#42: Tayong Dalawa

Mulai dari awal
                                    

"Ewan ko sa'yo!" singhal niya.

Sandali akong ngumiti bago nagseryoso. "Si Darryl? Ano ng balita sa kanya?"

"Hayaan mo na lang muna siya, Gail. Kailangan niya lang talaga ngayon ng space. Hindi ka naman siguro talaga niya aagawin kay Jared tulad ng iniisip mo. Mahal ka niya, oo but I think he's not that bad to hurt his bestfriend for his own interest." malumanay na wika niya.

Napayuko ako. Kahit ganun ay mahalaga sa akin si Darryl. He was with me during those times that I badly need help. Kaya ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Gusto ko din siyang damayan sa mga pinagdadaanan niya gaya ng pagdamay niya sa akin.

"Magiging maayos din kami di ba?" tanong ko kay Asha.

"Alam mo, Gail. Hindi lahat ng mga nangyayari ay ayon sa gusto natin. Minsan umaayon, minsan hindi. Sometimes we need to choose, to compromise, to adjust and to accept. Kung anuman ang mangyayari sa buhay natin, alam natin na yun yung pinili natin. Anuman ang mangyari sa inyo ni Jared... o ni Darryl. Yun yung desisyong gagawin mo." bahagya siyang ngumiti.

Napatango na lang ako sa sinabi niya. I get her point.

"Hayy, ang seryoso natin masyado. Tara na nga, kain na lang tayo at dahil libre ko ako na pipili ng kakainan natin okay?" ngumiti siya. "Hoy cheer up na!" tinapik niya ako sa balikat.

"Oo na..." yun na lang ang nasabi ko.

Hahakbang na sana ako nung bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Huminto ako at mariing pumikit.

"Ayos ka lang, Gail?" nag-aalalang tanong sa akin ni Asha. Marahan kong minulat yung mata ko at tumingin sa kanya.

Tumango ako at marahang ngumiti. "Oo, ayos lang ako. Tara na?" niyaya ko siya.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Oo..." I assured her.

Lumakad na kami palabas ng stall na pinuntahan namin. Napagpasyahan ni Asha na sa Kyochon na lang kami kumain. Habang naglalakad kami ay biglang nag-ring yung phone ko. Napatigil naman kami sa paglalakad.

Kinuha ko ito at nagulat ako ng makita na si Sandra yung tumatawag. Kaagad ko naman itong sinagot.

"Hello?"

[Gail? Si Ethan 'to kasama ko si Sandra. Nandito kami sa unit niyo ni Jared...]

Nagulat naman ako sa sinabi niya. May nangyari kaya?

"Ba-bakit?" nag-aalinlangang tanong ko.

[Lasing si Jared. Pwede ka bang pumunta dito ngayon? Sorry, hindi kasi namin alam kung sino pa yung tatawagan bukod sa'yo. Okay lang?] aniya. Napatingin ako kay Asha na nakamasid pala sa akin.

"Okay lang, pupunta na ako..." sagot ko.

[Sige, aantayin ka namin dito.] aniya at pinatay na niya yung tawag.

"Sino ba yun?" agad na tanong ni Asha pagkababa ko ng phone.

"Si Ethan. Uy una na ako ha? Pupunta lang ako sa condo, bawi na lang ako sa'yo next time. Ingat ka pauwi okay? Bye!" sabi ko at hindi ko na inantay ang sasabihin niya nung umalis kaagad ako.

"Hoy Gail! Ingat ka rin..." pahabol niya. Kumaway na lang ako sa kanya.

Pagkalabas ko ng mall ay agad akong nakakita ng taxi kaya madali akong nakasakay. Medyo nahihilo pa rin ako pero kaya ko pa naman. Siguro ay dahil masyado lang akong maraming iniisip ngayon.

Tinext ko na rin si Mama na pinuntahan ko si Jared at doon na lang ako sa condo sunduin. Buti na lang at hindi na mahigpit sina Mama hindi tulad noon.

Beauty and the BeastTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang