Untitled Part 80

111K 2.1K 40
                                    

Nick's dad tapped his shoulder lightly.

"That's great iho.You have chosen well.Congratulations in advance!" sabi nito sa bunsong anak.

Lumapit din sa kanya ang kapatid.

"Congrats Nick! Pop the question baka magbago pa isip ni Stacey! " biro nito.

He told them na bago matapos ang gabi,magpo-propose na siya sa nobya.Matagal na siyang bumili ng singsing.He hopes she'll like it.If hindi nito magustuhan,madali namang mapalitan.

He had done some thinking kaninang umaga.He realized that he loves her.Obsession with love...posible naman yun.Basta he can't bear losing her.

He knows that she will say yes.Mahal din siya nito.Balak niyang ipagtapat ang lahat sa nobya mamayang pag-uwi na lang nila.

Alam niya na magagalit ito.But he hopes na mas mangibabaw ang pagmamahal nito sa kanya.

He will never let her go whatever happens.She will be his wife..He will do everything to get her forgiveness.




Nakatyempo si Stacey na humiwalay sa mama at hipag ni Nick.

She told them na may kailangan siyang tawagan.Nasa sala ang bag niya.

Parang namanhid ang utak niya sa nakita pero she needs to get away from their house.

Kailangan niya pa din ang presence of mind.She has to do something para makalabas.

Sumilip muna siya if may tao na sa sala .When she saw na wala pa sila Nick,she ran to get her bag.

Mabilis siyang lumabas sa front door .Natanaw niya ang isang itim na van na nasa malapit sa nakabukas na gate.

Saktong pasakay ang driver nila Nick  at dalawang katulong na may mga dalang tray.Mukhang maghahatid ito ng pagkain sa mga pamilya nila.

"Kuya Norman!" tawag niya habang mabilis siya na tumakbo palapit sa van.

"Stacey?" gulat na tanong nito.

Isinarado naman ng  isa sa kasambahay ang pintuan ng van.

She needs to think fast.Baka mahalata sa mansiyon na wala siya.

"Kuya pasakay! Sa loob na ako magpapaliwanag please." tarantang sabi niya.

Kahit nalilito,tumango ang driver.

"Dito ka na sa harapan.Puno ng pagkain sa loob." sabi nito.

Pagkasakay niya,binati siya ng dalawang kasambahay na nasa likod.

Tumango na lang siya.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng nakalabas na sila  at natanaw niya na naisarado na ng isa pang kasambahay ang  mataas at malaking gate ng mansion.

"Alam ba ni sir Nick na umalis ka?" tanong ng driver.

"K-Kuya may sorpresa kasi ako sa kanya.Magkikita kami ng kaibigan ko  malapit dito.Tapos ihahatid na lang niya ako ulit dito.Tatawagan ko na lang si Nick pagbaba ko."she lied.

She just hopes na hindi mapagalitan ang driver  pag nadiskubre na wala na siya sa mansion.She will call Nick later pagbaba niya.

Tumango ang driver.

"Kuya pwedeng ibaba mo na lang ako diyan?" sabay turo niya sa tapat ng isang kilalang convenience store.Andiyan na ang kaibigan ko." pagsisinungaling na naman niya.

"Sige."sabi ng driver.

"Kuya salamat.Tatawagan ko na lang si Nick." she said bago bumaba.

May nakita siyang mga taxi na naghihintay ng pasahero.Madali na siyang makakasakay mamaya.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon