Kailangan ko na ngang isakripisyo si Jared pati ba naman mga pangarap ko? Sa huli ba wala pa ring matitira para sa akin?

Napatigil ako sa pag-iyak at agad kong pinunasan ang luha sa mata ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Agad akong tumalikod sa kanya.

"Gail, anak..." tawag sa akin ni Mama. Umupo siya sa may tabi ko. "Kakausapin ka namin ng Papa mo..." malumanay na wika niya.

"Ma, bakit?" basag na tanong ko. Tumingin ako kay Mama at kaagad niya akong niyakap. Muli na naman akong umiyak habang tahimik akong inaalo ni Mama. "Hanggang kailan po ba ako magiging ganito ka miserable? Masaya po ba kayo sa nangyayari sa akin ngayon?"

"Hindi..." marahang sambit ni Mama. "Hindi kami masaya na nakikita ka naming ganito ng Papa mo. Pinagsisihan namin ang mga nagawa namin sayo." ngumiti siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Inayos niya rin ang buhok ko.

"Kaya halika ka na, kakausapin ka namin ng Papa mo..." aniya.

Sabay kaming pumunta ni Mama papunta sa opisina ni Papa. Madaming kinukwento si Mama habang naglalakad kami tungkol sa kanila ni Papa nung wala ako rito. Natutuwa ako na maayos ang kondisyon nila dito. Maayos din ang negosyo namin. Kinamusta din niya sa akin si Jared. Nabalitaan din nila ang nangyari sa kanya kaya nag-alala sila. Sabi ko naman na ayos lang si Jared at nag-u-undergo na ng therapy.

"Gail anak!" tawag sa akin ni Papa ng makita niya ako. Lumapit naman kami sa kanya at nagulat ako nung lumapit sa akin si Papa at niyakap ako ng mahigpit.

Napapikit naman ako at niyakap siya ng pabalik. I love them. I'm willing to do everything just for them to be happy. Kahit mahirap ay nagawa ko ang mga gusto nilang mangyari sa buhay ko. I became selfless because of them. Because I love them enough.

Pero gagawin ko pa rin ba yun ngayon?

Bahagya akong ngumiti ng humiwalay sa akin si Papa.

"Anak... mahal na mahal ka namin ng Mama mo." malungkot na ngumiti sa akin si Papa.

Tumango ako. Alam ko naman yun. Siguro kaya sila naging ganito sa akin ay dahil sa pagmamahal nila sa akin bilang anak nila. At malugod ko naman yung tinanggap. Hindi ako nagreklamo at hindi rin ako nagrebelde. Sumunod ako dahil tulad nila ay mahal ko din sila.

"Masaya po ba kayo ngayon na nakikita akong ganito?" hindi ko na naitago ang bigat na nararamdaman ko. Sobra akong nasasaktan sa nangyayari ngayon sa akin. Kailangan ko ng makakaramay, kailangan ko ng pamilya ngayon.

Ang hirap kasi kapag mag-isa ka lang. Ang hirap kapag wala kang napagsasabihan ng mga totoong nararamdaman mo.

Hindi sila nakasagot. Yumuko si Papa.

"Are you happy to see miserable?" tumulo ang mga luha ko. "Pa, heto na ako ngayon o? Pa, hindi ako masaya..." I cried. Nakita ko namang umiyak na rin si Mama.

"Pa ginawa ko naman lahat di ba? Kinuha ko yung course na gusto niyo para sa akin. Nagpakasal ako kay Jared. Ginawa ko naman po lahat di ba? Bakit hindi po ako masaya ngayon? Bakit kailangan ko pong mahirapan ngayon?"

Niyakap ako ni Mama. Tahimik lang akong umiiyak habang inaalo ako ni Mama.

"Alam namin anak, alam namin..." si Mama. Napayuko na rin si Papa at umiyak na rin.

"Patawarin mo kami, Gail. Natakot lang kami ng Mama mo na baka mawala ka sa amin ulit. Before, we gave you the freedom that you deserve. Hinayaan ka namin ng Mama mo na gawin ang gusto mo, maglaro sa kung saan ng hindi namin pinagbabawalan." tumigil si Papa at tumingin sa akin.

Napatingin ako sa kanila. Parang tumigil ang luha ko sa sinabi ni Papa. Tumingin si Papa kay Mama at sumenyas dito. Tumingin naman ako kay Mama.

"Ayaw na sana naming malaman mo ito pero siguro nga kailangan mo ring malaman kung bakit ganito kami ka-paranoid ng Papa mo sa'yo, Saerin." malungkot na ngumiti si Mama.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now