Chapter 1 || The New Me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Vhong? Ha ha ha! Hindi na ako si Shrek payat nako o, onga pala kailangan ko na umalis wala akong oras makipagusap sa mga kagaya mo excuse me hmp!! ..." Sabi ni Karylle sabay walkout.

"Sungit naman nito nangangamusta lang e, pshhh pumayat ka lang ganyan ka na, pero cute mo padin kahit muka kang si Shrek noon, ingat !" - sigaw ni Vhong mula sa malayo.

Sa bahay nila Karylle

"Argh! Nakakainis bakit ba crush na crush kita kahit na inaasar mo ako noon na Shrek?!, pero. HA HA! ngayon ano ka. Nga nga ka dahil payat na ako. " sabay sabunot nya sa buhok nya dahil sa kilig at inis na nararamdaman dahil nakita nyang hndi padin pala nagtransfer ang crush nya.

"Ewan makatulog na nga para makita ko na uli si crush / enemy bukas andun padin pala sya "

------KINABUKASAN----

*beep beep* beep beep* beep beep*

"Second day of class bilang sophomore sana naman present na mga teachers ko para di sayang ang paggising ng maaga" sabi ni Karylle habang naguunat unat

After nyang ayusin ang kama ay ginawa na nya ang morning routines nya sa banyo at saka naligo at nagbihis na ng pampasok at naghanda na para makakain ng breakfast.

"O Karylle kumain ka na baka malate ka pa nyan, hmmm mukang ang ganda ng gising ng apo ko ah anong meron? Saka bakit parang ang ganda mo lalo ngayon? " sabi ng lola niya

Simula kasi nung grade one sya ay umalis ang mama nya papuntang Singapore para dun ay mag trabaho samantalagang ang papa naman nya ay isang dentista na palagi ding nasa clinic at busy sa trabaho kaya madalas ay sa lola nalang nya sya palagi naiiwan kasama ng dalawang kapatid pang babae na mas nakababata sa kanya.

"Si lola talaga o, talagang maayos lang po akong nakatulog kagabi kaya po maganda ang gising ko ngayon." - sabi ni Karylle

"Baka naman may nagugustuhan ka na sa eskwela kaya gumaganda ka pa lalo ha sabihin mo lang para makilatis kong maige" - sabi ng lola ni Karylle

"Naku la! Wala po ayoko papong magka boypren sakit sa ulo lang po iyan"

"Sinabi ko bang boypren ? taga hanga or kras man lang wala ba?" - lola

"Hmmm basta la magaaral po akong mabuti pramis yan, sige napo la, papasok na po ako ingat po kayo dito ha i love you" paalam ni Karylle sa kanyang lola.

"Sige apo ingat ka din ha pagbutihin mo" sagot ng kanyang lola.



----SA SCHOOL----

Habang masayang naglalakad si Karylle papunta sa kanyang silid ay may biglang sumitsit naman sa kanya na kaya nawala ang malaking ngiti naman nito sa mukha...

"Psst! Psst! Ms. Shrek! Suplada neto o hui!"

KARYLLE'S POV

Juiceko sino nanaman kaya yung natawag sakin ng shr.... SHREK?! hay nako Navarro sya nanaman yun panigurado -_- wag kang lilingon Karylle pagtitripan ka lang nyan magpahard to get ka.

Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon