit na bumalatay sa mukha nito



bakit kailangan mong magpanggap na masaya ka,kahit alam mong hindi ka naging masaya sa sinabi ko?ngumiti ulit ito sakin at tinap yung ulo ko


ang tagal kong hindi naging masaya nung nawala ka at kahit nasaktan ako sa sinabi mo mas pipiliin ko parin maging masaya dahil nakikita at nakakausap na kita.hindi tulad noon na puro ilusyon lang akong magkikita ulit tayong dalawahindi ko alam kung bakit pinangilidan ako nang luha sa sinabi niya



Bakit ganun?bakit pakiramdam ko damang-dama ko yung paghihirap na naranasan niya noon.bakit ganito?mabilis tuloy akong tumalikod at humakbang palayo sa kanya.pinag-pupulot niya yung mga gamit niyang nalaglag sa lapag


Nakita naman niya sa side niyang tinulungan din siya nitong mag-ayos nang mga gamit niya sa loob nang studio.kailangan niyang bilisan yung pagkilos para makaalis na siya doon,hindi na talaga niya kayang Makita ito.



hahatid na kita.”narinig niyang sabi nito pero hindi siya umimik



Tuloy-tuloy siyang lumabas nang studio,alam naman niyang nakasunod lang ito sa kanya pero hindi niya ito nililingon.napatayo naman si Aida nang Makita siya,inutusan nalang niya itong ito na ang mag-sara nang artstore nila at humingi nang paumanhin na hindi ito matutulungan 



Pagkatapos niyang pagbilinan ito ay nagtuloy na siyang lumabas at naglakad na sa kalsada,hindi naman masyadong kalayuan yung bahay niya doon at pwede iyon lakarin kaya nilakad nalang niya.ramdam padin naman niya yung pag-sunod na ginagawa nito sa kanya


kaya kong umuwing mag-isa kaya please lang! huwag mo na akong sundan pa.”hindi na niya napigilang tumigil at harapin ito



gabi na at babae ka,masyadong delikado kung maglalakad kang mag-isa.”



kaya ko ang sarili ko.at nag-umpisa na ulit maglakad


Hindi na ito umimik pa.pero panay parin naman ang sunod sa kanya.hinayaan nalang niya ito dahil alam naman niyang hindi rin naman siya nito tatantanan.nakarating na siya sa tapat nang bahay niya.mabilis niyang binuksan yung gate



Hindi na naman ito sumunod sa kanya,pero nagulat siya sa sinabi nito na kinatigil niya nang pag-bubukas nang pintuan nang bahay niya.hindi na nga sana niya papansinin yung sinabi nito pero biglang nangilid yung luha niya sa mga sinabi nito


sobrang dami na nga talagang nagbago saiyo,alam mobang namimiss ko yung time na hahawak ka sa mga kamay ko dahil natatakot kang baka madapa pag naglakad ka,namimiss ko yung araw na itatanong mo sakin ang kulay nang langit at nang mga bulaklak sa paligid.at pagdating nang gabi sasabihin mong bilangin ko yung mga bituin dahil hindi mo Makita,


Nanlalamig yung mga kamay niyang napahawak siya sa pintuan,nanginginig din yung mga tuhod niya.iisang tao lang ang gumagawa nun sa kanya dati at kahit kailan hindi niya iyon malilimutan,hindi kailanman.



panong nangyaring alam niya ang tungkol doon?impossibleng siya yun,ang sabi nila. Ang sabi nila..limang Segundo din siguro siya sa ganung posisyon bago pinasyang lingunin ito pero wala na ito sa tabi nang gate niya

kaden?..”parang sasabog ang puso niya nang mahina niyang sinambit yung pangalan nito


Umiiyak siyang tumakbo palabas nang gate nila at nagpalinga-linga para hanapin ito pero hindi na niya ito Makita.sinisigaw niya din yung pangalan nito,tumakbo pa nga siya nang ilang kilometro pero hindi narin niya ito Makita


Puno nang katanungan ang isip niya,panong nangyari ang lahat nang iyon?buhay siya?yung batang lalaking palagi siyang dinadamayan noon pag sa tuwing umiiyak at naiiwan siyang mag-isa sa bahay.ang batang lalaking walang sawang nakikinig sa mga sama nang loob niya sa magulang


Ang batang lalaking pinagtatanggol siya sa mga batang palagi siyang inaaway at tinutukso.ang batang lalaking pinapatahan siya at binibigyan nang candy pag sa tuwing umiiyak at nadadapa siya.ang batang lalaki na naging lakas niya noon.



Ang batang lalaking pinangakuan niya noong magiging asawa niya pagdating nang araw.ang batang lalaking hindi sinasabi ang pangalan sa kanya dahil ang gusto niyang lang itawag ko sa kanya ay future husband,



Ang batang lalaking iyon nga ba si kaden na palagi siyang sinusundan at kinukulit.ang batang lalaking iyon na dumanas nang kalupitan noon dahil sa kanya.pero pano?bakit?naikuyom niya yung mga palad niya.


Kasinungalingan?isa na naman ba ito sa pakana niya?isa na naman ba itong kasinungalingan na dapat niyang alamin ang katotohanan oh dapat nang ibaon para wala nang masaktan?.

_____________________TO BE CONTINUED__________

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now