Na-imagine ko na naman 'yung little Meredith. Sigurado naman akong noon pa lang maganda na siya. Nakakatuwa lang isipin na nag-i-imagine na siyang ikakasal siya n'un pa lang...

Pero habang kumukuha ako ng ham sa freezer, bigla akong natigilan kasi may naisip din ako.

Kung noon pa lang na-imagine na ni Mere na ikakasal siya, malamang ang una niyang na-imagine na groom ay si...

Bigla akong sinimulang kainin ng selos nang maisip ko si Craig.

Nakatayo pa rin ako sa tapat ng bukas na ref nang lumabas ng kuwarto namin si Mere na dala na ang MacBook Air niya.

Nakita ko bigla sa isip ko na si Craig ang ring bearer n'ung kasal na in-attendan ni Mere. At gaya ng lahat ng irasyonal na taong nagseselos, biglang sumama ang loob ko pati sa Santuario de San Antonio.

Ano ka ba, Montesines? Ano naman ngayon kung si Craig ang una niyang na-imagine na groom? Hindi ka pa naman niya kilala n'un!

Saka ano pang gusto mo? Ikaw ang first love niya. Ikaw ang naka-una sa kanya. Ikaw ang pakakasalan niya at ikaw ang magiging ama ng isang dosena niyang mga supling!

Naupo si Mere sa counter at in-on ang laptop. Pinagmasdan ko lang siya, iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi ang insecurity ko. Ayoko namang magmukhang tanga pero ipinangako naming walang sekreto di ba? Minsan na akong nagtago ng insecurity tungkol kay Craig. Look how that turned out.

"Baby girl?"

"Yeah?"

I cleared my throat. "N'ung na-imagine mong ikinakasal ka n'ung bata ka... sino'ng na-imagine mong groom?"

Hindi siya nag-angat ng mga mata mula sa laptop. And without hesitation, replied, "Si Nick Carter. 'Yung Backstreet Boy."

Naubo ako sa gulat bago ako nagsimulang ngumisi, bago ako nagsimulang tumawa. Nakahinga ako nang maluwag. Noon nag-angat ng mukha si Mere.

"Bakit?" tanong niya, nagtataka.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya mula sa kabilang banda ng counter bago ako bumalik d'un sa may ref para kumuha ng cheese at letsugas. Nang isara ko ang pinto ng ref, naramdaman kong niyakap ako ni Mere mula sa likuran. Lumapit na pala siya sa 'kin. Hinalikan niya ang balikat ko. Alam na niya kung bakit.

"Sorry. Inatake na naman ako ng insecurity."

She tightened her hold around my body. "Kung naisip ko mang ikinasal kaming dalawa ni Craig, that was nothing but the imagination of a little girl who didn't know better," she whispered against my back. "You're my reality, Ash. And my reality is a thousand times better than anything that little girl could ever imagine."

Pumikit ako para hayaang papayapain ng sinabi niya 'yung insecure at seloso kong puso. Pagkatapos ay ibinaba ko 'yung hawak kong pagkain at hinawakan 'yung mga braso niya para makaharap ako sa kanya.

When I kissed her, I kissed her with tenderness.

Nang mag-angat ako ng ulo, ngumiti ako sa kanya. "Thank you for always knowing what to say to me."

She smiled and kissed me again.

"Gusto mo ng sandwich?" tanong ko nang balikan niya ang laptop.

"No, thanks. Busog na busog pa ako." Nag-click siya ng ilang beses. "Okay, I'm on the site." She looked up at me. "Kapag walang available na slot sa January 3, 2016, either pili tayo ng ibang date or sa 2017 na tayo ikakasal, okay?"

"Okay."

Tumungo siya ulit sa screen. Imbis na magsimulang gumawa ng sandwich, nanatili lang akong nakatayo d'un, nakatingin sa kanya, kinakabahan, excited, nagdarasal na sana, sana, sana may available na slot sa January 3.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon